"Dalian mo Gabby! Makulimlim na!" sabi sa akin ni Blair. Sinarado ko na ang bag ko at sumunod na sa kanya. Mula sa second floor ay kitang-kita ang kabuuan ng campus. Makikita rin ang kalangitan na unti-unting dumidilim. Wala namang bagyo. Pero bakit kaya uulan nalang bigla? 

"Ang bagal mo naman!" pagrereklamo niya ng makita akong nakasunod na sa kanya.

"Pasensya na ha!? Kasalanan ko bang wala tayong locker?" inirapan niya lamang ako. Ang dami ko kasing dala tapos gusto niyang magmadali pa kami sa paglalakad! Ang bigat kaya ng gamit ko. Palibhasa siya ay hindi naman nagdadala ng mga libro! 

"Bakit ba kasi dinadala mo lahat ng libro mo? Hindi naman nagagamit! Mamaya makuba ka lalo niyan eh!" 

"Aba kung makapagreklamo ka ay parang ikaw ang may dala-dala ha!" bakit ko ba kasi naging kaibigan ang isang ito? Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na ng tuluyan sa school. Mukhang hindi naman matutuloy ang ulan? 

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Wala naman kayong lakad?" tanong ko sa kanya. Ang bilis niyang maglakad! Ngayon ko lang siya nahabol.

"Marami pa kasing ire-review! Bakit ba kasi sabay-sabay ang quizzes bukas?" iritable niyang sabi.

"Easy lang naman yung mga 'yon. Ang dali-dali kaya. Hindi ka lang nakikinig" sabi ko sa kanya. 

"Maggy!" sinamaan ko siya ng tingin. Alam na alam niya talaga kung paano ako patigilin sa pagsagot-sagot sa kanya. "Bakit ba kasi hindi nalang iyon ang itawag ko sayo? Masyado ba talaga siyang special para siya lang ang payagan mo na tawagin kang ganon?" sabi pa niya.

"Ayoko na nga siyang maalala masyado kaya nga ayaw kong tinatawag mo akong ganon. Di bale ng Gabby huwag lang Maggy" sabi ko sa kanya. Simula ng tumuntong kami sa high school ay wala na akong balita kay Cede. Hindi na rin ako pumupunta sa kanila. Nakakahiya! Ano namang gagawin ko dun? Pa-minsan minsan ay nakikita ko siya sa simbahan dahil doon na kami nagsisimba nina Lolo at Lola. Nagse-serve pa rin naman siya. Minsan naman ay sa harap ng eskwelahan niya na madalas daanan ng mga pampublikong sasakyan ko siya nakikita. Madalas ay nakikipagtawanan siya sa mga kaklasi niya. 

"Ano ba kasing nangyari sa first love mong 'yan? Hindi man nga lang kayo umabot sa confession part tas nagmo-move on ka na! Naloloka ako sayo" 

"Basta...kapag nagmahal ka maiintindihan mo rin..." sabi ko sa kanya. Si Blair ang tanging kaibigan ko pagtapak ng high school. May iilan naman na gusto akong maging kaibigan ngunit ayaw ko ng marami. Ayos na ako sa konti pero totoo. Nakikita ko siya noon sa mga contest noong elementary. Hindi nga lang kami nagiging magkalaban madalas. Kagaya ko, valedictorian din siya. Nakita ko din siya sa Gawad Parangal na ginanap para sa lahat ng Valedictorian at Salutatorian sa bayan na programa ng Mayor. Ka-table ko sila noon at panay ang pag-ngiti namin sa isa't isa. Nang maging mag-kaklasi kami, hindi siya nagdalawang isip na kaibiganin ako. Ang sabi niya ay komportable daw siya sa akin. Kaya ayon. Kaibigan ko na siya.

Na-kwento ko na sa kanya si Cede. Pero hindi ang buong kwento. Hindi naman din siya nagtatanong. Gusto ko lang talagang magka-idea siya tungkol kay Cede. Ang sabi pa niya sa akin noon kung hindi daw ako komportable sa pagku-kwento ay ayos lang naman daw. 

Kami ni Cede? Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Basta pagkatapos ng sunset na iyon hindi na kami muling nagkita. Paano kaya kapag nagkita kami ulit? Kakausapin niya pa ba ako? Magkaibigan pa rin ba kami? Pero siguro normal na ang sitwasyon na ganon. May mga makikilala tayo na magiging parte ng buhay natin. Ang iba ay permanente sa buhay natin pero ang iba naman ay temporary lang na dadaan na parang bagyo. People come and go. Kung ngayon ay close kayo ng isang tao, once na hindi kayo nagkasama ng matagal panigurado ay makakaramdam kayo ng pagka-ilang. Pero mayroon din naman na parang walang nagbago at parang kahapon lang muling nagkita.

Siguro...depende rin sa sitwasyon at perspektibo ng tao. Hindi naman lahat pare-parehas ng pananaw. Nasa tao nalang din kung ano ang magiging resulta ng distansyang pilit linabanan. Pero siguro part of growing up ang falling apart? 

"Ang lalim ng iniisip mo. Nakakainis ka naman!" sabi pa ni Blair. May dalaw yata ang babaeng ito?

"Bakit? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Nakasakay na sana tayo dun sa naunang jeep kaso ang lalim ng iniisip mo. Hindi ka maistorbo eh!" inirapan ko nalang siya. Nang may dumating na jeep ay ako na mismo ang naunang sumakay. Sumunod naman siya. Nakipag-unahan kami sa mga estudyante dahil kung hindi, baka hindi pa kami makauwi. 

Umandar ang jeepney at nakatingin lang ako sa bintana. Tinatanaw ang kalangitan na nagbabadyang magbuhos ng malakas na ulan. Malamig ang hangin na siyang dumadampi sa aking mga balat. Malungkot na naman ba ang langit at nais magpakawala ng sakit na siyang nararamdaman?

Huminto ang jeepney sa tapat ng eskwelahan ni Cede. Sa araw na ito ay wala siya sa harapan. Umuwi na kaya siya? May klase pa ba siya? Bakit ko ba siya iniisip gayong pakiramdam ko'y nalimutan na niya rin ako sa maikling panahon? Tumuwid ako ng pagkakaupo at bumaling sa kakasakay lang. Halos magtago ako nang makita kung sino ito. Si Cede! Umupo na siya at saktong magkatapat pa kami!

Bumaling muli ako sa bintana at pilit itinago ang sarili. Magaling! Bakit ngayon pa? Bakit ba ako nagtatago wala naman akong ginawang masama!?

"Gabby! Kanina pa kita kinakausap. Ano bang iniisip mo!?" pagrereklamo ni Blair. Napatingin ako sa kanya.

"Ah...iniisip ko lang yung mga bilin ni Lola. Wala kasi siya sa bahay ngayon" sabi ko sa kanya.

"Lumuwas na naman sila sa Manila? Sinong kasama mo sa bahay? Gusto mo bang sa inyo muna ako? Magpapasundo nalang ako!" sabi pa ni Blair.

"Hindi na. Kaya ko naman. Pauwi na rin naman sila panigurado" madalas kasi ay pumupunta si Blair sa amin. Halos sa amin na nga siya tumira noong isang linggo dahil may project kaming tinapos. Hindi naman din nagalit ang mga magulang niya. Kilala na naman din nila ako. At sa tuwing kasama ako ni Blair ay napapanatag ang loob nila.

"Bakit namumutla ka? May sakit ka ba? Okay ka naman kanina ah" she even touched my forehead! Ang babaeng ito!

"Medyo sumakit lang ang ulo ko...ipapahinga ko nalang 'to" 

"Hay nako Maeve Gabriella! Siguraduhin mong magpapahinga ka pag uwi mo. Nako! Ite-text ko si Lola mamaya tatanungin ko siya kung nagpapahinga ka ba. Kapag hindi susugod talaga ako sa inyo kahit hatinggabi na. Magpapahatid ako!" napatingin ako sa gawi ni Cede na nakadungaw lang sa bintana. Hindi naman siguro niya narinig? Pumara na ako at nagpaalam kay Blair. Bago bumaba ay nagtama ang mga mata namin ni Cede. Ni hindi ko nagawang ngumiti.

Pagkababa ko ay napatingin ako sa loob ng jeep. Umaasang nakatingin din siya ngunit hindi. Hindi siya...


After The SunsetOnde histórias criam vida. Descubra agora