CHAPTER 18

3.5K 283 81
                                    

Chapter 18
Siren

NEDDIE

Nakita ng lahat kung paano mawalan ng kapiling. Sabay ng pagbagsak ng araw ay ang pagbagsak ng kamay ni Stella, nawala na ang tawa at saya niya. Nawala na siya.

Natulala ako, tumulo ang luha, sunod sunod. Na parang bangungot ito na 'di ko ginusto. Kasi... parang may mali eh. May — mali!

Siya ang unang nagtaas noon ng baso, siya ang nagdeklarang magpapatuloy kaming lahat. Siya ang nagpaniwala saakin kaya kong maabot ang pangarap ko. Kaya bakit siya — ang wala ngayon sa grupo namin? Memories of her laughters exploded into my stream, it left me a strayed. Trembling... so scared to face the fact.

"Kumalma ka, Neddie," 'di pumasok sa isipin ko ang sinabi ni Zen.

Umiling ako at minata siya, tinuro ko ang kinalalagyan ni Akeesha at Stella sa gitna ng entablado. Nanginginig. "P-Panaginip 'to?" Marahan siyang umiling.

Napa-hakbang ako at nagtakip ng bibig. Bumalik sa isip ko lahat ng pinagsaluhan namin, lahat ng tinulong niya sa pamilya ko at kung paano niya pagaanin ang sitwasyon tuwing mabigat na. Siya ang nagbigay araw sa grupo — bakit... bakit kailangan pati ang araw ay matapos?

Nawala ako sa ulirat at kagaya ng ginawa ni Akeesha nang tumama nag espada sa puso ng kapatid niya; tumalon ako sa harang na mga bleachers. Sumigaw si Zen na tumigil ako, ngunit hindi. Kaibigan ko 'yon!

I can't let her go! Not now! We are a step ahead from our dreams!

Kahit nadapa at dumugo muli ang sugat, tumakbo parin ako papunta sa kinalalagyan nila, may tracker na pumigil saakin ngunit nilabanan ko sila hanggang makarating sa hagdan ng entablado. Mas naging malinaw saakin ang nangyare. Isang bangungot.

Bumagsak ang tuhod ko sa lapag, tuloy tuloy ang agos ng luha, nagtakip ako ng bibig. 'Di ako nagpapakita ng kahinaan— ngunit nagyon. Sumabog ito. At paano pa si Akeesha? Paano ang pinagdaanan nila? Ang mga pangarap nila?

Nanginginig ang labi niya, nakatungo ito. Dumilim ang mundo. Parang bagyong nagdadalamhati. Kan'yang maingat na hiniga si Stella sa lapag, ang babaeng dating kasama namin sa galaan... naunang maglakbay ng sobrang layo. 'Di na namin kayang habulin.

Gumalaw ang nanginginig kong binti, lumapit ako para hawakan ang pisngi niyang nanlamig. "Stella..." Isa siyang babaeng walang hinangad kundi ang kabutihan din ng pamilya niya. Ang dami niyang pangarap... pangarap na para din sa pamilya niya. 'Di niya inuna ang sarili... puros buhos siya ng pagmamahal sakanila. Bakit ang pinaka-makinang na tala ang laging unang naglalaho? Why did she die not seeing her dreams come true?

Ang dami pang plano ni Stella... at nagpakapagal siya para doon. Bakit ngayon pa...

Lumayo ang tingin ko kay Stella at tinignan si Akeesha na nawala sa sarili, 'di niya alam kung paano muling hahawakan ang katawan ni Stella na naihiga sa lapag. Pilit akong tumayo, hahawakan ko palang si Akeesha nang tabigin niya ang kamay ko. I want to calm her... because a tide is about to burst.

"Papatayin ko sila..."

"Huh—" agad pumasok sa isip ko ang mangyayare. "Akeesha, please—" tumilapon ako sa gilid sa tabig ng braso niya. Dumaing ako, tiningala ko ito, mas kinabahan ako sa nakitang hawak niya. Ang pana ni Stella. Her monster had once again awaken! "Patahimikan na muna natin ang pagkamatay niya—" gumapang ako palayo nang itapat niya saakin ang pana. Nakita ko ang impyerno sa mata niya. Hinabol ko ang aking paghinga.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon