CHAPTER 30 - SEASON FINALE

Start from the beginning
                                    

Pero sayang yung 500 million.

Babalik din naman ako kapag tapos na exam ko, promisess.

Kinuha ko sa bag ko ang iphone kong bagong bagoooo. Sininghot ko, angg bangoooo, amoy sinigang! Tumingin ako sa oras.

"AHHHHHH!" walanjo, sa sobrang ligaya ko sa 5 million, 10 minutes nalang start ng exam ko.

Late na akoooooo!!!!!

Mabilis pa sa paglubog ng jerbax ko sa inidoro ang takbong ginawa ko maka-abot lang sa exam.

Argh, ang layo pa naman ng college department ko sa main gate!

Wala ng mga studyante na pakalat kalat sa mga college buildings at sa mga hallway.

"Kasalanan 'to ng magaling kong tatay! Mabilaukan sana siya kapag kinain niya 'yung sinigang na'yon!!!" asik ko!

Pagdating ko sa pintuan ng klase, agad ko iyong binuksan. Wala ng pagdadalawang isip pa , letse late na nga ako e!

Pagbukas ko ng pinto, naagaw ko ang atensyon ng mga kaklase kong nasa kaniya kaniya ng upuan, one seat apart.

"AYM BACKKKK!" sigaw ko on the top of my lungs!

"Booooh! Pumasok na ang bruhildang maldita!"

"Arghhhh! Ashari bakit ngayon ka pa pumasok? Wala na gugulo nanaman dito."

"Uwi ka nalang, tahimik buhay namin nung absent ka."

Pinagtaasan ko sila ng kilay isa-isa. "Papanget ng ugali niyo e nangongopya lang din naman kayo hmp. Kala mo kung sinong mga malilinis ang budhi!"

Inirapan ko sila, kitams, wala ding kwenta ang mga kaklase ko. Mga basher ko sila!

Well, hindi ko naman sila masisisi kasi masama akong tao at hindi ako friendly.

Lahat sila ginawan ko ng masama kaya kebs lang na ganyanin nila ako.

Hindi ko na sila pinansin at tumingin nalang ako sa teacher ko.

Nakatayo 'yung dragona kong teacher sa gitna at nagpapamigay na ng test papers.

"You're late, Ashari!" seryoso at sobrang sungit ng tono ni Maam. As always naman, ano pa aasahan mo e menopause na'yan.

Hindi ko siya sinagot, inilibot ko lang ang tingin ko sa classroom. Naghahanap ng mauupuan.

"Wala nang vacant seat, Maam." ani ko.

Sinadya nila 'yan for sure!

Inilibot din ni Maam ang tingin niya at doon lang niya narealize na kulang nga ng isang upuan sa klase niya.

Ha! Alam ko naman na sinadya talaga nilang hindi maglagay ng upuan!

"I thought you won't make it today. You are always absent these past few weeks. Kumuha ka nalang sa kabilang classroom, make it fast, huwag mong idelay ang exam dahil lang sa isang silya!" inismidan ko si Maam bago pumunta sa kabilang room at kumuha ng upuan.

Bakit parang kasalanan ko pa na kulang kulang ang silya sa classroom?

Mga bwisit talaga sila! Porque obob ako at nangongopya lang, hindi na nila ako paglalaanan ng upuan?

Pag yaman ko, gagamitin ko lahat ng pera ko, hindi ko ipapalagay nga mukha nila sa Golden Grain!

Syempre pagpasok ko bitbit ang upuan, tumabi akong pilit sa pinakamatalino naming kaklase.

"Pagyaman ko, ikaw una kong bibigyan ng bahay at lupa kaya pakopyahin mo ako okey?" bulong ko sa katabi kong matalino.

Ito palaging Dean's Lister e. Di nawawala sa listahan kaya di din lumipas ang mga exam na hindi ako tumabi sa kaniya. Kita mo naman ang pagmumukha, nerd na nerd. Matalinong matalino.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now