Ang unang linggo namin sa university ay naging daan para makilala namin ang mga kaklase namin ng lubusan. Gaya ng sabi nila ay walang professor na pumasok sa linggong iyon. Kaya naging parang bonding nalang naming magkakaklase. Iilan lang talaga ang mga natipuhan namin ni Cede na maging kaibigan. Hindi naman dahil sa mapili kami. Yung mga taong komportable lang kami talaga ay iyon ang mga pinakikisamahan namin.

Tuwing lunch ay si Cede lang ang kasama ko. Kapag babalik naman sa classroom ay nakikipag-kwentuhan kami sa mga kaklase. Masaya naman silang kasama kahit kakakilala pa lang namin sa kanila. Galing sila sa mga kilalang high school. Ang iba pa nga ay mga galing pa sa mga special science classes. May edge na sila sa course since ang naging focus naman ng curriculum nila ay mga science subjects. Siguro'y hindi na sila masyadong mahihirapan pa. Kumpara sa akin na bigla nalang pinasok ang landas na ito dahil mas mabilis akong makakaalis ng bansa dahil dito.

Nang sumapit ang araw ng linggo ay nagsimba kami ni Cede. Nag-serve siya actually kaya mag-isa lang ako sa upuan. Napapasulyap siya sa akin paminsan-minsan habang nagmi-misa. Hindi ko nalang siya pinapansin. Nawawala kasi ang atensyon ko sa pari dahil sa kanya.

Gaya ng nakagawian ay pagkatapos ng misa nauuna na ako sa sasakyan niya. Pupunta kami sa mall ngayon dahil mayroong pinapabili si Tita Elisha. Bibili na rin kami ng mga libro dahil nagbigay na ng listahan ang professors. Hindi naman required na bumili pero gusto ko kasi. Para naman nakakapagbasa na kami ni Cede. Medyo natagalan siya ngayon. Mayroon pa yatang inutos sa kanila bago sila hinayaang umalis. 

"Sorry ang dami binilin sa amin..." sabi ni Cede nang sumakay siya sa driver's seat.

"Ayos lang. Hindi naman ako masyadong nainip"

"Breakfast?"

"Kahit huwag na. Mag eat all you can nalang tayo mamayang lunch" 

"Okay" nag-drive na siya papuntang mall. Dumiretso kami sa supermarket para mag-grocery. Siya ang tagatulak ng push cart habang ako naman ang may hawak ng listahan.

"Buti hindi sumama si Tita?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang tuna na nasa listahan.

"Pupunta siya sa bahay nina Lolo. May tinatrabaho pa kasi doon" nang makita niyang hindi ko maabot ang tuna ay siya na mismo ang kumuha. Ang liit ko kasi. Kainis! 

Halos si Cede na ang kumukuha. Ang iba kasi ay nasa taas na parte ng shelf. Hindi naman ako nag-reklamo dahil nagche-check lang naman ako sa listahan. Nakasunod lang ako kay Cede. 

"Bakit ka pupunta diyan? Hindi naman nagpapabili ng chocolate si Tita!" pagsita ko sa kanya. Nasa chocolate section kasi kami ngayon.

"Kuha ka na ng gusto mo. Ako ang magbabayad" atsaka siya ngumiti sa akin.

"Diet ako!" napatingin siya sa katawan ko dahil sa sinabi kong iyon.

"Ano pang ida-diet mo? Ang payat payat mo kaya. Hindi ka yata kumakain sa inyo eh. Pinapakain naman kita ng maayos kapag nagla-lunch tayo"

"Ayoko ng chocolate. Halika na. Pumila na tayo!" kinuha ko ang push cart sa kanya at itinulak na ito. Dumiretso ako sa area kung saan magbabayad na. Mabuti nalang at mayroong bakante kaya hindi na ako pumila pa. Nakasunod lang si Cede sa akin. Siya na mismo ang naglapag ng mga pinamili para ma-punch ng cashier.

"10,545.50 Sir" sabi ng cashier. Kumuha ng cash si Cede mula sa wallet niya. Kaya pala napakakapal palagi ng wallet niya may limpak limpak na pera pala! 

Linagay muna ni Cede ang mga grocery sa kanyang sasakyan. Hinintay ko nalang siya sa loob ng mall dahil napakainit sa labas. Nang matapos siya ay dumiretso kami sa isang buffet restaurant. Dun sa mura nalang ako pumili dahil nakakahiya naman sa kanya. Siya nalang palagi ang gumagastos para sa amin. Hindi pa naman siya nagta-trabaho. Binibigyan pa rin siya ng allowance.

After The SunsetWhere stories live. Discover now