CHAPTER 27- HYDRATED

Start from the beginning
                                    

Anong rough?

Anong gentle?

Bibig ba niya bastos o green lang talaga ako mag-isip?

"Okie babe." malantod kong sagot hahaha.

Hinawakan ng mahigpit ni Easton ang tali ng kabayo at ipinalo niya ito kaya lalong bumilis ang takbo. WALANJO! Napakapit nga ako ng mahigpit! Naiwan si Cannabeth Cabeth at si Boy Hayop doon sa likod.

'Yon pala gusto niyang ibig sabihin, rough nga kasi panay bato 'yung dinaanan namin at gentle nga siya kasi pinipilit niyang maging komportable ang pagtakbo namin.

Ha, sabi na e! Green minded lang talaga ako.

Hindi tumigil sa bilis ang kabayo, sumilip ako sa likod namin at no where to sight na si Cabeth at si Boy Hayop.

"Close your eyes." wow, for the first time in forever ngayong araw na'to, narinig ko na medyo mahinahon ang boses ni Isprikiton. Mahinahon pero pala-utos pa din. 

Nakasibangot ako dahil hindi ko na nga matiis yung sakit ng pwet ko, papapikitin pa niya ako. "Ayoko nga!"

"You close your eyes or 5 Million deduction. Choose!"

Ipinikit ko kaagad ang mata ko, 'yung pinaka madiin na pikit na halos maipit na eyeballs ko! "Ayan na nakapikit na leche!"

"Don't open your eyes unless I told you."

"Geh."

Oo na, sumunod na ako kesa naman bawasan pa ng 5 Million ang pera ko. Ilang minuto akong nakapikit. Naririnig ko nalang 'yung yabag ng paa ng kabayo, mga nagkikiskisang puno sa paligid at ang paghinga ni Isprikiton.

Ilang segundo pa, parang may kakaiba na akong tunog na naririnig. Bumagal na din ang pagtakbo ng kabayo na si Wesley. May nalanghap na din akong ibang amoy na humalo sa hangin.

Naramdaman ko na huminto na kami. Hindi ko na matiis ang sarili ko, mandadaya na ako! Ibubuka ko na ang mata ko! Hindi naman na siguro ako mapapansin ni Easton kung sisilip ako noh?

Silip lang talaga promise!

Silip...

"WOWWWWW!"

Nanlaki ang mata ko at hindi ko na napigilan na mapa-WOW talaga sa lugar na nakita ko.

Legit ba'to o nasa panaginip ako?

"You really won't listen to me huh? I said not to open your eyes unless I told you so."

Hindi ko pinansin 'yung sinabi ni Easton. Pake ko sa'yo! Basta ako busy sa pagbusog sa eyeballs ko ng ganda ng lugar na'to.

Asul na asul ang kulay ng tubig, may mga kakaibang rock formation din ang nakapaligid dito na halos i-enclose na ang lugar. Maraming halaman na ngayon ko lang nakita. May mga baging na nakaladlad mula sa matatayog na rock formation na mas nagbigay ng nature vibes dito. May falls din sa gitna.

Sa mga magazine lang ni tatay at sa mga kdrama ko lang nakikita ang mga ganitong itsura ng lagoon.

"You like here?" may nagtanong sa likudan ko.

Wala sa sarili na tumango naman ako. Manghang mangha ako sa nakikita ko na nakalimutan ko ng may Easton Isprikiton nga pala sa likod ko. Naramdaman ko ang pagbaba niya kay Wesley. Nakita ko na naglakad siya malapit sa edge ng lagoon. Tumayo siya don at humalukipkip na tumitig sa magandang tanawin na nasa harapan niya.

Nakatingin lang ako sa likudan ni Easton. Walanjo, ang gwapo ng likod! Ang ganda na nga ng paligid tapos tumayo pa si Easton don, edi wala na! Busog lusog na legit yung eyeballs ko. Lumulutang ang isip ko sa kagwapuhan ng likod ni Easton at sa ganda ng lugar ng biglang gumalaw ang mundo ko!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now