Dice Game - PART VI

Start from the beginning
                                        

JERRY: Ok, ganito yung gagawin natin. Lahat tayo kukuha ng tig-isang susi. Isusubok nyo yung susi sa lahat ng cubicle at kung may mabuksan kayo, tawagin nyo agad yung may- ari ng cubicle na yun. Relax lang kayo guys, walang maiiwan sa labas. Magtulungan lang tayo.

Nakinig ang lahat sa mga sinabi ni Jerry at sinunod nila ito. Nabuksan na ang cubicle nina Kyla, Maricar at Julian.

GAME MAKER: Two minutes to go!

Lalong nagmadali ang mga naiwan sa labas. Binilisan nila ang pagbukas ng mga pinto. Isang minuto ang nakalipas, nakapasok rin sina Jessica, Joanna at Alfie, ang mga naiwan naman sa labas ay sina Nico, Jerry, Candice, Randy at Kathleen. Meron silang isang minuto upang mabuksan nila ang kaniya nilang mga cubicle. Hindi man nila alam ang mga susunod na mangyayari pero nakatitiyak sila na hindi maganda ang aabutin ng mga naiwan sa labas.

Tatlumpung segundo ang lumipas, nakapasok si Kathleen at Jerry. Magiging madali na lamang sa tatlo ang mabuksan ang ang cubicle nila dahil tatlong cubicle na lamang ang hindi pa nabubuksan. Nabuksan ni Nico ang cubicle ni Jerry kaya't ibinigay nya ang susi dito. Si Candice at Nico na lamang ang natira sa labas. Kabado at taokt ang lahat para sa dalawa, nabuksan ni Nico ang cubicle nya, samantala si Candice, habang si Candice ay papunta sa nagiisang cubicle na hindi pa nabubuksan. Dahil sa pagmamadali ay natalisod at nadapa si Candice. Sampung segundo. Hindi agad na pumasok si Nico sa kanyang cubicle dahil kanyang pinuntahan at inalalayan si Candice sa pagtayo. Limang segundo. Lalong kunakabahan ang lahat para sa kanila, nakatayo si Candice at nagpasalamat kay Nico, lalong tumindi ang nararamdaman ni Candice para kay Nico.

NICO: Bilisan na natin.

Tumakbo si Candice patungong cubicle nya samantala si Nico ay tumakbo rin ng kanyang cubicle at pumasok rito. Ang tanging naiwan sa labas ay si Candice na binubuksan pa lamang ang cubicle at meron syang tatlong segundo bago kusang magsara ang sara ang mga pinto. Dalawang segundo. Nabuksan nya ang pinto at nagmadaling pumasok.

Saktong pagpasok nya ay kusang nagsara at naglock ang mga pinto ng cubicle. Nakahinga ng malalim ang lahat dahil walang naiwan na kanilang kasamahan sa labas. Maya maya pa ay nagulat sila sa mga sumunod na nangyari. Isang puting usok ang kumalat sa buong paligid na kanilang ipinagtataka, kumalat ito ng mabilis hanggang sa hindi na nila makita ang isa't isa.

GAME MAKER: Hahaha!

Tawa ng Game Maker na naririnig nila sa kanya kanya nilang cubicle.

GAME MAKER: Kumusta? Lalo ba kayong nae-excite sa laro natin? Sya nga pala, yung putik usok na nakikita nyo sa paligid nyo, isa yang lason na ikamamatay nyo kapag nalanghap nyo. Kaya mapalad kayo dahil nakapasok kayo sa kanya kanya nyong cubicle, ibig sabihin ligtas kayo sa usok.

Nakahinga ng malalim ang lahat dahil sa wakas walang napahamak na kahit isa sa kanila.

GAME MAKER: Pero, wag muna kayong magsaya.

Nawala ang pagiging kampante ng lahat ng marinig nila ito.

GAME MAKER: Hindi pa tayo nagsisimula sa unang laro, magsisimula pa lang tayo.

Agad na kinabahan at natakot ang lahat. Isa lang palang trap ang puting usok upang mapilitan silang lahat na pumasok sa kanya kanya nilang mga cubicle. Ngayon ay kakaharapin na nila ang tunay na laro.

GAME MAKER: Ang tawag ko sa larong 'to ay Dice Game. Madali lang ang rules, wag kayong mag alala. Tatlo sa inyo ang mahuhulugan ng tig-isang dice. Simple lang naman ang gagawin nung tatlong mahuhulugan ng dice, iro-roll nyo lang ang dice, tapos na! Ang dali di ba? Sorpresa na lang ang susunod na mangyayari. Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para magpasya kung iro-roll nyo ang dice o hindi, pero kailangan nyong sumunod sa rules dahil kung hindi, nandaya kayo. Ayoko pa naman sa lahat e yung mandaraya. Simulan na natin yung unang laro dahil excited na ako malaman kung anong susunod na mangyayari. Mamaya na lang ulit!

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now