Chapter 30

2.3K 112 9
                                    

Binato ni Rajive ng sulyap sina Airey, Yamraiha at Kreed. Kanina pa dumadagundong ang tainga niya sa pagmumura ng mga ito habang nagbubungkal ng lupa sa patag na sakop ng compound ng bahay. They're making a dozen of garden beds with improvised flowing water supply in both sides of every bed. This is for his experiment.

Magtatanim sila ng purple carrots, kahit hindi siya siguradong mamumunga iyon. Bahala na si Batman, basta't may maibigay siyang kulay ubeng carrots kapag humingi ang asawa. Hindi pa kompirmadong buntis ito pero gusto niyang paghandaan ang paglilihi nito. Malakas ang kutob niyang magkakatotoo ang panaginip niya roon sa hospital.

Humalakhak siya nang matanaw sina Yamraiha at Kreed na nagbatuhan ng lupa. Tig-dadalawang beds na ang natapos ng mga ito. Si Airey ay tatlo na habang siya ay isa pa lang. Kailangang alalay lang sa lakas dahil kalalabas pa lang niya ng hospital.

"Dupe!"

"You're a gay horse!"

Nag-wrestling na sa ibabaw ng taniman sina Yamraiha at Kreed. Nagsukatan ng lakas. Sinubukang makawala ni Kreed sa pagkakagapos ng mga binti nito sa braso ni Yamraiha. Gumulong ang dalawa at nalaglag sa daluyan ng tubig. Nang tumayo si Kreed ay wala na itong pantalon. Hawak ni Yamraiha at iwinagayway na tila bandila ng sinaunang tribu.

"'Tang-ina ka! Ibalik mo iyan, Yamaguchi!" Kandarapang hinabol ni Kreed ang bunso nila na tumakbo habang tumatawa.

"Habol, K! Habol!"

Hindi na mapawi ang halakhak niya sa mga kapatid na naghahabulan sa buong taniman.

"And you're laughing at us, bastard?" asik ni Airey, binato rin siya ng isang dakot na lupa.

Nakaiwas siya at binigyan ito ng malapad na ngisi. "This is for my wife! The mayor of Edena City," sabi niyang nagmamalaki.

"Sira-ulo ka! Imbis na tulungan mo ang asawa mo sa kampanya niya, heto ka, nagbubungkal ng lupa? Idinamay mo pa kami!" maktol nitong binalingan nang muli ang pang-apat na bed na sinimulan nito.

"Hey, watch your damn fucking mouth! Dumaan ka rin sa point na ito at hindi ako umangal sa perwesyong binigay mo," pangongonsensya niya sa kapatid.

"Yeah, sure! But Carrot fruit? Are you insane?"

"I told you I had a nightmare on this."

"Kaya nga nightmare, 'di ba? Kasi walang carrot na namumunga!"

Parehas silang umilag ni Airey sa lupang pinagbabato nina Yamraiha at Kreed sa isa't isa.

"Guys! Snacks muna!" sigaw ni Airaj na nakasilong sa lilim ng malaking puno 'di- kalayuan. Malapit dito ay ang telang nakalatag at mga basket ng pagkain.

Kinawayan niya ang ina. Habang ang mga kapatid ay nagkakarera patungo sa miryenda. Pati si Airey ay matuling lumayas sa binubungkal nitong bed. Nilibot muna niya ang paningin. Matatapos nila ang garden ngayong araw at bukas ay makapagsisimula na sila sa pagtatanim. Masigla siyang humakbang.

"Yam, ibalik mo na iyang pantalon ni K," utos nito kay Yamraiha habang inaasikaso sila ng ina at mula sa tatlong basket ay nilatag ang mga pagkain.

"Okay lang, Auntie. Sa kanya na iyang pantalon ko, yayaman siya kung isasangla niya sa botika," nakabungisngis na sagot ni Kreed at dumampot ng new york tuna sandwich. Dinalawang kagat lang nito ang buong piraso. It is obvious he doesn't care about wearing his pants anymore.

Si Yamraiha ay kumuha ng baso at nagsalin ng juice. Nilagok iyon nang hindi humihinga. Pagkuwa'y ibinalik nito kay Kreed ang bitbit na pantalon.

"Baka kabagan ang mga balahibo mong ginto," pang-aasar nitong humalakhak.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon