CHAPTER 11

4.2K 223 39
                                    

Chapter 11
Creeping In


Himala nga sigurong nakapag-almusal pa kaming matiwasay nila Neddie kinabukasan pagbalik mula sa... Euphoria. 'Di panaginip ang  lahat ng nakita namin doon, totoong may ginagamit na advance technology ang Euphorians sa mga classic Chivalry.

Matapos naming mapanood kung paano lampasuhin ng lalakeng may metal na kamay ay umalis na din kami agad. Bago mag alas tres ay dapat nasa silid na kami dahil babalik na sa ronda ang mga tracker at guwardiya sibil, ayaw naming mahuli at mapatawan ng parusa.

"Ano Vira? Ang ganda naming impluwensya diba?" Pang-eengganyo ni Akeesha, pinalo naman siya ni Neddie para tumahimik. "Sarap mong gilitan leader." Buti nalang at walang nakarinig. Matapos tumahimik ni Akeesha, inaral ko ang mukha nila. Malalim silang nag-iisip.

Kagabi pa sila nag-uusap kung anong dapat gawin para matalo ang Euphorians kung sakali mang makatuos namin ito sa mga susunod pang palaro. Isa lamang ang mananalo sa Chivalry Tournament... ang kapalaran namin ay makaharap ang isa sa Euphorians at Petanians na manlalahok.

"Nandito ang ministro!" Sabay kaming lumingon sa nagpugay. Ang instructor pala, gumilid sila para makapasok ang ministro na puno ng galang. Umayos kami at inintay siyang umunahan.

"Mamaya ay may kainang magaganap sa bulwagan." Nagningning ang ilang mata ng Gredormans. "Kasama ang Petanians." Nangasim naman ang mukha nila. Umasik si Akeesha, sila Zen ay wala namang imik. "Ang moderator ang mamamahala ng ganap, mamaya narin iaanunsyo ang susunod na Chivalry level. Dapat ayos na kayo bago pa sumapit ang ala syete. Magkita nalang tayo mamaya." Saka sila umalis.

Bumalik sa normal na kainan ang lahat, ngunit ang topic na nila ngayon ay ukol sa pagpupulong, kahit sila Neddie ay nakisabay. Nagkatinginan lamang kami ni Zen at nakinig sakanila.

"Tingin niyo anong catgeory 'yon?" Si Stella, panay din ang isip ni Akeesha.

"Pakiramdam ko kalaban na talaga natin ng tunay sa patayan ang Petanians," konklusyon ni Zen. Ganoon din ang naiisip ko, at dito dadanak nang tunay ang dugo.

"Tingin niyo classic 'yon?" Nagkibit balikat si Neddie kay Stella.

"Basta kung ano man 'yon, dapat magkaroon na tayo ng matibay na training. Mag-isip narin kayo ng pwede niyong gamiting sandata para magkita kita pa tayo sa susunod na level," may paninindigang sambit ni Neddie.

"Aba, tayo pa? Magkikita kita pa tayo!" Si Stella at kumindat. "Dapat sabay sabay nating patayin 'yong mga Putanians na 'yon," gunita niya na sinang-ayunan naming lahat. Malakas ang kumpyansa niya, nadala kami. "Para sa isang hiling na tutuparin ng Chivalry," nagtaas pa ito ng mug ng kape. Umasik si Akeesha at gusto itong kutusan pero gumaya din siya.

"Para sa hiling ko," dinikit niya ang baso ng kay Stella, tinignan nila kaming tatlo. Bahagyang natawa si Neddie at sumunod na sumama.

"Para sa isang milyong pilak."

Inayos muna ni Zen ang salamin niya. "Para sa hiling ko." Saakin sila natuon, 'di ako nagdalawang isip na tumayo din para idikit ang aking braso sakanila.

Para kay Kuya... para sa lahi ko... para sa mga inagaw ng Carzuela saaking palad. Mabubuhay ako... sino man ang humarang. "Para sa hiling ko."

NAG-ENSAYO LANG KAMI NILA Neddie sa training room. Nag-isip narin sila ng magandang panggamit na sandata. Pinili ni Stella ang mga pana dahil sagabal lamang sa bilis niyang tumakbo ang mabigat na sandata.

Si Akeesha ay isang napaka-laking axe na may patalim sa magkabila, malaki 'yon ngunit nakaya niyang buhatin dahil sa lakas ng pangangatawan. Si Neddie ay tatlong uri; punyal, latigo at espada, mas mabuti na daw ang sigurado.

Venom of the New Era (Season 1)Where stories live. Discover now