Umungol ang matanda at may kinukumpas-kumpas. Halos itulak ni Mrs. Contreras ang anak sa harapan ng lolo niya. Ako nama'y masuyo niyang inalalayan palapit sa matanda. Nakaabrasiyete siya sa akin while smiling sweetly. Nalito ako sa damdamin. Gusto ko siyang itulak pero gusto ko rin ang pinapakita niyang pagkagiliw sa akin.

"Of course, Daddy. That will soon be done!" At tumawa ang ginang nang tila kilig na kilig. Napanganga ako. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Si Micah nama'y tila pinamulahan ng mukha. He looked so embarassed.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

I cannot believe Mom has the audacity to arrange for my civil wedding without even consulting with me. I also wanted to be married with Shane for the inheritance, but not this way. Napakagarapal kasi ng ginawa niya. Gusto ko naman sanang gawing authentic ang lahat kahit sa paningin lang ng mga pinsan ko't tetyas. Ngayon, mukhang naging halatang minadali ang kasal para makuha namin ang pinakamalaking porsyento ng mana na ibibigay lamang ng lolo sa unang apo na malalagay sa tahimik at makakapagbigay sa kanya ng apo sa tuhod.

"Get rid of that fvcking frown on your face!" anas ni Mom sa akin at kinurot pa ako sa tagiliran.

"Ehem," sabat naman ng mayor. Inayos-ayos nito ang kurbata sa paraang tila hindi komportable. Na-sense niya sigurong si Mom lang ang atat na makasal kami ni Shane. "Kung nais ninyong pag-usapan muna ang tungkol sa kasalang ito, you can call me some other day, Mrs. Contreras," pabulong nitong sabi sa mommy ko but he made sure I heard it. Siguro'y gusto ring kunin ang reaksiyon ko roon. Bago pa ako magpamalas n'yon mabilis ang naging sagot ni Mommy. "No! The wedding has to be done today, mayor. I know you are a busy person. I did not call you here just to waste your time."

"Bueno, kung ganoon ay simulan na natin ang seremonyas." May tinawagan ito sa kanyang cell phone. Mayamaya pa'y may dumating din doong dalawang babae at isang lalaki. "This is Elaine and Pearl, my staff, and this is Teves, my bodyguard. They could act as our witnesses." Sumulyap si Mayor Saldana nang makadali sa mga tetyas ko at sa aking mga pinsan. Na-sense niya marahil na ni isa sa kanila'y walang balak maging testigo ng kasal kung kaya nagdala ng sarili niyang witness.

Dahil busy sa kaaawat kay Mom, no'n ko lang nabalingan si Shane. She was quiet beside me. Nag-alala ako agad. I felt so bad for taking advantage of her weakness. Alam kong hindi siya ang confrontational na klase ng babae. Tingin ko rin, too much for her to take ang ginawa ni Mom. No'n ko naramdaman ang labis-labis na guilt. Bumaha sa isipan ko ang mga alaala ng kung ilang beses naming pag-uusap tungkol dito sa fake marriage na ito. Sabi ko pa noon sa kanya hindi ko siya pipilitin kung sakali. That I will give her a chance to think it over.

"Walang kasalang magaganap, Mayor Saldana," sabi ko sa buo at siguradong tinig.

"What? NO! You are crazy, Micah Rufus!" galit na tungayaw ng mommy ko.

Si Shane ay mukhang napapitlag. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming mag-ina.

"Lolo, I am sorry. I will explain to you later on," sabi ko sa lolo ko. Nakita kong kumulimlim ang kanyang mukha ngunit hindi rin naman nag-protesta. Tumangu-tango siya sa akin.

Ang tetyas ko't pinsan ay napangisi. Sila ang labis-labis ang kasiyahan sa naging pasya ko. Si Mayor Saldana naman at ang kanyang mga staff ay nalito. Napatingin ang mga ito kay Mom na hinihimok pa rin silang isagawa ang seremonya at sa akin na pinaninindigan ang pagtutol sa kasalang iyon.

"Let's go, Shane," yaya ko naman kay Shane sa mahinang tinig. I gently grabbed her hand and we walked out of the room hand in hand.

Hinabol kami ni Mom. Hinampas niya ang balikat ko. Tumungayaw ito sa lenggwahe niya habang hinahampas-hampas ako sa balikat at sa dibdib. Tinawag niya ako ng kung anu-ano. Lahat ng alam niyang Russian swear words ay ginamit niya sa akin. Nang wala nang maibato ay napahagulgol ito. Mukhang nataranta naman si Shane but I just held her hand and squeezed it gently.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now