CHAPTER 25

3.3K 209 180
                                    

Chapter 25
One Arrow

"Maaga kang nakatulog?" Tanong ni Neddie paglabas ko sa kwarto. Nag-iintay pala sila ni Zenaida doon.

"Oo," tangi kong sagot.

"Weh? 'Di na kayo nagkagatan ni Radzyn?"

Bumaliko ang leeg ko sakan'ya. "What the hell, Neddie?"

"Tingin mo papatay, Vira. Defensive ka! Zenaida tignan mo nga kung nagsisinungaling."

"Nagsisinungaling siya." Pumikit nalang ako dahil halatang pinagkaisahan nila ako. Sana ay 'wag madinig ni Radzyn kundi lalaki ang ulo noon.

"Kalma, Vira." Humabol sila saakin. "Pfft, mainit yata ulo dahil may hickey, sana all may hickeys. Pipikit nalang ako para iwas inggit—! Charot." Taas kamay niya nang magbalik ako ng tingin dito. Nanahimik nanaman sila at piniling pag-usapan ang gagawing training pagkatapos ng umagahan.

Nasundo narin namin si Akeesha, tumulak kami patungong diner hall ng Square Camp. Magarbo parin tulad ng inasahan ko. Ngunit 'di gaya sa kampo ng Peta, magkakasama na ngayon ang tatlong bayan sa isang silid. Well that's impressive for an obvious-unequal kingdom.

Magkahiwalay lamang kami ng lamesa. Isang pahabang kainan kada bayan. At nasa kabisera ang mga ministro. Sandali kong sinilip ang taga-Euphoria. Halos umawang ang bibig ko dahil kahit pagkain nila ay pulido ang galaw. Mga taga Peta naman ay tamang diet ang ginagawa. Mga kambing. At ang Gredorma... lamon.

"Dito tayo," turo ni Neddie pagkakuha namin ng pagkain sa stall. Tahimik ang pagkain namin dahil nahihiya sila sa ministro. Makakailang subo palang ako nang may mapansin ako. May second floor pala ang palapag sa dulo, at kita namin dito ang spot kung saan kumakain ang mga moderator—kasama nila si Quillon sa lamesa.

I guess they're the monarchy in here.

Malapit na kaming matapos kumain nang mapansin kong nagpunas ng bibig si HM Azrael atsaka lumapit sa railing para makita niya kami.

Nang mapabaling ang iba, pansin ko ang lihim nilang ngisihan. "Ang gwapo talaga."

"7 AM. Meeting will be held at the main hall."

Dahil sa binitawan niyang salita ay nagkaroon ng mahinang bulungan. Para saan ito? May panibago naba agad na palaro? Akala ko ba ay binigyan nila kami ng ilang araw na palugit? Kaysa magtanong, mas bilisan nalang namin ang galaw. We could never break the head moderator's order. He's Azrael and he's a threat.

7 AM exactly at the main hall, all are gathered in a neat way. Nakapila kami gaya ng lagi naming ginagawa tuwing may patawag na pulong. Nasa unahan ang moderator, gamit ang hologram ay nakita namin ito ng mas malinaw.

"Good morning. And, today..." He compose without warning the next words. "We'll be having an activity hunting. What do I mean?"

A Comrade : Seize the Crows

Ang video naman ng activity nito ang pinalabas sa hologram kung paano ang gagawin. Parang katulad lamang ito ng unang group hunting, no need to kill.

"The rules are simple. With a bow and arrow, you need to catch these elusive forest birds. You're not allowed to kill them, but you must bring them back in the entrance before the time limit. There'll only be five crows in the forest wandering around. It's on your will on how to seize them by hook or by crook." Dahil sa sinabi niyang huli ay mukhang magkaroon nanaman ng agawan. At pag may agawan, madugo lagi ang hantungan.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon