Chptr four

12 3 0
                                    

6:00 am akong gumising para magluto ng agahan namin tatlo,dito na natulog si star dahil Wala tinatamad na daw siyang bumyahe pa pahotel,May jet lag pa dahil dito siya dumiretso sa amin pagkalapag ng eroplano

Agad kong tinungo ang kusina pagtapos kong Gawin ang daily routine ko. Nagluto ako ng fried rice,tuyo,egg,eggplant,bacon at hotdog sinamahan ko na Din ng sukang may sibuyas At bawang pati na din kamatis.

Biglang pumasok sa isip ko ang napanood ko kagabi na hindi ko na napagtuunan ng pansin,May chance talaga na mangyari na magpakasal siya sa iba kung alam nilang patay na ako pero hindi ko ma tanggap masakit,nasa Akin pa din yung wedding ring namin hindi pa kami annulled paanong nangyari na magpapakasal siya ng ganong kadali Lang para sa kanya ni Wala nga kong sinabing pipirmahan ko yon

Pano mo mapipirmahan yun kung malayo ka sa asawa mo?

Kung sa bagay kahit anong oras naman pwede kong umuwi,pero iniisip ko kung May babalikan pa ba ako,naawa ako sa anak ko mag aanim na taon na siya sa isang buwan ni hindi ko mabibigay ang hiling niya kung yung ama niya nagsisimula na ulit bumuo ng bagong pamilya,ganun nalang ba kadali yun? At ang mas kinaiinisan ko pa Bakit si Maggie pa? Mas gugustuhin ko pang iba ang maikasal sa asawa ko kaysa sa babaeng yun.

Siya ang dahilan kung Bakit muntikan nang makunan ako, naalala ko nuong 4 months pa Lang yung tiyan ko nagkasagutan kami ni Rembrandt sa office niya,naabutan ko kasi yung malanding babaeng yun na pilit hinahalikan ang asawa ko,sa Sobrang galit At selos na nararamdaman ko sinugod ko yung malandi na yon tsaka ko sinapak sa mukha dahil sa gulat niya naitulak niya ko at tumama ang likod ko sa kanto ng lamensa paupo sa sahig dahil duon dinugo ako At Buti nalang naagapan ang pagdurugo ko kung hindi Wala akong callisto ngayon.

6:30 ng matapos akong magluto,hindi pa gising yung dalawa At alas nuebe panaman ang pasok ni callisto sa eskwelahan.Kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyonan na mag social media binuksan ko ang intagram ko hindi ko na maalala kung kailan ko binuksan itong account ko pagbukas ko bumungad sa Akin ang daan daang mensahe galing sa kaibigan,pamilya at asawa ko maging si Maggie ay nag message sa Akin

Hey zup bitch kamusta sa heaven? Hahaha kamusta mo ako kay San Pedro huH lovelots
 
                                      Maggie

Hey baby I miss you so much,gabayan mo kami nila mommy at daddy miss na miss ko na yung paglalambing at pang aasar mo samin ni kuya Lawrence hindi ko kayang kalimutan ka baby mahal na mahal ka namin

                                   Levi

Alam ko umiiyak siya diyan that time,Di ko napigilan ang pag iyak dahil pati ako namimiss ko na sila mahal na mahal ko ang pamilya ko

Ate lucia huhuhu namimiss na kita pleasee panaginip lang naman ito diba? Please balik kana inaaway ako palagi ni Maggie Wala nang nagtatanggol sa Akin Wala na kong lunch na libre palagi namimiss na kita huhuhu
  
                                       Sachie

Napatawa ako ng malungkot nang nabasa ko ang message ni sachie,kapatid ang Turing ko sa kanya mas bata siya sa Akin ng 2years kaya ate tawag niya sa Akin At bunso naman sa kanya,agad na nahagip ng mata ko ang message ng asawa ko at agad binasa

Hey hon,how are you? How's our baby?is she or he's ok? Siguro kasama niyo na si god alagaan mong Mabuti si baby callisto or baby claire diyan sa heaven hmmm,pasensya na hindi niyo ko Kasama diyan Wala ka tuloy katuwang, hindi ko ma hahawakan si baby hindi ko na makikita yung ngiti niya hindi ko maririnig ang iyak niya kapag gutom hindi ko makikita siyang maglakad hindi ko siya maihahatid sa school hindi kami makakapaglaro At higit sa lahat hindi kita mahahagkan pa ulit. Kung alam mo Lang kung gaano ako nagsisisi sa mga nangyari sinisisi ko ang sarili ko dahil pinayagan pa kita 5 days ago,yun na pala ang pag kikita natin Sana hindi nalang kita pinayagan At ikinulong nalang Sana kita sa kwarto hahaha nababaliw na ako hon pleasee magparamdam ka sakin Kahit ngayonlang miss na miss na kita mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa ni baby pleases come home.....

Longest road Where stories live. Discover now