Chapter 5

2K 124 1
                                    

Natigilan din si Airaj matapos matanto ang huling sinabi. Pero huli na para bawiin iyon. Hindi naman siguro magagalit si Rajive na ipinagtapat niya kay Vanissa ang tungkol sa pagiging mag-ina nila. Bukod sa mga kapatid nito, pinagbawalan kasi siya ng binatang ipagsabi iyon sa iba.

"Sorry po, Ms. Airaj. Na-misinterpret ko po. Akala ko girlfriend ka ni Rajive," apologetic nitong pahayag.

Umiling siya at ibinaba ang bitbit na sprinkler.

"Rajive is my biological son. My only son. My world, my everything." Magiliw siyang ngumiti.

"Pasensya na po, ang bata niyo pa po kasi."

"Forty-one na ako. Raj is twenty-eight. I had him when I was only thirteen years old."

Tumango ito. "Hindi po halata ang edad niyo. Mukha lang kayong nasa late twenties."

Tumawa na siya. Walang halong pambobola ang sinabi ng dalagang kausap na karaniwan niyang naririnig din mula sa iba.

2002

"Para, manong! Dito na lang po!" sigaw ni Airaj sa driver ng bus.

Pagkahinto niyon ay mabilis siyang umahon sa kinauupuan at binitbit ang kanyang bag. Malapit nang dumilim. Lakad-takbo ang ginawa niya dahil may kalayuan pa mula sa babaan ang bahay nila. Marami kasi ang pasahero kaya natagalan siya roon sa terminal kahit maaga siyang tumulak kanina mula sa pinasukang boarding school.

Namimiss niya ng sobra ang anak niya. Ilang buwan ding hindi niya ito nakita mula nang makapagtrabaho siya sa boarding school sa La Salvacion.

"Nay! Raj!" sabik niyang sigaw pagkapasok sa gate ng bahay nila. "Raj! Nandito na si Mama! Raj!"

Nasaan ang anak niya? Bakit hindi siya sinalubong? Bumukas ang main door ng bahay at lumabas ang Nanay niya. Mas lalo pa itong tumaba ngayon mula nang huli niyang makita.

"Airaj?"

"Nay," nagmano siya sa ina. "Nasaan si Rajive?" Sumilip siya sa loob ng nakatiwangwang na pintuan.

Pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay kinuha ng Nanay niya ang kanyang bag at ang mga pasalubong niya para sa anak.

"Nay, nasaan po ang anak ko?" kinakabahan niyang ungot dito.

"Nasa mabuti siyang mga kamay, Airaj. Nangako sa akin si Mr. Li na papag-aralin niya sa magandang eskwelahan si Rajive. May potential iyong bata at sayang kung mabubulok lang siya rito sa nayon natin."

"Nay!" hindi makapaniwalang bulyaw niya. "Ipinamigay niyo ang anak ko? Sinong Mr. Li?"

"Airaj-"

Tinabig niya ang kamay ng ina nang tangkain nitong hawakan siya.

"Nangako kayo sa akin na aalagaan niyo si Rajive! Nagtiwala po ako sa inyo, Nay! Nagtiwala po ako sa inyo!" umiiyak niyang sumbat sa magulang.

Dati pa, noong ipinagbuntis niya si Rajive ay malaki na ang pagtutol ng Nanay niya. Ang gusto nito'y ipalaglag ang bata na kamalasan lamang daw ang idudulot sa kanila. Bunga si Rajive ng panggagahasa sa kanya ng pinsan niyang minsan ay tumira sa kanila. Naipakulong niya ang lalaki at siya ay kinupkop ng mga madre.

Sa kombento niya isinilang si Rajive. Hindi niya rin matanggap noong una ang sanggol. Gusto niya itong ipaampon sa ibang tao pero dahil sa pangaral ng mga madre sa kanya'y nagbago ang isip niya at natutunan niyang mahalin ang bata.

Tinulungan siya ng mga madre na bumangon. Pina-therapy siya. Binigyan ng counseling. Pinag-aral doon sa boarding school hanggang sa nakatapos siya ng senior high at ngayon ay nakapagtrabaho habang pumapasok siya ng college.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Where stories live. Discover now