PROLOGUE

27.9K 571 139
                                    

Humuni ang agila.

Nasa gitna ako ng kawalan sa puso ng gubat. Madilim, masukal, mapanganib. Hinarangan ng mga sanga at tuyong dahon ang liwanag ng araw dahilan upang ilang sinag lamang ang sumilip at dumapo saaking balat.

I took a deep breath and position myself to be allured into the presence of the forest's heart. The wind, I heard it hymn for me. I closed my eyes and strenghten my instinct. My eyes dies away, and with that, other senses made cohesion. Stronger than my recent version.

May naramdaman akong presensya, apat na metro ang layo saakin. Ang paghinga nito ay malalim, pinagmamasdan ako, matangkad ang hayop at payat. Binuka ko ang aking talukap para salubingin siya sa gilid. Usa. Batang usa lamang. Tumakbo din agad. Sinundan ko ito ng tingin - saka natigilan.

Gumalaw ang halaman sa gilid, may nagtatago, at nang madama ko ang uri ng kan'yang paggalaw sa lupa at pagsayaw sa halaman, alam kong ito na ang aking pakay. Tumalim ang presensya niya sa sitsit.

Humangin pa-norte, at gaya ng ihip ay ang pagsabay ng sugod nito, umikot ako habang kalahating nakaluhod, ang aking kamay pumosisyon ng tamang anggolo sa ulo nito. Nahuli ko ang ahas.

Unti-unti kong binuksan ang aking mata. Sumalubong ang dilaw na mata ng nagwawalang ahas.

Umayos ako ng tayo dahil sa palakpak na narinig. Bumaba na pala siya mula sa taas ng puno. Nagthumbs up pa, tuwang tuwa.

"Swag, Vira!" Tumungo lamang ako at inabot sakan'ya ang hawak, binuksan nito ang kahon at pumasok muli doon ang ahas na pinakawalan para sa pag-eensayo ko. "Mukhang ginagalingan mo talaga 'yung technique na sinabi ko, ah! Pamatay 'yung turn-around mo sa lupa! Maton na siya, ayiee." Inakbayan niya ako, at para nanaman akong hopia pagkatabi siya.

Batak na batak ang kaniyang mga braso, makisig, mahaba ang buhok na tinali sa likuran. May itsura talaganang kapatid ko, crush pa nga eh.

"Ginalingan ko talaga... para sa'yo, Kuya."

"Uy! Bata! Hephep. Wala iyan sa pinag-usapan natin, basta ikaw po, pag-aralan mo nang pag-aralan iyang kakaiba mong kakayahang para isalba ang sarili, huh?" Umiwas ako ng tingin.

"Tutulungan kita... isasalba natin ang bawat isa."

"Ang kulit talaga!" Tinulak ko ang mukha niya palayo saakin.

"Ang baho mo na, bumalik na tayo sa bayan bago pa dumilim."

"Baho daw?! Tss! Nagmana ka talaga kay Gerrie! Manggara niyong ka-bonding!" Tinahak na namin ni Kuya ang daan papalabas. Siya ang pumaunahan kahit pa kabisado ko na ang buong gubat ng Gredorma. Napuno ang lugar ng pagkanta niya tapos tatawa at magrarason pag napapapiyok.

"Panget ng boses mo."

"Epal mo!" Asik niya. "Songerist kaya ako! Tapos rappist din!"

Sa 'di mabilang na beses, muli kong hinangaan ang nakakatanda kong kapatid. Mula sa pangmalakasang pangangatawan nito hanggang sa lambot ng kaniyang puso sa loob.

Kaming dalawa nalang ni Kuya ang natitira sa pamilya at angkan ng mga Fierdon. Ang iba naming ninuno ay namatay na nang sumiklab ang bagong era ng pamumuhay dahil sa mga makasariling kaharian na lumaganap, tinuring itong; World War III.

Ang natirang nakaligtas sa madugong gera ay nauwi sa Carzuela, dito sila nanatili hanggang mabuo ang napakatayog na pader sa palibot ng Carzuela na siyang pumoprotekta saamin. Simula nang itatag ito, wala ni isang may alam kung anong nagyare sa labas.

Ngunit ang akala ng aming ninunong kaligtasan ay naging kulungan. Ang kaharian ng Carzuela ay may pamamahalang pang baliw. The Game of Chivalry.

A game practiced across the whole kingdom where everyone who's chosen should not agitate to participate.

Venom of the New Era (Season 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora