Chptr nine

9 3 0
                                    

Nagunahan kami ni aze na makapunta sa kinaroroonan ni heaven,nagkandaika ika pa siya samantalang ako ay patakbong lumapit sa kanya,sa huli ay sabay kaming nakarating sa kinaroroonan niya

Bakas sa mukha nito ang saya At ang pagkamiss sa aming dalawa,alam ko na kahit hindi Sabihin ni heaven na namiss niya kami  ay nararamdaman namin ito,halos isang dekadang hindi pagkikita ba naman

Sabay kaming yumakap ni aze kay heaven na may mga luha sa aming mga mata,kalaunan ay pinakawalan namin ang isat isa At titig na titig sa sa kanya

Napangisi si heaven at agad na pinagcross ang mga binti,lumingon siya sa clown na halos nakanganga na dahil sa angking kagandahan at ka inosenteng mukha,ngunit hindi niya hatid na sa likod non ay May mga Lihim na nakatago

"Oh nasaan na ang premyo ko?" Tanong niya sa clown,agad naman kinuha ang you cars at siya na mismo ang nag abot kay heaven

"I-ito na po maam" utal utal na Sabi ni kuya ng clown

Nakita ko ang anak ko na malungkot ang mukha na lumalakad papunta sa direksyon ko

"Moma" malungkot na ani niyo sabay tingin sa toy cars na nakay heaven na

"Here para saiyo talaga ito" nakangiting abot ni heaven kay callisto na ngayon ay Sobrang saya na ng mukha

"Talaga po?" Naniniguradong tanong ng anak ko sabay ngiti ng malaki kay heaven

"Yup" simpleng sagot naman ni heaven na ngayon ay titig na titig sa anak ko

Nagulat naman siya ng biglang niyakap siya ng anak ko na May saya at ngiti sa mga labi

"Thank you po" Sabi ng anak ko sabay halik sa pisngi nito

Hindi na ako magtataka kung mabilis niyang makuha ang loob ng anak ko,mahilig si callisto sa mga sasakyan kaya kahit mumurahing laruan lamang ang ibigay mo Basta May kinalaman sa race o sa mga sasakyan ay kusa siyang magiging masaya,idinadagdag niya ito sa mga koleksyon niya sa isang kwarto dito sa mansion

nagpatuloy ang party ng anak ko habang kaming tatlo naman ay nasa isang table malapit sa pintuan papalabas ng hardin

"Madami kang ikukwento sa amin heaven" biglang Sabi ni aze

Si heaven naman ay agad na lumingon sa kanya sabay kagat sa barbeque niya

"Hindi ba pwedeng kumain na muna ako?" Tanong naman sa kanya sabay ubos sa barbeque

Inirapan naman siya ni aze sabay bato ng stick sa kanya ni heaven

"Loka loka,napunta ka Lang ng antartica pati utak mo nag freeze"

"Duhh" maarteng sagot naman sa kanya ni heaven,Wala siyang pakialam sa sinabi ni aze basta ay makakain Lang muna

"Mabilaukan ka sanang loka loka ka" inis na Sabi ni aze sabay tayo sa kinauupuan niya At tinungo ang daan papuntang kusina

Nangunot naman ang noo ko,saan pupunta yon? Potek mukhang alam ko na ah.si gaizer ang nasa kusina ngayon para ayusin ang mga alak na ilalabas mamaya

"Nabalitaan ko ang nangyari saiyo madelle" maya maya ay basag ni heaven sa katahimikan

"Ayos lang ako Almira" pigil na emosyong ani ko sabay ngiti sa kanya ng pilit

"Tsk,sa lahat ng tao ako pa talaga pinagtataguan mo ng emosyon madelle" seryosong ani niya sabay inom ng juice

"Ayos nga Lang ako Almira,trust me"

"May tiwala ako sayo pero hindi diyan sa nararamdaman mo ngayon" naniniguradong sabit nito sabay tingin ng deretso sa mata ko,hindi ko maipagkakaila na sa paraan ng tingin niya na iyon ay mayroon sa parte ko na kinakabahan,kapag ganyan siyang seryoso At tinignan ka sa mata hindi mo na magagawa pang magsinungaling sa kanya At iyon ay tanging siya Lang mismo ang nakakagawa

Longest road Место, где живут истории. Откройте их для себя