Napaupo ako sa kubo na siyang madalas naming pahingahan ni Cede noon. Pinunasan ko ang pawis na dumadaloy sa aking noo. Binuksan ko ang water bottle ko at uminom ng tubig. Napatingin ako sa relo ko. Alas otso na rin pala. 

Naging routine ko na ang pagjo-jogging sa araw-araw. Ayaw ko kasing nakakasama sina Mama at Papa sa bahay. Pakiramdam ko nasu-suffocate ako. Iniiwasan ko sila dahil hindi ako komportable. Pero civil naman ang pakikitungo ko sa kanila.

Naaalala ko pa noong graduation ko. Bigla nalang silang sumulpot dalawa. Imbes na matuwa ako na makita sila ay parang may kung anong nabuhay sa aking nararamdaman.

"Valderrama, Maeve Gabriella G. Batch Salutatorian, Outstanding Student in English, Outstanding Student in Science, Outstanding Student in Arts, Conduct Awardee, Leadership Awardee" umakyat na ako sa stage. Hindi ko inasahan na ang Mama at Papa ang makakasama ko doon. Hindi ako makagalaw ng lumapit sila sa akin. 

"Congratulations, Maggy!" si Mama iyon. Siya ang nagsabit ng aking mga medalya. 

"Proud kami sayo anak!" si Papa naman iyon. Siya naman ang nagpasalamat sa mga nag-congratulate sa akin. Iyong mga kasama namin sa stage. Humarap na ako sa camera. Medyo may distansya ang pagitan naming tatlo. Pinilit kong ngumiti.

Habang pababa kami ng stage ay hinahanap ng aking mga mata ang Lolo at Lola. Ito ba yung surprise na sinabi nila sa akin? Buong graduation ceremony tuloy ay hindi na maipinta ang mukha ko. Bakit ngayon pa? Sa araw pa talagang ito?

Pagkatapos ng ceremony ay nagkaroon kami ng picture taking per section. Then, we had group photos with our friends. Ganun din kami ni Blair at iyong boyfriend niya. Ang saya nga nilang dalawa. Masaya din ako para sa kanila.

"Huwag ka ng sumimangot. Para namang ito ang huli nating pagkikita!" sabi ni Blair sa akin pagkatapos naming mag-picture. Umalis na ang boyfriend niya kanina pa. 

"Kita nalang tayo kapag pwede ka. Marami akong iku-kwento sayo" sabi ko sa kanya.

"Ang ganda ng Mama mo! Kamukha mo siya. Kaya pala maganda ka rin. Yung Papa mo naman may itsura din. Pinagpala ka talaga!" 

"Sana sa pag-ibig rin" tinawanan niya lang ako.

"Malay mo makita mo siya ulit tapos magkaklase kayo sa college. Edi tadhana!" napailing nalang ako sa kanya. Napakaimposible naman yata non. "Sige na. Tinatawag na ako ni Mama. See you soon!" yumakap siya sa akin bago tuluyang umalis.

Pinuntahan ko na ang Lolo at Lola. Yinakap ko silang dalawa. 

"Congratulations Apo!" sabay nilang sabi sa akin.

"Thank you po Lolo, Lola" sinabitan ko sila ng mga medalya ko na naging dahilan para maiyak sila. "Para sa inyo po ang lahat ng 'yan. Hindi ako magpupursiging mag-aral kung hindi dahil sa inyo. Thank you po.." yumakap ulit ako sa kanila. Hindi ko namalayan na nasa likod lang pala ang mga magulang ko.

"Pasensya ka na pala Apo. Hindi namin nasabi na darating ang mga magulang mo. Gusto ka kasi nilang i-sorpresa" sabi ni Lolo.

"Na-sorpresa nga po ako na nandito sila" medyo sarcastic ang boses ko. Hindi ko naman sinasadya.

"Sa labas na po tayo kumain. Nagpa-reserve na si Marielle sa isang restaurant" si Papa ang nagsabi non.

"Halika na para hindi tayo gabihin masyado" sabi naman ni Lolo. 

Sa isang mamahaling restaurant kami pumunta. Naka-buffet ang pagkain. Hindi na masyadong maraming tao dahil oras na rin. Nang makarating na kami sa table namin ay inilapag lang nila ang mga gamit nila. Then nag-proceed na kami sa buffet. 

After The SunsetWhere stories live. Discover now