CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES

Start from the beginning
                                    

"FEELING MO NAMAN AKO HINDI NANDIDIRI? FEELING MO GINUSTO KONG HALIKAN KA? NAPILITAN LANG AKO HA! NA-PI-LI-TAN LANG AKOOOO!" singhal ko sa kaniya habang papalapit ako sa kaniya at sa kabayo niyang kamukha na niya!

"Dami mong satsat, baka nakakalimutan mo, 5 million ang bayad ko sa'yo dito."

Kinuha niya ang bewang ko para sana tulungan akong i-angat, tinapik ko nga!

"Kaya ko ng sumakay! Huwag mo kong mahawak hawakan!" sa sobrang inis ko, nakasakay ako kay Wesley ng hindi tinutulungan ni Easton.

Hatawin ko kaya tali nitong si Wesley para maiwan 'tong Isprikiton na'to dito at nang maglakad siya ng milya milya ang layo!

"Ang arte, akala mo naman magaling humalik." reklamo ni Easton bago sumakay sa likod.

Lalo akong nabwisit.

Gusto ko pa siyang sagutin pero sa sobrang galit ko sa kaniya hindi na ako makapag salita!

Mag-ama talaga sila ni Gali! Parehas silang walang kwenta! Parehas silang sakit sa ulo!

MAGSAMA NA TALAGA SILANG DALAWA!

Nakabalik kami sa horse stables, pero hindi pa din maganda ang nararamdaman ko. NABI-BWISIT PA DIN AKOOOO!

Pers kiss ko 'yon!

PERS KISS!

May magaling bang humalik sa first time ha?

Sinalubong kami ni Shera at ng mga extrang Caporegime at mga maid.

Naabutan pa namin si Cabeth at Dyther dito.

Naunang umalis si Easton kasama si Dyther and the extras. May kaylangan daw ayusin in preparation para sa meeting kinembular.

Naiwan kami ni Cannabeth, magbihis muna daw kami bago sumunod. Parang sinasadya talaga ng tadhana na maiwan kaming dalawa dito!

Pagkatapos kong magbihis ng simpleng pants at white sando na pinatungan ng denim jacket, lumabas na din ako.

Paglabas ko, bumungad sa akin ang magandang magandang naka black na laced longsleeve blouse na si Cannabeth.

Napanganga nalang ako sa ganda niya.

Napaka effortless naman ng bruhilda na'to! Bakit ang unfair talaga ng mundo!

"If you think I'll back down easily, you're wrong. I will do anything to get Easton back." iba din talaga talent ng isang 'to e, kalmado at mala anghel pa din siyang nagbibigay ng threat. "Easton is mine."

Naglakad ako palapit sa kaniya. Umiling ako! "Hindi bagay si Easton na ina-angkin, Cannabeth." ani ko sa kaniya bago ko siya nilagpasan.

Anong karapatan niyang angkinin si Isprikiton ha? Hindi siya bagay na pinag-aagawan!

Bangko siya!

Bangkooooo!

Isa siyang walking and living bank account!

Ang 505 MILLION KOOOOO!

"HAHAHAHA!" natigilan ako sa paglakad ng biglang parang baliw na tumawa si Cannabeth. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya pabalik.

Luh, from angel to bruhilda real quick.

"I don't accept defeats, Jenesse." agad nitong sabi pagkatapos ng kaniyang mala aswang na tawa.

Edi you don't!

Lumapit siya sa akin at bumulong.

"If you don't want me to snatch Easton away from you, fight me at all cause."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now