Dice Game - PART VI

Magsimula sa umpisa
                                        

At nawala ang boses ng Game Maker. Maya maya pa ay nangyari nga ang sinabi ng Game Maker. Tatlong dice ang nahulog sa tatlong cubicle. Sa cubicle nina Nico, Jessica at Randy.

Kanila itong pinulot at sabay noon ay nagsimulang magbilang ng sampung segundo ang maliit na LED timer sa loob ng kanilang cubicle. Agad na ni-roll ni Randy ang hawak nyang dice at ganun din si Nico. Samantala ang iba ay naghihintay sa susunod na mangyayari, inabot naman ng pitong segundo si Jessica para lamang i-roll ang dice.

Matapos ang sampung segundo at matapos na makapagroll ang tatlo ay saka naman nawala ang puting usok sa buong paligid. Muli nilang nakita ang isa't isa at sa di malaman ay kanilang naririning ang isa't isa sa pamamagitan ng maliit na speaker na nasa loob ng kanilang cubicle.

JULIAN: Guys! Ayos lang ba kayo?

Sumagot ang lahat ng pagsang ayon.

HIKO: Anong nangyari?

NICO: Totoo yung sinabi nung Game Maker. Actually isa ako sa mga nahulugan ng dice.

RANDY: Ako din.

JESSICA: Pati rin ako.

JUSTIN: Oh? Tapos? Ano nang susunod na mangyayari?

JERRY: Hindi natin alam pero maganda na yung handa tayo.

Sagot ni Jerry.

JERRY: Ano yung mga numerong lumabas sa dice nyo?

Tanong ni Jerry sa tatlo.

RANDY: Six!

NICO: Four sakin.

JESSICA: Five naman yung sakin.

JERRY: Six, Four at Five.

MARICAR: Anong meron sa mga numerong yun?

CANDICE: We're not sure yet.

JOANNA: At tsaka, bakit hanggang ngayon hindi pa rin bumubukas yung pinto?

Tanong ni Joanna na kanilang naalala at napansin. Para saan ang tatlong numerong lumabas? Tsaka bakit nasa loob pa rin sila ng cubicle? Tanong na pumapasok sa kanilang isipan. Tahimik na nag iisip ang lahat hanggang sa mapukaw ang kanilang atensyon.

KATHLEEN: Ah! Ang sakit!

Bigkas ni Kathleen, agad na napalingon ang lahat sa cubicle nya.

RANDY: Bakit, Kathleen? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?

KATHLEEN: A, ayos lang. May tumulo lang na tubig sa balikat ko.

Maya maya pa ay meron na namang tumulo sa kanyang balikat, dahilan upang muli syang dumaing.

KATHLEEN: Ang sakit, Bakit ganun? ang init ng tubig.

Nagkatinginan ang iba sa kanila at kanila ring naramdaman na hindi magiging maganda ang mga susunod na mangyayari.

RANDY: Ayos ka lang ba?

Ulit na tanong ni Randy. Hindi agad na nakasagot si Kathleen dahil sa napansin nya. Napansin niya na lahat sila ay sa kanya nakatuon ang atensyon, dahil dito, napagtanto nya sa sarili nya na merong mangyayaring hindi maganda sa kanya, nakikita nyang lahat ng mga mata ng classmate nya ay nakatingin sa kanya at naaawa. Wala na syang ibang sinabi at sinagot, kundi...

KATHLEEN: I love you, guys and most of all, I love you, Randy.

Maya maya pa ay tama nga ang hinala nilang lahat. Sa cubicle ni Kathleen ay mayroong bumuhos na parang tubig. Ngunit hindi ito isang ordinaryong tubig lamang, dahil sumisigaw si Kathleen sa sakit na nadarama.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon