It's been a week since Cede and I saw each other. I woke up early today so I decided to jog around. Yung usual route ko lang. As usual I ended up resting sa kubo sa may bukid. Doon lang kasi ako usually nagjo-jogging. Mayroon na din kasing daan doon na sementado na. Maganda naman din doon dahil walang masyadong kabahayan. Kita yung ganda ng kapaligiran. 

Umupo ako sa may kubo at pinagmasdan ang mga farmers na maagang nag-aani ng palay. Kakasimula lang nila. Dahil medyo maingay ay napag-desisyunan kong umalis na para umuwi sa bahay. Habang naglalakad ako paalis sa bukid ay nakita ko ang bahay ng grandparents ni Cede na nakabukas. May mga nakita din akong mga sasakyan na nandoon. May mga nagpapasok ng mga furniture. Natigil ako sa pagmamasid ng makita si Cede na papalabas doon. Kumaway siya sa akin nang makita ako. I smiled at him. Lumapit siya sa akin.

"Nag-jogging ka?" tanong niya sa akin habang tinitignan ang suot ko. 

"Oo...anong meron?" 

"My grandparents are coming home. Kaya pinapaayos nila ang bahay. May mga furnitures din na pinapapalitan kaya ayun. Do you want to come inside? Nasa loob si Mama"

"Naku hindi na..."

"Kahit magmano ka lang. Tapos ihahatid kita sa inyo" I sighed in defeat. Sumunod ako sa kanya. Nakakahiya! Nakasports bra, biker shorts at jacket ako. Mabilisan kong sinara ang jacket ko dahil nakakahiya. Dumako ang tingin ko kay Tita Elisha na abala sa pagtuturo kung saan ilalagay ang mga furnitures. Lumapit si Cede kay Tita Elisha at may ibinulong. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Lumapit ako at nagmano.

"Hi Maggy! Nag-jogging ka yata" sabi ni Tita Elisha.

"Opo dito po ako madalas mag-jogging"

"Ihahatid ko lang siya Ma. Babalik din ako kaagad" pagpapaalam ni Cede.

"Kung wala kang gagawin mamaya Maggy pumunta ka nalang dito. Samahan mo kami ni Cede. Para na rin makita mo ang buong bahay" 

"Sige po" lumabas na kami ng bahay. Sumakay kami sa sasakyan ni Cede atsaka niya ako hinatid. Binuksan ko pa ang bintana dahil ayaw kong mangamoy pawis ang sasakyan!

"Bakit mo binuksan? Naiinitan ka ba?" tanong sa akin ni Cede pagkabukas ko ng bintana.

"Hindi. Nakakahiya baka mangamoy pawis ang sasakyan mo" he chuckled after hearing that. Siya na mismo ang nagsarado ng bintana ko.

"Are you free today?" tanong niya sa akin nang makarating na kami sa bahay.

"Oo wala naman akong gagawin. Maliligo lang ako tapos pupunta na" sagot ko sa kanya.

"Kung ganon, hihintayin na kita para hindi ka na maglakad"

"Huh? Naku hindi na. Maglalakad nalang ako. Baka hanapin ka na rin ni Tita Elisha" pagtanggi ko sa kanya. 

"Mama will understand" wala akong nagawa kaya pumasok na kami sa bahay. 

"Gusto mo bang kumain muna habang hinihintay ako?" tanong ko sa kanya. Mayroon namang iniwan si Mama na pagkain. 

"It's fine Maggy. Kumain na naman ako. You should eat breakfast first before taking a shower" sabi niya pa sa akin.

"Hindi mag-shower lang ako. Buksan mo nalang yung tv para hindi ka mainip" he nodded. Kumuha muna ako ng damit bago nag-shower. Pagkatapos ay I did my skincare routine. I combed my hair too. I'm wearing a white v-neck shirt and faded tokong shorts. I didn't bother texting my parents dahil hindi naman nila ako tinatanong about my errands. Nang matapos ako ay nadatnan ko si Cede na seryosong nanonood ng tv. Dumiretso nalang ako sa kusina para kumain muna.

"Ayaw mo ba talagang kumain ulit?" tanong ko sa kanya habang nagsa-sandok ako ng kanin.

"Hindi na..." kumain ako ng breakfast. Fried rice, egg and bacon. I washed the dishes after and checked if nakasarado na ang lahat. Lumabas na kami pagkatapos at linock ko ang bahay. 

Pagdating namin sa bahay ng grandparents ni Cede ay busy sa pakikipag-usap sa cellphone si Tita Elisha kaya tinour nalang ako ni Cede sa buong bahay. It is an old two-storey spanish inspired house. Some parts of the house now have the touch of modern but I must say that every detail is just sophisticated and classy. I glanced at the portrait of a couple. I believe they are Cede's grandparents. 

"Are they your grandparents?" tanong ko sa kanya ng mapahinto ako sa harap ng portrait.

"Yes...sa mother side. My grandparents on the father side are already dead due to a car accident. They were dead on arrival"

"I'm sorry to hear that..." 

"Let's go upstairs I'll show you the rooms" sumunod na ako sa kanya. There were four rooms. Iba-iba ang design ng mga ito. Although no one lived here for years, malinis naman ang mga ito at hindi naman nagalaw. 

"My uncles and aunts are also abroad. Sa New York sila nakatira actually. Parang compound yung tinitirhan nila" I glanced at another room that caught my whole attention. Sumilip ako dito at nakakita ng mga paintings. Napatingin ako kay Cede at parang nabasa niya ang gusto ko. Lumapit siya doon at binuksan ang kwarto. I was stunned to see a lot of paintings there!

"Wow!" I said while looking around. "Kaninong gawa ang mga ito?" I asked.

"Kila Daddy...may mga gawa din kami ni Kuya Jace pero dinala niya ata yung kanya. This one's mine.." sabi niya sabay turo sa isang painting. It was a painting of a girl watching the sunset. "That's you.." namula ako sa narinig.

"Kailan mo pinaint 'to?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ito. 

"Noong pumunta tayo sa bukid after ng national quiz bee..." It was a painting of me! Nakatalikod ako! "Do you feel uncomfortable? Magpapaalam sana ako noon na ipipinta kita"

"No! I'm just surprised...I mean...Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko ngayon" he smiled. 

"I'm really sorry...the next time I'll paint I will ask for your permission first"

"Huh? May next time pa?" he chuckled at my thought.

"I'll never get tired of painting a masterpiece as long as it's you" I blushed. Lumabas na kami pagkatapos at dumiretso sa veranda. Tanaw namin ang kabukiran. It's a nice view to be honest!

"Let's watch the sunset here later!" sabi ko sa kanya. He smiled.

"You are really addicted to sunsets huh..." 

"Syempre! Ang ganda kaya..."

"Yeah...maganda nga" he said while looking at me.

"Tumira ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"No...but I always spend time here before. Kapag wala sila Mama iniiwan ako madalas dito dahil may mga makakalaro ako. My cousins used to live here too" 

"Ang saya mo siguro no?"

"Yes..."

"By the way, natanong mo na ba kung magdo-dorm ka?" tanong niya sa akin.

"Hindi na daw muna. Kapag may subject nalang daw na late na lumalabas. Atsaka sinabi ko rin na nag-offer kang maging driver ko!" natawa ako sa sinabi kong iyon.

"Just wow..." he said. Siya naman ang nag-offer na maging driver ko ah. Dahil mainit doon ay hindi kami nagtagal. Bumaba na kami at nakitang naghahanda na ng lunch si Tita Elisha. Tumulong nalang ako habang si Cede naman ang naging abala sa pagbabantay sa mga trabahador.



After The SunsetWhere stories live. Discover now