Kabanata 6 - [wait for me]

Start from the beginning
                                    

Kinurot ko ang pisngi nya habang tumatawa. "Huwag kanang magtampo. Ayaw kong nakikitang malungkot ang girlfriend ko." Mas napanguso lang sya pero alam kong paraan nya lang yun para pigilan ang pagngiti.

Natawa lang ako sa kakyutan nya. Habang tumatawa biglang nagsalita si Mang Ernan.

"Sir, girlfriend nyo nya po si Ma'am?" Takang tanong ni Mang Ernan.

Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Semi. "Opo, Mang Ernan. Sinagot kona kasi kawawa naman sya. Tagal na ding nanliligaw ehh." Natawa namam si Mang Ernan sa tinuran ni Semi. Maging ako ay natawa narin. Kahit kelan talaga tong babaeng ito.

"Alah, Sir. Napilitan lang pala si ma'am."

"Naku, Mang Ernan, hindi totoo yun. Patay na patay na talaga sya sakin kaya nya ako sinagot." May pagmamalaking sabi ko. "Aray!" Impit kong daing nang kurutin ako ng Semi sa tagiliran.

"Aishh. Bakit ka nangungurot? Totoo naman yung sinasabi ko ahh. Ikaw ba kinukurot ko kapag inaasar ko ako?"

"Minsan, sa pisngi pa nga ehh."

"Mas malala naman yung sayo. Masakit ka kaya mangurot."

"Ahh ganun? Gusto mo puso mo nalang saktan ko? Mas masakit yun. Break na kaya kita?"

Nanalaki ang mata ko. Hindi ko nagustuhan ang birong yun. Nagseryoso ako. "No." Mataman kong turan.

Napaseryo din sya ng marealize nyang seryoso na ako. "Huwag kang nagbibiro ng ganyan, Semi. I don't like it. Don't talk about break up that easily. It's not a joke." Napanguso muli siya. Ako naman ay nag-iwas ng tingin dahil baka mawala kaagad ang tampo ko kapag nakikita ko mukha nya.

"Do you even know that my heart hurts everytime I think of you and I breaking up?" Dagdag ko pa.

"Awwww sorry, Sodabear. I didn't mean to make you upset." Ikinawit nya ang kanyang kamay sa braso ko. "I promise, hindi na ulit ako magjojoke ng ganun." Then nagpuppy eyes pa sya. Aishh ano namang laban ko sa babaeng may puppy eyes na ito?

"Huwag ka ngang magpacute dyan." Mas lalo pa syang ngumuso. "Aishhh nawawala galit ko ehh."

Ngumisi naman sya. Inilapit nya ang kanyang bibig sa tenga ko. "That's the plan, Sodabear."

Kinalibutan ako pero hindi ko pinahalata. "Ewan ko sayo." Nag-iwas ako ng tingin.

"Uyyy harap ka dito. Bati na tayo diba?"

Hindi ako kumibo. "Galit kapa? Please bati na tayo." Niyuyugyog nya ang balikat ko pero nanatili ang mata ko sa bintana.

"Sir, magbati na kayo ni ma'am. First day nyo pa naman pong magboyfriend at girlfriend." Singit naman ni Mang Ernan na nakapagpalingon sa akin sa direksyon nya. Nginitian pa nya ako sa rearview mirror.

"Ayan makinig ka kay Mang Ernan." Kay Semi naman ako napatingin ngayon. Hindi naman talaga ako galit. Hindi ko lang talaga nagustuhan yung joke. "Magbati na kasi tayo."

"Oo na oo na." Parang napipilitang kong sabi. "Para namang kaya kong magalit sayo." Hirit ko pa pero pabulong nalang.

"Yeheyyy." Masaya nyang sambit. Hindi ko nga lang sure kung narinig nya yung huli kong sinabi.

Sa sobrang distracted namin ni Semi sa pag-uusap, hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa school. Ako ang naunang bumaba. Inalalayan ko syang bumaba kahit kaya nya naman. Syempre I'm a gentleman boyfriend.

Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa building. Agad naman kaming na-overwhelmed dahil sa mga nagcocongrats sa amin.

"Uyyy ayan na sila." Kabi kabila ang pagbati nila sa amin.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now