"Paano kapag hindi?" mataray kong sagot pabalik.


"H-huh? Edi hindi! Tanggapin ang pagkatalo, tanga ka ba? Para namang hindi ka sports nyan,"


"Fuck you," I gave her a firm sarcastic smile. "Akala ko naman ichicheer up mo ako or ititreat mo ako sa fine dining, or kaya ipagshoshopping mo ako ng bag sa chanel or dior. Psh, lugi pa ako sa sama ng loob."


"Gaga! Ang oa mo! Tsaka anong treat at shopping!? Ulol, gipit ako, tambak pa ang bayarin ko."


"Bag lang eh," inismiran ko siya.


"Ayaw mo ng heels or stilettos?"


"Ano? Syempre gusto ko!! Bakit? Bibilhan mo'ko?" my eyes twinkled.


"Bibilhan kita," she smirked. "Tapos ipukpok mo sa ulo mo,"


Ngumiti ako sa kanya at lumingon muna sa paligid dahil baka may makarinig, muli ko siyang nilingon at bahagyang lumapit sa kanya para bumulong, "Putanginamo,"


She burst into laughter when I walked pass her to get back at my desk. Hanggang sa makarating siya sa desk nya ay naririnig ko pa rin ang tawa nya.


Nang pauwi na kami ay nag aya pa si Denice na samahan ko siyang maggrocery pero tumanggi muna ako, kailangan ko pang dumaan sa kumpanya namin. Pagpasok ko pa lang sa building ay sunod sunod ang mga bumabati sa'kin, nginingitian ko lang sila bilang pagbati. Agad kong hinanap si Allyson para humingi ng update sa ibang mga nangyayari dito noong mga nakaraang araw, hindi namin natapos lahat kahapon dahil masyadong marami at may iba pa rin akong inasikaso.


Pagpasok ko sa office ko ay natanaw ko agad ang isang bouquet of flowers sa ibabaw ng lamesa, lumapit ako sa telepono na nasa gilid at agad na nagdial.


"Allyson? What's with the bouquet?" mabilis kong tanong ng sumagot ang nasa kabilang linya.


"Oh, about the flowers Ms. Victoria, someone brought that earlier..... it was from Mr. Samuel Morgan."


"Why did you accept?" medyo iritado kong tanong.



"I-im sorry, Miss," her voice were shaking a little bit, "I'm so sorry.... I thought the bought of you are close to each other,"



"That was before," I paused, "But nevermind, next time, don't accept anything that he will bring. Is it clear?"



"Y-yes, Miss. Noted."



Naglalakad pa lang ako sa hallway ng condo ko, natanaw ko na agad ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto ko. Napabuntong hininga na lang ako ng makilala ko kung sino 'yon, he's holding a bouquet again and a paper bag.


"Ano na namang ginagawa mo rito?" tamad kong tanong sa kanya habang hinahanap ang susi ng unit sa bag ko.



"I bought some foods, your favorite. Naisip ko kasi na baka di ka pa nagdidinner, alam kong marami kang ginagawa." he smiled at me.



"Shit," I murmured, padabog na naghahalwat sa bag ko.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now