Pagkatapos naming maimbitahan ni Mama kila Cede ay napadalas na ang pagpunta ko sa kanila. Paminsan-minsan ay sa kanila ako tumutuloy pagkatapos ng klase. Si Tita Elisha na mismo ang nag-alok kay Mama noon. Noong una ay naghahanap pa ng yaya si Mama para sa akin ngunit sa huli ay hindi rin natuloy dahil baka hindi siya mapanatag. Napapadalas din kasi ang pag-alis ni Tito Mau at Tita Eula. Malapit na yatang samahan sina Lolo, Lola at Papa. Kailan kaya ako makakasama sa kanila? 

Nalungkot ako ng maisip si Papa. Ang tagal ko ng hindi siya nakakausap. Nalalapit na rin ang birthday ko. Gusto ko siyang makausap man lang sana. Ngunit kapag nagtatanong ako kay Mama ang palagi niya lang sinasabi ay busy si Papa at hindi siya dapat istorbohin. Nakakatampo tuloy. Miss ko na si Papa. Sobra-sobra. Gusto ko na siyang makita at makasama ulit.

Pagpasok ko sa classroom ay sinalubong ako ni Cede. Linapag ko muna ang bag ko sa upuan at tinignan ang bagay na nakatakip sa sinusulatan ni Teacher Emy. Sa isang banda ay may mga ilaw at may mga nakakalat sa sahig. Kaya maingat kaming naglalakad ni Cede palabas ng classroom dahil hindi pa naman mag-uumpisa. Ano kayang meron?

"Ano yun Cede?" tanong ko kay Cede nang maupo kami sa harapan. Mayroong upuan doon at kita namin ang classroom.

"I think they're going to take our photos" sabi niya. 

"Para saan?" tanong ko ulit. Umiling lamang siya bilang tanda na hindi niya alam. Sinenyasan kami ni Teacher Emy at ganoon ang ginawa namin. Umupo kami sa aming mga upuan at nakinig kay Teacher.

"Magandang Umaga mga bata! Ngayong araw ay hindi tayo magka-klase dahil may iba tayong gagawin" natuwa ang mga kaklase namin sa sinabi ni Teacher. Napatalon at palakpak pa sila. "Pero magkakaroon kayo ng picture taking. Malapit nang matapos ang school year at ga-graduate na kayo. Tatawagin namin kayo isa-isa at lalapit kayo dito para maayusan. Pagkatapos ay kukuhanan nila kayo ng picture. Kapag natapos na ang lahat ay magkakaroon tayo ng picture na kayong lahat. Okay ba sa inyo mga bata?" ngumiti si Teacher Emy. 

"Opo Teacher Emy!" sabay-sabay naming sabi.

"Kung gayon ay magsimula na tayo" nagtawag na si Teacher Emy. Nanatili lang kami ni Cede sa aming upuan. 

"Para saan ba yung picture?" tanong ko kay Cede.

"For remembrance" napatingin ako sa mga kaklase namin. Inaayusan sila at may linalagay na kung ano sa mukha. Sinusuklayan din sila ng maayos. Sa kabilang banda naman ay mayroong nakatayo at nakasuot ng puti. Mayroon pang pinapatong sa ulo. Kapag ayos na ay biglang may iilaw.

Gusto kong yayain si Cede sa labas ngunit baka pagpawisan lang kami. Naiinip na din ako at gusto ko ng  maglaro. Matatagalan pa ba ito? Ilang saglit pa ay tinawag na ako at si Cede.

"Maeve Gabriella G. Valderrama, Jack Evander G. de Silva" lumapit ako at si Cede. Kaagad naman akong linapitan ng isang babae.

"Hello Baby Girl! Upo ka rito" sabi niya sa akin. Inalalayan niya ako sa pag-upo at kaagad  na inayusan. May kung ano-ano siyang nilagay sa mukha ko. Hindi ako komportable dahil unang beses ko ito.

"Ang ganda mo Baby Girl! Pag laki mo isasabak kita sa mga pageant. Sure win ka! Hihintayin kitang lumaki" sabi niya. Medyo nahiya ako sa sinabi niya.

"T-thank you po" sagot ko sa kanya. Mas napangiti siya sa akin.

"Part your lips baby girl para malagyan ko ng lip gloss" sinunod ko naman siya. "Ayan! Tapos na. Okay ka na. Anong pangalan mo?" 

"Maeve Gabriella Valderrama, four years old!" sabi ko naman sa kanya. Inalalayan niya ako sa pagbaba at pinapunta na sa may background. Pinasuot nila ako noong puti atsaka may linagay sa ulo ko. Inayos din nila ang pagtayo ko.

After The SunsetWhere stories live. Discover now