Lascivious Casanova 02

Start from the beginning
                                    

Diretso ang lakad ko. Hindi ko siya pinansin kahit pa sinasabayan niya ako at naglalakad siya patalikod. Naisip kong pagkalagpas ko naman dito sa field na kinukulong ng bakod ay hindi na siya makakasunod sa akin. Depende nalang kung aakyatin niya ang bakod at tatalon palabas.

"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi.

Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal sa kanya sa school na ito.

Agaw pansin ang mga biloy niya na lumabas nang hithitin niya ang dulo ng sigarilyo. Kahit nagsasalita, kumakain, o kahit kaonting kibot lang ng labi niya'y lumalabas iyon. Gamit ang mga daliri'y sinuklay niya papunta sa likod ang pawisan niyang buhok. Ang manipis na gintong kwintas niya'y kumikinang sa tirik na araw.

Nagbuntong hininga ako at pilit pinapakalma ang sarili. I don't like people breaking school rules that's why I hate him. He's the best example of bad boy. A rebel. He's teaching other students to do wrong.

"Breaking a few rules won't hurt your grades, Miss. If you want to taste, I can give you some," tukoy niya sa sigarilyo na wala akong balak tikman.

Hindi ko siya pinansin. Diretso lang ang tingin ko katulad nang diretso kong paglalakad.

"Magandang sumbungera," sabay tawa.

Natigil sa paghakbang ang mga paa ko dahil sa sinabi niya. Noong nakaraan pa niya ako tinatawag na ganyan! Salubong ang mga kilay kong hinarap siya. Natigil din siya sa paglalakad na nakatalikod dahil sa pagtigil ko. Nang humakbang ako palapit ay itinaas niya ang kanyang isang kamay. Humawak siya sa chain-link kaya't nakalusot ang mga mahahabang daliri niya roon. Muli siyang humithit sa sigarilyo nang tumigil ako sa harapan niya. Ibinuga niya ang usok sa gilid na hindi inaalis sa akin ang mga mata.

"Hindi ka ba talaga titigil sa kakaganyan sa akin?" mariin ang pagkakasara ng mga ngipin ko, nagpipigil na sigawan siya at makaagaw kami ng atensyon.

Nakakaasar na nakaangat ang gilid ng labi niya at gustong gusto kong burahin iyon. Hindi ko kahit kailan nagustuhan ang likas na pagkabarumbado na nakabakas sa mukha niya at bastos na pananalita. Kahit nakakaengganyo siyang magsalita dahil sa paglabas ng dalawang biloy, mas pipiliin ko pa rin na manahimik nalang siya.

"Titigilan mo rin ba ang kakasumbong? O baka naman ganyan ka magpapansin? You are pretending to be mad at me but the truth is you like me? Tama ba ako, Miss?"

Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag at gustong gusto ko na itong ihampas sakanya kahit hindi naman siya matatamaan dahil sa mga nakaharang na chain-link na bakod.

"Kung may gusto ako sayo, bakit kita gugustuhing mapaalis sa eskwelahan? Kung gusto kita, hindi ako magsusumbong at hahayaan kita kahit mali ang ginagawa mo. Kung mayroon akong gustong lalaki, sasabihin ko kaagad at hindi na ako magpapapansin pa."

Lalong bumakas ang paglalaro sa mga mata niya. Umangat ang kilay niya tanda na hindi naniniwala sa sinasabi ko. Lumawak ang ngiti niya. Hinangin ang ilang hibla ng mahaba kong buhok nang sumabay ang malakas na hangin sa kayabangan niya.

"Kung totoo na wala kang gusto sa akin, bakit palagi mong napapansin ang mga ginagawa ko?"

Nangangawit ako kakatingala sa kanya habang kausap siya pero tiniis ko at hindi umalis sa harapan niya. Gusto kong magtimpi pero unti unti na akong tinatangay sa pagiging antipatiko niya. Tingin ko'y walang lalabas na matino sa bunganga niya. Sa palagay ko'y wala siyang sasabihin na hindi ko ikakaasar.

Padarag akong humakbang pa ulit ng isang beses palapit. Kung walang nakaharang sa amin ay baka naitulak ko pa siya sa dibdib. Nakakuyom ang isang kamay ko sa gilid dahil ayokong iangat iyon at duruin siya. Sa halip na lumayo dahil sa galit na paglapit ko'y nakangisi pa siya at nakayukong tinititigan ako.

"Dahil sinasadya mong ipakita! Umiinom ka sa loob ng school! Naninigarilyo ka! Nagpapalaro ka ng mga kung ano anong sugal! Sinong hindi makakapansin sayo?! Sa ating dalawa, ikaw ang nagpapapansin at hindi ako!"

Tumigil ang mga kasama niyang naglalaro dahil sa paglakas ng boses ko. Nakita ko si Peter na naglakad palapit. Inabot nito ang polo ni Jaxsen sa kanya. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin kahit nang isukbit niya sa kanyang kaliwang balikat ang polo niya.

"Nag-aaway nanaman kayo?" abot pa sa pandinig ko ang tanong ni Peter kahit hila hila na ako ng mga babae palayo.

Mabilis ang paghinga ko na nakatalikod na kay Jax. Nakalagpas na rin kami sa field. Pinagtutulungan ako ng mga babae sa braso para hindi makapalag. Hindi nila ako binibitawan dahil iniisip na babalikan ko si Jax. Alam kong hindi sila nag-aalala na makipag-away ako. Ang ayaw lang nila ay ang awayin ko ang lalaking pinapantasya nila.

"By the way, Clementine! Damn legs! Nice ass!" natatawang pahabol ni Jax na sinabayan ng pagsipol sa bastos na paraan.

Hindi na ako nag-abala na lingunin siya ulit kahit ramdam kong nasa likod ko ang mga mata niya habang nagsisigarilyo. Nakasuot ako ng itim na cycling. Sanay ako sa ganito dahil sa cheerleading pero sa pagkakataon na ito'y nag-iinit ang mga pisngi ko nang maisip na nakatitig siya sa mga hita at pang-upo ko. Pinapanayuan ako ng balahibo sa batok. Ganito ako sa tuwing may patagong nakatingin sa akin. I hate you, Jax Dawson! Makakaganti rin ako sayo!

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now