CHAPTER 2

8.6K 507 295
                                    

Chapter 2
Poison

Patapak na ang paa ko sa bakuran namin nang maalala ko ang punit kong cloak. Mabilis kong tinanggal ito at sinampay saaking braso. Hinila ko ang kabayo ni Gerrie sa puno ng aming bakuran at doon tinali.

Sinilip ko muna ang buong paligid kung wala ba saaking nakasunod. Malayo ang bahay namin sa syudad ng Gredorma. Nakatago ang puslitan sa isang abadonadong hardin sa gilid ng bayan, at pag tinahak mo ang maze garden, sa dulo noon ay makikita mo ang isang kalakihang nilumot na bahay na aming pinag may-arian.

Makampante akong walang matang nakasunod saakin nang maalala kong...

"I have a gift for you."

Kumabog nanaman ang puso ko nang bumalik saaking isipan ang imahe ng lalakeng sumira ng aking paboritong kaputsa. Ang daming nadama ng aking puso. Kaba at... pagkamangha.

Aamin ko, kakaiba talaga ang lalakeng iyon. Dahil sa likod ng kaniyang 'di mo aasahang abilidad at ngisi, sa ilalim ng kaniyang anino ay ang nagmamay-ari ng... magkaibang kulay na mata.

His right eye was colored brown and the other is bright... yellow. I had never heard of any kind of human kind like him. What is he? Is he a breed? From what clan does he belong to? I can't prove my superstition right now, but one thing is for sure. I must avoid him no matter what happen. That guy... is a beast.

Pagpasok ko ng bahay, dinig ko aagad ang tawanan nila mula sa ikalawang palapag. Tumulak ako doon at nalamang nagkekwentuhan silang tatlo ni Komander Guo habang iniinom ang dalang tsaa ni Gerrie.

"Nakabalik na ho ako," bungad ko.

"Right on time, Vira! Hindi pa lumalamig ang tsaa mo." Gerrie tap the chair beside her. Sa tapat namin ay ang dalawang lalake.

"Anong pinag-uusapan ninyo," usal ko matapos manuot ng tsaa saaking lalamunan. Ang sarap. Kakaiba talaga ang bayan ng Peta. Minsan na kaming tumakas papasok dito ng bata pa kami nila Gerrie, ngunit dahil sa takot na baka nahuli kami ay 'di na kami umulit.

Kumpara sa bayan ng Gredorma at Peta... para talaga akong pumasok sa panibagong mundo nang nakadalaw ng Peta noon. Paano pa kaya ang sentro ng Carzuela? Ang Euphoria.

"Napag-isipan kasi namin ng kapatid mo Vira na, dahil sa susunod na linggo ay Disyembre at ibig noon sabihin ay..."

Ang buwan ng Chivalry Tournament. Ginaganap ito sa huling buwan ng taon. Ang natatanging buwan ng taon kung saan walang Chivalry game araw-araw para magbigay pugay sa turnamento. Ang maglalaban laban dito ay ang tatlong depending champion ng Gredorma, Peta at Euphoria.

"Ay?" Tinignan ko si Kuya na malaki ang ngiti, ganoon din si Komander, nagtaka ako nang excited na kinuha ni Gerrie ang kamay ko at parang nagningning ang mata.

"Bilang selebrasyon! Papasok tayong apat sa Peta!" Hindi pa ako nakasagot nang hinarap ni Gerrie ang dalawang lalake na gutom sa plano. "Ako ang bahalang magplano ng mga gagamitin at pupuntahan natin sa Peta! Libre ko ang araw na ito para kay Vic! Ayie, kilig!"

May gustong lumabas saaking bibig na na diskurso. Dahil isang kapahamakan ang pinapasok namin, kinakabahan ako sa paglalakbay na ito. Pero naglaho 'yun nang makita ko ang ngiti sa labi ni Kuya. Ang aking loob na nag-apoy ay naapula.

"Excited ka din ba, Victoreigna?" Maagap akong tumango kay Gerrie. Inalis ko ang pangamba at bumigay sakanilang mga ngiti. Gusto ko ding makapasok sa isang panibagong mundo... gusto kong maglaan ng espesyal na araw para sa kapatid ko.

Gusto kong magsaya kasama ang kapatid ko. Dahil pagkatapos ng buwang Nobyembre, parang buwitreng aagawin ng Disyemore saaking kamay ang kapatid ko. Kailangan niyang makibaka sa turnamentong iyon. At kahit kailan hindi ko tanggap ang bagay na 'yon. Ilang araw na din ba akong walang tulog dahil dito? Hindi ko maalala.

Venom of the New Era (Season 1)Where stories live. Discover now