"Mag-ingat kayo sa pag-uwi mga bata!" sabi ni Teacher Emy habang palabas kami ng classroom. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Paglabas ko ay nandoon na si Tito Mau na may bitbit na plastic. Kaagad ko siyang pinuntahan.

"Tito Mau!" tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at kinuha niya kaagad ang bag ko. Hinawakan niya ang aking kamay at nagsimula na kaming maglakad.

"Kamusta? Nag-enjoy ka ba ngayong araw?" tanong niya sa akin.

"Opo Tito Mau! Alam niyo po ba may kalaro na po ako!" natuwa naman siya sa sinabi ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Hindi ka na malulungkot dahil may mga kalaro ka na doon. Hindi ka naman ba nahihirapan?"

"Hindi naman po Tito Mau. Ayos lang naman po" ngumiti siya ulit sa akin. Ganoon lang ang naging takbo ng araw-araw na pumapasok ako. Sa tuwing umaga ay hinahatid ako ni Mama. Kapag may oras ay naglalaro kami ni Cede sa playground. Kapag dismissal naman ay sinusundo ako ni Tito Mau at doon ako kumakain ng tanghalian at merienda sa kanila. Pinapatulog niya ako palagi sa hapon. Sumusunod naman ako dahil gusto kong tumangkad ng mabilis.

Hindi ko namalayan ang bilis ng panahon. Magda-dalawang buwan na pala akong pumapasok sa day care center. Pero si Cede lang ang kalaro ko. Minsan ay nalulungkot ako pero ayos lang din na siya lang. Pero gusto ko din kasing maging kalaro ang ibang bata. Napapaisip tuloy ako na hindi ba ako approachable? Natatakot ba sila sa akin?

"Maggy! Halika na mamaya na tayo maglaro baka magalit si Teacher Emy!" sabi ni Cede sa akin. Sumunod ako sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad patungo sa classroom. Dumiretso ako sa upuan ko.

"Okay mga bata dahil araw ng Biyernes bukas ay PE Day natin. Kaya magsuot kayo ng PE uniform dahil maglalaro lang tayo bukas. Okay ba 'yon sa inyo mga bata?" tanong ni Teacher Emy.

"Opo Teacher!" sabay-sabay naming sabi. Excited na ang lahat. Napatingin sa akin si Cede at ngumiti siya sa akin. Tumayo na kami at nagdasal bago kami dinismiss ni Teacher Emy. Dahil maaga pa ay naglaro muna kami ni Cede sa playground.

"Wala pa yung susundo sayo?" tanong ko kay Cede habang naglalakad kami.

"Wala pa si Tito Mau eh. Ang sabi niya baka hindi siya agad makapunta dito dahil may lalakarin sila ni Tita" tumango lamang siya. Lumapit kami sa nagtitinda ng ice cream.

"Dalawa pong cheese" sabi ni Cede. Ako na ang nagbayad dahil madalas niya akong ilibre. Nakakahiya na rin kasi atsaka binibigyan ako ng pera ni Tito Mau dahil kailangan ko na din daw matutunan ang paggamit sa mga iyon. Binilinan pa niya ako na huwag sasabihin kay Mama.

"Sa susunod ako nalang ang magbabayad!" sabi ni Cede sa akin. Pinakinggan ko lang ang sermon niya sa akin hanggang sa makarating kami sa may swing. Umupo lang kami doon. Mabuti nalang at hindi masyadong mainit.

"Sinong susundo sayo?" tanong ko sa kanya.

"I think it will be Kuya...but I'm not really sure about that" sabi niya sa akin. Tumango na lamang ako. Nang maubos na namin ang ice cream ay nag-swing na kami. Hindi na ulit kami nakapag-usap dahil natutuwa na kami sa paglalaro. Natigil lang kami sa paglalaro nang dumating ang Kuya niya. Mukhang galing siya ng school.

"Kuya!" tawag ni Cede. Kumaway ang Kuya niya sa kanya. Hindi sila magkamukha ng Kuya niya. Nakuha daw ng Kuya niya ang features ng kanilang Daddy habang siya naman ay nakuha ang features ng Mama niya. Hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya dahil halos ang Kuya niya ang sumusundo sa kanya. Minsan ay gusto ko siyang tanungin tungkol sa kanila pero hindi ko magawa. Tumakbo papunta sa akin si Cede.

"Maggy halika papakilala kita kay Kuya!" hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa Kuya niya.

"Kuya this is Maggy. Siya lagi ang kalaro ko!" napatingin naman sa akin ang Kuya niya. Lumuhod siya sa harapan ko at ngumiti.

"Kaya pala ayaw mong nagpapasundo ng maaga ha.." sabi ng Kuya kay Cede. "Hello Maggy! Ako nga pala si Kuya Jace. Nice to meet you" ngumiti siya sa akin. Nag-shake hands kami. Tumayo na siya pagkatapos at kinuha ang bag ni Cede.

"Kuya hintayin na muna natin yung sundo ni Maggy bago tayo umuwi" sabi ni Cede sa Kuya Jace niya. Tumingin ang Kuya niya sa orasan bago nagsalita ulit.

"Sige. Nagugutom ka na ba? Bibilhan ko kayo ni Maggy ng makakain" sabi ni Kuya Jace.

"We're fine Kuya..." tumango lamang ang Kuya niya. Hinila na ako ni Cede papunta sa playground. Sumunod lang ang Kuya niya sa amin. Umupo siya malapit doon habang kami naman ni Cede ay dumiretso sa may slide. Nagsalitan kami sa pagsa-slide hanggang sa pumunta kami sa may seesaw.

Hindi ko maabot ang seesaw kaya pumunta si Kuya Jace sa amin. Binuhat niya ako at inalalayan kami sa paglalaro sa seesaw. Nang magsawa na ay unang inalalayan niya sa pagbaba si Cede. Habang ako naman ay nagkusang bumaba ngunit tumama ang tuhod ko sa mabatong parte.

"Aray!" napasigaw ako nang maramdaman ang pagtama sa bato. Kaagad na pinuntahan ako ni Kuya Jace at tinulungan niya akong tumayo. Dumudugo ang tuhod at siko ko.

"Maggy!" sabi ni Cede. Pinuntahan niya ako at tinignan ang sugat. Inalalayan ako sa paglalakad ni Cede at naupo kami sa tabi.

"Jack, Maggy stay here okay? Titignan ko kung may tao pa doon magtatanong ako ng first aid kit para magamot ko ang sugat mo Maggy..." sabi ni Kuya Jace.

"Okay Kuya.." sabi ko sa kanya. Umalis na siya para humanap ng first aid kit. Naiwan kami ni Cede na nakaupo. Nakatingin lang siya sa akin.

"You should have waited for Kuya. Hindi ka sana nasugatan..." sabi niya sa akin. Kinuha niya ang panyo niya sa kanyang bulsa at pinunasan ang dumudugo kong mga sugat.

"Hala...may dugo na yung panyo mo. Baka pagalitan ka ng Mama mo kapag nakita niya 'yan" sabi ko sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagpupunas. Medyo mahapdi pero tiniis ko nalang.

"It's going to be fine. I'll just tell her the reason..." maya-maya pa ay dumating na si Kuya Jace na may dalang first aid kit. Kaagad niyang nilapag iyon sa tabi ko. Kumuha siya ng bulak at binigyan ng alcohol. Wala pa man ay gusto ko ng maiyak.

"K-kuya..." halos maiyak na ako ng makitang ida-dampi na niya iyon sa balat ko.

"Mabilis lang 'to Maggy. Kapag hindi natin nalinis ang sugat mo ay baka ma-impeksiyon. Sa una lang masakit. Tumingin ka sa ibang direksiyon para hindi mo makita.." sumunod naman ako sa sinabi ni Kuya Jace. Napa-iyak ako ng dumampi ang bulak na may alcohol sa mga sugat ko. Sobrang hapdi!

"Ssshhh...." Sabi ni Cede sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Hindi ko na nakita kung anong ginawa ni Kuya Jace pagkatapos dahil hindi ko na nagawang tignan pa siya. Napapikit nalang ako habang dinadama ang sakit ng mga sugat.

"Maggy...okay na" sabi ni Kuya Jace. Dumilat ako at nakitang natatakpan na ang mga sugat ko. Hindi na rin masyadong masakit. Umalis ulit si Kuya Jace para ibalik ang first aid kit.

"Okay ka na? Hindi na ba masakit?" tanong ni Cede sa akin.

"H-hindi na masyado..."

"Ipalinis mo palagi ang sugat mo para kaagad gumaling. Atsaka mag-iingat ka kapag naglalaro tayo. Ayokong nasusugatan ka dahil sa paglalaro natin"

"Mag-iingat na...pero sana hindi na ako magkasugat ulit..."

"Kapag nagkasugat ka pa ulit hindi na tayo maglalaro dito...." Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Kung hindi kami maglalaro, paano naman ako magiging masaya? Paano ako mage-enjoy?

"Gusto ko maglaro tayo palagi dahil kung hindi, baka maramdaman ko ulit ang lungkot kagaya ng dati..." sabi ko ulit sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Pwede naman tayong maging masaya kahit hindi tayo naglalaro sa labas. Maraming paraan Maggy. Akong bahala sayo" at ngumiti siya sa akin. 

Kung gayon ay magtitiwala nalang ako.

After The SunsetWhere stories live. Discover now