Dice Game - PART VI

Começar do início
                                        

RANDY: Gago ka!! Pag nakilala kita babalatan kita ng buhay, hayop ka!

Muling sigaw ni Randy.

GAME MAKER: Nag enjoy talaga ako, sa uulitin!!

Pang iinsulto ng Game Maker at matapos nun ay muli uling naglaho ang boses ng Game Maker at kasabay nito ay muling sumara ang pader ng West Wall at tinakpang muli ang mga cubicle nila.

Nagtinginang muli ang lahat, si Randy na galit na galit ay isa isang tinigan ng masama ang kanyang mga kasama.

RANDY: Pasensyahan na lang tayo, pero kung sinoman talaga sya sa inyo, babalatan kita ng buhay.

Banta nya sa kanyang mga kasama, agad naman silang natakot at kinabahan sa naging kilos ni Randy. Matapos nyang sabihin ang pagbabantang iyon ay umalissya sa bulwagan. Balak pa sana syang sundan ni Jerry ngunit pinigilan ito ni Joanna.

JOANNA: Ako nang kakausap sa kanya.

Bigkas ni Joanna, sumunod naman si Jerry sa sinabi nito at hinayaang sundan nito si Randy.

Naiwang malungkot, takot, balisa, kabado ang lahat sa bulwagan. Halos lahat sa kanila lalo na ang mga babae ay kagagaling lamang sa pag iyak dahil sa nangyari kay Kathleen.

KYLA: Pano nang gagawin natin? Pano tayo makakalabas dito?

JERRY: Kailangan nating sundin yung gusto niyang ipagawa sa'ten.

JULIAN: Teka, saglit.

Singit ni Julian, napunta lahat ng atensyon sa kanya.

JESSICA: Bakit?

JULIAN: Wala ba kayong napapansin?

Nagtaka ang lahat sa ibig sabihin ni Julian.

ALFIE: Ano yun?

JULIAN: Yung upuan na inupuan kanina ni Hiko, pati yung kadena nawawala.

Luminga ang lahat sa paligid at napagtantong wala na nga ang upuan at kadena na kanina'y nariyan lamang.

HIKO: Sino namang kumuha nun?

NICO: Baka yung Game Maker!

JERRY: O baka isa sa'ten!

Sagot ni Jerry, napatingin ang lahat sa kanya at nagtaka.

JESSICA: Anong ibig mong sabihin?

JERRY: Ang ibig kong sabihin, merong isa sa'tin ang lumabas sa cubicle nya para kunin yung upuan at kadena at ilayo ito.

Lalong hindi naunawaan ng lahat ang ibig ipahiwatig ni Jerry.

JULIAN: Hindi ka namin ma-gets, ano bang ibig mong sabihin? Pano lalabas yung isa sa'tin e merong usok sa paligid na may lason.

JERRY: Hindi naman mahirap yun e, kung yun nga isa sa'tin, malamang nagturok na sya ng isang antidote para hindi sya tablan ng lason.

NICO: Teka, bakit kailangang kunin yung upuan pati yung kadena?

JERRY: Para walang sagabal.

KYLA: Sagabal saan?

JERRY: Sagabal sa laro, kung narito ang upuan at ang kadena. Maaaring gamitin yun bilang isang murder weapon.

HIKO: Wait! Lalo akong nalito, e di ba yun nga yung gusto ng Game Maker. Ang magpatayan tayo, bakit nya kailangang alisin yung pwedeng maging murder weapon?

JERRY: Hindi ko rin alam.

JUSTIN: Wait! Saglit

Hirit ni Justin.

JUSTIN: So, naniniwala talaga kayong lahat sa sinasabi ng Game Maker na yun na isa nga sa'tin yung Game Maker?

MARICAR: May isa nang namatay sa'ten, hindi pa ba sapat na dahilan yun na totoo lahat ng sinasabi nya, na seryoso sya sa larong 'to.

JUSTIN: Oo, napatunayan nating lahat na seryoso yung Game Maker na yun, pero ang tanong ko. Naniniwala talaga kayo na isa sa'tin yung may pakana nito?

Tanong ni Justin, walang sumagot sa kanyang tanong.

JUSTIN: Hindi ako naniniwalang isa sa atin ang may pakana nitong lahat. Hindi nyo ba napansin? Yung buong lugar na 'to, kusang kumikilos sa sarili nya. Ibig sabihin merong nagko-control ng buong lugar na 'to. Imposibleng isa sa'ten ang may gawa dahil lahat tayo palaging magkakasama, di ba? Isipin nyo ng mabuti!

Dugtong nya. Tahimik at napaisip din ang lahat dahil mayroon ding punto si Justin. Tahimik at litong lito na ang lahat sa nangyayari.

CANDICE: Yan ba yung dapat nyong pagtalunan ngayon? Lahat tayo dito hindi sigurado kung kasama nga natin yung Game Maker o hindi, ang dapat nating pinag iisipan ngayon ay kung papaano lalaruin ang laro.

MARICAR: Anong ibig mong sabihin?

CANDICE: Nakalimutan nyo na ba? Hindi pa natin alam kung ano yung naging basehan kung bakit si Kathleen ang namatay. Hindi natin alam ang rules ng laro.

Paliwanag ni Candice, muling nilang naalala at napagtanto na tama ang sinabi ni Candice. Hindi nila alam ang naging basehan ng pagpili kung sino ang mamamatay.

Napaisip ng malalim ang lahat ng biglang magpakita muli si Joanna sa South Gate at hingal na hingal.

MARICAR: Oh, anong nangyari?

JOANNA: Guys! Si Randy-

Nagkatinginan ang lahat at agad na nakaramdam na merong hindi magandang nangyari.

ΦΦΦ END OF PART VI ΦΦΦ

••• One Dead, Twelve still alive •••
*** Hey readers! Let's play a game...
A Guessing Game.. Who do you think is the Game Maker?? And why?? And who do you think is the next victim?? And who among them will going to survive the game?? ***
< Comment your thoughts >

The Game Maker: Dice GameOnde histórias criam vida. Descubra agora