Chapter 26

1.9K 94 8
                                    

Stolen fate? Or this is what life stored for her and she just has to choose it. This is her calling. After filing her candidacy, Vanissa posed for a picture showing her document to the press with her thumbs up.

Palakpakan ang buong team nito, mga kasamahan sa partido at mga supporters na sumama pa roon sa opisina ng Commission on Election. Ibig salubungin ni Rajive ang asawang lumabas ng pintuan ngunit tiyak aagaw iyon ng atensiyon. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang katunggali nitong makahanap ng butas para gawan ito ng isyu.

Buong pasensya at pagtitiyaga siyang naghihintay lamang doon sa lobby ng gusali. Nakatanaw kay Vanissa na kinausap saglit ang taga-media at nakikipagkamay sa mga bumabati rito, paskil sa labi ang matatamis na ngiti. Ang mga gwardiya nito ay gumawa ng barikada upang hindi ito dumugin. Naroon din si Jiego na nakatingin sa kanya. Kunot ang noo at nagtataka kung bakit hindi pa rin siya lumapit.

Sumenyas siya sa sundalo na dalhin na sa sasakyan ang asawa. Tumango ito at inutusan ang team ng security. Pinukol niya ng tingin ang kabilang pinto kungsaan naroon si Avva at kasalukuyan ding inaasikaso ang dokumento nito para sa kandidatura nito bilang congresswoman. Hindi pa naungkat sa publiko ang tungkol sa kaugnayan ng mag-ina sa isa't isa. Walang nagtaka at walang nagtanong dahil magkaiba naman ng apelyido ang dalawa.

Pagdating sa sasakyan ay tila batang yumapos sa kanya si Vanissa. Itinago sila ng tinted windows kaya malaya siyang siilin ng halik ang asawa. Pumasok ang kamay nito sa ilalim ng suot niyang black shirt at dinama ang umaalma niyang mga muscles. Hinaplos ang pilapil ng mga balahibong gumagawa ng landas pababa sa kanyang groin.

"Damn, bunny..." ungol niyang hinawakan ang kamay nito at idiniin sa nagigising niyang pagkalalaki. Kahit malakas ang aircon sa loob ng sasakyan, natutupok siya ng init kaya hinubad niya ang mabigat na coat. Hirap siyang panatilihin ang katinuan dahil sa pagragasa ng pagnanasa sa sistema niya.

"Wala akong meeting mamayang gabi," bulong nitong para bang sinabi sa kanyang pwede niya itong angkinin buong magdamag.

Hindi ganoon kadalas ang contact nila dahil nag-iingat siya. He can't have her struggling between her political fight and the pregnancy he badly fancied. Kailangan niya munang magparaya at unahin ang career ng asawa lalo pa at kauumpisa lamang nito sumabak sa mundo ng politika.

"Tamang-tama, wala rin akong overtime mamaya sa headquarters. We can arrange for a date?"

"Gusto ko iyan." She giggled, the kind of her laugh he comes to adore.

"I love you," he whispered with his breath faltering.

"I love you, Carrot."

Hinatid niya ang asawa sa press conference nito sa Edena Pen. Saglit lang siyang nanatili roon at tiniyak ang seguridad na siya mismo ang nag-set up. Both moving forces and computer-controlled. Habang ni-rehearsed ni Vanissa ang mga posibleng tanong na ibabato ng media.

Nang mag-umpisa ang press conference ay umalis si Rajive at dumalo sa meeting ng higher seat. Karamihan sa mga miyembro ng konseho ay kabilang sa kanyang sector. Natunugan niya agad kung anong paksa ng meeting na iyon. Tungkol na naman sa pagpili niya ng asawa. Matitigil na sana sa kakulitan ang mga ito kung pwede na niyang ilatag ang pagiging mag-asawa nila ni Vanissa. But the truth is tied as long as she is in the middle of her political battle.

Naupo siya sa may kabisera ng korteng letrang H na conference table at natuon ang paningin sa kawan ng mga Avila. Alam niyang ang mga ito ang may pakana ng meeting na iyon upang dagdagan ang pressure sa kanya.

"We will begin this meeting with the minutes of the previous order of business," nagsalita si Stephen Avila.

He raised a hand to get the gentleman's attention. "Dispense the minutes and proceed to your agenda, Mr. Speaker. I know you want to rush things off, there you go, I'm giving you the floor now." Iminuwestra niya ang gitna ng conference.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Место, где живут истории. Откройте их для себя