Dice Game - PART VI

Start from the beginning
                                        

RANDY: KATHLEEEEN!!!!

Sigaw ni Randy sa kanyang cubicle. Ngunit wala ni isa sa kanila ang kayang iligtas si Kathleen sa kapahamakan dahil pare-pareho silang nakakulong sa kanilang mga cubicle. Patuloy sa pagsigaw si Kathleen, umiiyak at nagmamakaawa. Ang likidong bumubuhos sa kanya ay isang asido. Unti unti nang nalalapnos ang balat niya at tumutuklap ang mga balat, kasabay na rin ng pag-agos ng asido ay ang sarili niyang dugo. Gusto mang tumulong ng lahat ngunit wala silang ibang magawa kundi ang marinig ang sigaw at panooring nagmamakaawa si Kathleen. Ang iba sa kanila ay inilihis na lamang ang tingin upang hindi makita ang kalunos-lunos na nangyayari kay Kathleen.

Samantala, kitang kita rin ng lahat kung papaanong nagwawala si Randy sa kanyang cubicle dahil sa gusto nitong makalabas at iligtas ang kanyang nobya. Si Julia naman ay umiiyak sa kanyang cubicle habang tinatakpan ang kanyang dalawang tainga dahil ayaw nyang marinig ang boses ng kanyang bestfriend na nagmamakaawa.

Patuloy pa rin sa pagbuhos ang asido sa cubicle ni Kathleen, ang maganda nyang mukha ay unti unting binubura ng likido, nagsimula na ring kumalat ang dugo sa buong bahagi ng salamin ng cubicle.

Walang tigil ang paghingi nya ng saklolo. Ang mga balat nya sa katawan ay unti unting lumulobo at tumutuklap. Punong puno na rin ng sugat at kita na ang iba nyang laman dahil sa patuloy na pagbuhos ng asido. Nalagas na ang kanyang buhok at hindi na makilala ang kanyang mukha dahil sa mga sugat at dugo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi na nila muling narinig ang boses ni Kathleen. Hindi na rin ito muling gumalaw, dito na nalaman ng lahat na wala na si Kathleen.

Tumahimik ang lahat dahil hindi makapaniwala sa mga buong pangyayari.

Samantala, patuloy pa rin sa pagwawala si Randy sa kanyang cubicle, habang nanghina ang lahat sa kanilang napanood, lahat sila ay nakaramdam ng awa, takot, kaba na ilang saglit lang ay maaari ring mangyari sa kanila ang nangyari kay Kathleen.

Sabay sabay na kusang bumukas ang mga pinto ng cubicle nila maliban lamang sa cubicle ni Kathleen na nanatiling nakasara. Agad na lumabas si Randy sa kanyang cubicle at pinuntahan ang cubicle ni Kathleen, patuloy ang pag iyak niya. Lumabas ang lahat sa kanya kanya nilang cubicle ng malungkot at balisa. Alam nilang huli na silang lahat upang iligtas si Kathleen, nagmistulang isang lamay ang buong paligid at ang cubicle ang naging libingan ni Kathleen.

Nilapitan ni Jerry ang bestfriend nyang si Randy upang pakalmahin ito, ngunit hindi iyon ang kanyang inakala. Lalong nagwala si Randy.

RANDY: Mga tang ina kayong lahat!! Sino sa inyo ang may gawa nito sa kanya?!!!!

Galit na sigaw ni Randy, tumahimik ang lahat at walang sumagot. Lahat sila ay hindi makatingin sa mga mata ni Randy.

RANDY: SINOOOO?!!!!!

Muli nyang sigaw na halos magsilabas na ang mga ugat nya sa leeg dahil sa sobrang galit na ipinapakita nito. Ilang saglit pa ay muling na naman nilang narinig ang boses at humahalakhak ng malakas.

Sa pagkakataong ito ay muli na naman nilang naramdaman ang galit at inis para sa Game Maker.

RANDY: Tang ina! Sino ka bang gago ka?!!

Muling sigaw ni Randy ngunit hindi sya sinasagot nito dahil recorded lamang ang boses na naririnig nila.

GAME MAKER: Kumusta? Nag enjoy ba kayo sa unang laro? Ang saya di ba? Kung bitin kayo, may susunod pang laro. Malay mo, ikaw na rin pala yung susunod.

At tumawa ng malakas ang Game Maker.

GAME MAKER: Oo, tama yung narinig nyo, kada isang oras na lilipas, paulit ulit tayong maglalaro hangga't di nyo pa ako natutukoy at napapatay. Lalo akong nagiging excited. Hahahaha!!

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now