Chapter 25

2K 98 4
                                    

Kabado si Vanissa ngunit excited siya. Paulit-ulit niyang sinisipat ang sarili sa salamin. Hindi masyadong revealing ang suot niyang asul na cocktail dress. Hakab iyon sa kanyang katawan at hanggang sa ibabaw ng kanyang tuhod ang haba. Nag-compliment sa kulay ng damit ang silver pump na nagpatingkad sa nailpolish ng kanyang mga paa.

"Aalis na tayo, Vani!" Sumilip sa may pintuan si Airaj.

"Dumating na po ba si Rajive?" masigla niyang tanong at hinablot ang belt bag sa dresser table. Inilingkis sa kanyang baywang at ni-locked.

"Kadarating lang. Hindi na siya bumaba at naghintay lang doon sa sasakyan."

Magkahawak-kamay silang magbiyenan na bumaba ng hagdanan. Nasa labas ng sasakyan si Rajive at halos lundagin niya ito ng yakap. Natatawang sinaklot ng asawa ang kanyang baywang at ikinawit niya sa batok nito ang mga braso habang nagtatagpo ang mga labi nila sa matamis na halik.

Pupunta sila ngayon sa bahay ng kanyang ina at doon maghahapunan. The reason of her extra happiness today. One of her new beginnings. Nakahawak siya sa hita ni Rajive at nakahilig sa balikat nito habang nagmamaneho ito. Hindi mapawi ang ngiti sa labi at sinasabayan pa niya ang kanta sa stereo ng sasakyan.

"Sa palagay mo kaya magiging maayos na talaga kami ni Mama?" tanong niya sa asawa.

"You are doubting the signs?"

"Hindi naman. Pero kaya ko pa maghintay kung kinakailangan. Importante kasi sa akin ito. Noong nagdesisyon akong gumawa ng mabuti para sa sarili ko, isa ito sa mga pangarap ko. Naisip kong gaano man kalayo ang marating ko hindi pa rin ako kompleto kung hindi kami magkakaayos ng aking ina."

"You are not in a race. You can take a break but don't stop chasing your dreams. Every single step counts. One day, when you look at your feet, you will be surprise how far you've gone. Remember, destination doesn't always have to be a place but what you wanted yourself to be and how you will achieve it."

Tumango siya. "Salamat, Carrot...I love you..." may halong gigil at kilig niyang sambit. Kinapa ang pundilyo ng asawa at pinisil.

Umungol ito.

Si Airaj sa likod nila ay tumikhim. Napansin yata ang landian nila roon sa front seat. Nagkatawanan na lang silang mag-asawa.

Kahihinto pa lang ng sasakyan sa bakuran ng bahay ng mga Garcia ay maliksing binuksan na niya ang pinto at bumaba. Hindi na siya naghintay pa kay Rajive at dinaig ang batang atat na mahawakan ang bagong laruan. Agad siyang kumapit sa bisig ng asawa matapos nitong alaalayan si Airaj na umibis.

Dalawang resident security guards ang humarang sa kanila at bumati kasabay ng saludo kay Rajive. Iginiya sila ng mga ito patungo sa loob ng bahay. Pumanhik sila sa nakabukas na pulta-mayor at natanaw niya ang ina na nagmamadaling sumalubong sa kanila.

Puso at sikmura na niya ang hindi na mapakali. Nahahati siya sa pagitan ng pag-aalinlangan at kasabikang takbuhin si Avva at yakapin. Buti na lang at nasa balakang niya ang kamay ng asawa. Banayad na humahaplos at pinakakalma siya.

"We've been waiting!" magiliw na sabi ng kanyang ina at nakipagbeso kay Airaj.

"Thank you for the invitation, Avva."

"No, I'm grateful that you've find time in spite of your busy schedule these days." Bumaling ang Mama niya sa kanilang dalawa ni Rajive. "Lav," tumingkayad ito at hinagkan sa pisngi ang lalaki.

"My apologies for the late response, this should be last week."

"I understand," tango ni Avva. Nalipat sa kanya ang paningin nito. No more hatred. Only gentleness and a soft smile on her lips.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora