CHAPTER 15

3.8K 234 21
                                    

Chapter 15
Pierced

Sinapo ko ang aking leeg, pinakawalan niya ako. Nakaupo lang si Apollo at nakatungo sa lapag, kinakain parin siya ng katanungang iniwan ko.

We were both in grief. Kinuha namin ang ilang segundong tyansa para makahinga.

Malala ang pagkaka-sakal niya saakin na talagang halos ikamatay ko kanina. Naisip ko rin na baka 'yon na ang hantungan ko— ngunit binitawan niya ako. Pinabayaan niya muna ang oras na tumakbo. Lumuha siya... base palang doon, alam ko nang 'di maganda ang naging karanasan niya sa Carzuela.

Nagtataka na ang mga manonood saaming ginagawa. 'Di ko sila pinansin. Lumakad ako papunta sa espada niya. Tinanggal ko lahat ng dumadaing saaking katawan.

I picked up the sword, the sunrays reffracted on it toward Apollo's face. He look at me, eyes still dead. He didn't move as I drew closer. When I stop infront of him, I pointed the sword. Everyone was expecting that I'll kill him. But maybe I'm just that stupid. I gave it back to him. Sportsmanship.

"Bumalik na tayo sa laro," naglahad ako ng kamay. "Di na ako magtatanong..."

Wala siyang usap saka inagaw saakin ang espada, 'di pinansin ang kamay ko. Dumistansya na ako at hinanda na ang punyal na hawak. Bumalik kami sa simula, at ngayon naka-isang bahagi na ang emosyon. Tatantanan ko na ang tanong kung bakit ganoon ang mata niya.

Humakbang ako pabalik at nakadama ng sakit sa paa ko. Madaming enerhiya ang nawala saakin, kung 'yon ang usapan, si Apollo na talaga ang panalo. Wala pa akong nakikitang butas sakan'yang lakas. Wala din itong kahinaan tulad ng sugat para puntiryahin ko.

Ngunit isa lang ang sigurado ako, sinasadyang niyang magbigay distansya saamin, wala siyang ibang gusto saakin kundi ang masaksak ang puso ko at mapabilis ang laban, kaya puros bulusok ng bato siya ng espada saakin. Kung 'yon ang gusto niya... kailangan ko siyang gayahin.

Kailangan kong maghanap ng opening para maibato ang punyal na babaon sa puso niya. 'Yon ang natatanging planong mayroon ako— pero saka naman ito nag-iba bigla ng taktika.

Sumugod siya saakin, wala na sa isip ang distansya para manatili itong 'di sugatan. Para siyang higanteng bato saaking harap. Tinalasan ko ang aking mata at pag-iisip. Kung gusto niya ng malapitang laban, mahihirapan nga ako, ngunit mas malaki ang tyansa ko dahil malapit ang puso niya. Mabilis kong kinuha ang isa pang punyal sa bulsa.

Sinalag ko ang espada niya gamit 'yon. Mas diniin niya saakin ito, napa-hakbang ako dalawang beses palayo. Nagngingitgit na ang ngipin ko sa pwersa niya. Ang talim pa ng espada ay dumikit saaking pisngi.

"Kailangan mong magbayad." Sinalubong ko ang mata niya. "Lahat ng nakakakita ng luha ko... namamatay." Tumango ako bilang respeto.

"Gawin mo ang makakaya mo. Tatanggapin ko." Mas nagdilim ang mata niya, tinulak niya ang espada saakin, napa-urong ako palayo, nagkaroon ng distansya saamin. Wala sa sarili kong hinawakan ang pisngi, nagdurugo ito, dumaplis ang patalim saakin. Muli ko siyang hinarap. 'Di biro ang lakas niya... paano na?

"Kung ganoon, uuwi kana." Pinatunog niya ang leeg at muling lumakad palapit saakin. Mas malaki na ang kumpyansa niya ngayon dahil malayo man o malapit ang labanan namin, talo pa din ako. Sa tikas niya, wala ako ditong panama. Nakaladkad ang espada niya sa entablado, nagbigay itong tunog ng panganib saakin. Mas lalong dumilim ang atmospira niya. "Wala na akong... hahayaang babaeng... tumalo saakin."

Ayaw ko mang aminin, ngunit naapektuhan na ako ng sinisigaw ng kan'yang patay na mata. Ugat ay naglalabasan na, nagsasabing pagod na siya saaking makipaglaro. Handa nang pumatay nang walang awa.

Venom of the New Era (Season 1)Where stories live. Discover now