Chapter XXXVII

Magsimula sa umpisa
                                    

Namumula na ang buong mukha ni Ivan habang ang isang kamay niya ay halos masira na ang plasik na hawak niya. Bakit ba napapalibutan talaga ako ng mga ganitong klase ng tao?! Bakit nalapalibutan ako ng mga baliw na kagaya ni Ivan?! Pero possible nga kaya?! Posibleng si Ivan din ang pumatay kay Ayen?! Kung oo... Isang lang ang ibig sabihin no'n. Posible ring patayin niya ako ngayon.

"H-Hindi mo ba talaga siya pinatay?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong sa kanya.

"Hindi nga!" pasigaw na sagot niya. "Ang pamilya ng mga baliw ang pumatay sa kanya. Kitang-kita naman ang katibayan eh. Walang ibang gagawa sa kanya ng masama kung hindi ang mga baliw na 'yun lang! Ang hindi ko maintindihan, hinukay ko na ang lahat ng dapat hukayin pero hindi ko nakita ang bangkay ni Ayen. Ni hindi ako nakakita ng kahit isang pirasong dami niya man lang. Tangina! Tangina talaga! Saan ko pa ba siya pwedeng hanapin! Gustung-gusto ko na siyang makita! Kahit mga damit niya na lang sana. At kahat kalansay na siya, yayakapin ko pa rin siya."

Naging malikot ang mga mata ko at naghahanap ako ng pwede kong gamitin para makawala sa pagkakatali ko. Masyadong malayo ang gunting at kutsilyo. Wala akong kahit na anong makitang matalim na bagay na pwedeng makatulong sa akin. Pero hindi ako pwedang mamatay dito. Kailangan kong makawala at mailigtas ang kapatid ko.

"Junica, sabihin mo... Naniniwala ka naman sa akin 'di ba?"

Kaagad na bumalik ang tingin k okay Ivan nang lumapit siya sa akin. Sobrang magulo na ang buhok niya at pawisan ang suot ang suot niyang polo shirt. Mas nakakatakot na siyang tingnan ngayon. Pilit akong tumango sa kanya at nanginginig man ang buong katawan ko pati na ang mga labi ay pinilit kong magsalita. "O-Oo, n-naniniwala ako sa 'yo. Pakawalan mo na ako dito, Ivan. M-Magtulungan tayo."

Umismik si Ivan. Nakangisi siyang umiling. "Pero ako, hindi ako naniniwala sa 'yo. Hinding-hindi mo ako mauuto, Junica."

"Hindi kita inuuto. Gusto mong magtulungan tayo 'di ba? P'wes pakawalan mo ako dito!"

"At sa tingin mo talaga gano'n ako katanga para sa maniwala sa 'yo?! Junica, hindi ako tanga at mas lalong hindi ako baliw!" sigaw niya.

"Eh gago ka pala eh! Bakit tinali mo pa ako dito kung hindi mo gustong tulungan kita!? Ivan, sa ating dalawa... Ako lang ang pwedeng makalapit sa pamilya nina Kristine! Kaya ako lang din ang pwedeng makatulong sa 'yo, ngayon!"

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya nang muling bumaling ang tingin niya sa akin. Hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon na 'yon.

"Ivan, pareho lang naman tayo ng gustong mangyari... Ang mapalabas ang baho na tinatago ng pamilya ng mga baliw. Kaya magtulungan tayong dalawa!"

"N-Naniniwala ka talaga sa akin?" tanong niya.

"Siyempre, oo! Mula nang unang araw na nagkakilala tayo hanggang ngayon, hindi naman nagbago 'yun eh! Pareho tayo ng gustong mangyari, Ivan! Pareho tayo na gustong matapos na ang kabaliwan na 'to ng pamilya nina Kristine!"

"Tutulungan mo ba talaga ako?" parang batang tanong niya. "Naniniwala ka naman sa akin 'di ba? Naniniwala ka na hindi ako baliw. Hindi ako baliw, Junica."

"A-Alam ko na hindi ka baliw, Ivan." Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko. Kailangan kong makuha ang tiwala ni Ivan at makawala mula sa pagkakatali ko. "Mahal mo lang talaga si Ayen at tutulungan kita na mahanap mo siya. Magtulungan tayo na matapos na ang kaabaliwan na 'to!"

Dahan-dahan nang nabitawan ni Ivan ang hawak niyang plastic na may lamang putol na kamay at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Basa na ng luha ang magkabilang pisngi niya. Lumuhod siya sa harapan ko. "Tutulungan mo talaga ako?"

Tumango ako at pilit na ngumiti. "M-Magtutulungan tayong dalawa."

Nakita ko ang paglapit ng mga kamay niya sa kumot na nakapulupot sa mga kamay ko. Nangatal ang mga labi ko nang simulant na niya iyong tanggalin. Nanginginig na rin ang buong katawan ko. Lumuluwag na ang pagkakapulupot ng kumot sa mga kamay ko, at bago pa iyon tuluyang makalas... Buong lakas ko inihampas ang ulo ko sa ulo ni Ivan.

"Shit!" hindi ko na napigilan ang magmura dahil sa matinding sakit na naramdaman ko sa ulo ko. Kaagad namang natumba si Ivan kasama ang lamesa kung nasaan ang mga suklay at pangmake up ko. Mabilis ko nang tinanggal ang pagkakapulupot ng kumot sa kamay ko at nilampasan siya.

"Saan ka pupuntang babae ka?!" Nahawakan ni Ivan ang paa ko na dahilan para ma-out of balance ako at matumba. Mabuti na lang at hindi tumama ang mukha ko sa sahig.

"Bitawan mo ang paa ko!" sigaw ko pero hindi sumunod si Ivan at hinila pa ang paa ko palapit sa kanya. Pinulot ko ang mga nakakalat na gamit ko at sinimulang ibato sa kanya pero hindi ko siya matamaan. Hindi na ako pwedeng magpabilanggo sa kanya. Hindi na niya ako pwedeng maitali dahil baka hindi na ako makawala pa. Baka hindi ko na mailigtas ang kapatid ko.

At baka mapatay na niya ako.

"Hindi ka makakaalis, Junica! At dahil mukhang hindi na rin naman kita mapapakinabangan... Papatayin na lang din kita!"

Nanginig na sa takot at galit ang buong katawan ko. Nasa may hita na niya ang mga kamay ko nang mnadampot ko ang malaki kong suklay at inihagis sa kanya. Tumama iyon sa ulo niya.

"Ahhhh!"

Kaagad akong bumwelo at itinaas ang isang paa ko bago malakas na tinadyakan sa mukha si Ivan.

"Fuck! Fuck! Fuck you, Junica!"

Tumayo na ako at pinulot ang nakaplastic na kamay bago nilagay sa loob ng isang bag na nakakalat.

"Bumalik ka dito, Junica! Bumalik ka!!!" sigaw ni Ivan.

Bago ko maisarado ang pinto ay nakita ko ang paggapang niya sa sahig. Duguan ang ulo noo niya. At malinaw kong naririnig ko ang mga sigaw niya. Pero hindi na ako pwedeng mag-aksaya ng panahon. Kailangan ko nang iligtas ang buhay ni Angel.

RecursionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon