Chapter 29

1.8K 111 1
                                    

Vanissa's sultry lips stretched into a charming smile as she is maintaining her poise, never allowing the tears in her eyes to outshine the happiness she felt. Kailangan niyang panghawakan ang kaligayahang handang pagbuwisan ng buhay ng kanyang asawa. Habang papalapit ito sa kanya, damang-dama niya ang paghihirap nito. Ibinuhos na nito ang natitirang lakas para lamang makarating doon at tuparin ang pangako nito sa kanya.

Kagabi lang niya natanggap ang balitang nagtamo ito ng malubhang mga sugat. Tatlong bala ang tumagos sa tibay ng katawan nito, matapos nitong iharang ang sarili para protektahan ang ilang miyembro ng Red Scorpion na kasalukuyang nasa ilalim ng custody ng Nephilim.

Tulog ito buong magdamag at kinonsidera na sana niyang i-kansel muna ang kasal nila. Pero naisip niyang hindi ito papayag kaya sa halip na sa original venue gaganapin, nakiusap siya kay Lyam na rito sa hospital chapel gagawin ang seremonya. She informed all the invited guests until early this morning, fortunately, every single one of them confirmed to witness how this amazing man sealed their love by his name.

Nakaalalay kay Rajive ang dalawang kapatid nito, sina Vladimir at Ghaile. He stopped a step away from her, bearing his exhausted lavender eyes. Those eyes landing a sharper focus and spare her from worrying. Striking as always like the color of her wedding gown today.

"Am I late?" kahit ang boses ng lalaki ay pahirapang lumabas dahil sa taas ng lagnat nito.

Gusto na niya itong dakmain at yakapin ng mahigpit. Makiusap na ibahagi nito sa kanya ang sakit na tinitiis ng katawan nito.

"You're just in time," nabasag ang kanyang boses at muntik nang mauwi sa hagulgol.

Mahigpit na pinisil ni Sanya ang kamay niya. Pinaalala sa kanya kung para saan ang araw na iyon at kung bakit sa kabila ng hagupit ng mga sugat na pinagdadaanan ni Rajive ay nandito pa rin ang lalaki.

"I'm sorry, bunny. I should be the one waiting for my bride," he said amid his short breath.

Banayad siyang umiling at ang matamis na ngiti ay hindi hinayaang mapawi upang patuloy na itago ang butil ng mga luha sa likod ng nakamaskarang pilik-mata.

"Hindi ko nabilang ang minutos kasi worth it naman ang paghihintay ko sa aking groom."

"Everyone is waiting, let's get inside," mula sa may pinto ay nagsalita si Airaj.

Kanina pa nakahanda sa loob pati ang entourage niya. Avva and Lawrence were there to bring her to the altar while Sanya will be escorting Rajive as the groom's maid of honor. Ilan sa mga kapatid ng asawa niya na nakauwi mula sa mission ay dumalo rin.

Dinig niya ang alingawngaw ng palakpakan nang pumasok si Rajive sa loob ng chapel. Doon lang din niya pinalaya ang mga luha at sumubsob sa mga palad. Tinuyo niya ang mga luha at inayos ang sarili. Everyone inside the chapel stood up when she entered. The elegant decorations tranformed the entire prayer room into a magical garden, yet the solemnity of the place is intact. Nanlandas ang paningin niya sa pulang aisle at mga talulot ng bulaklak na dumadaloy pababa ng altar.

Avva and Lawrence joined her. Ilang hakbang na lang at mararating na rin niya ang kinaroroonan ng lalaking naghihintay sa kanya. Behind him are Vladimir and Ghaile. Sina Athrun at ang ibang mga kapatid nito ay nasa unang hanay ng mga upuan kasama ang mga hipag nito.

Yumakap siya sa asawa nang hapitin siya nito. Ingat na ingat na hindi masagi ang mga sugat nito. Ang katawan nito ay mistulang nagbabagang bakal dahil sa apoy ng lagnat. Hinagkan ng tuyo nitong mga labi ang kanyang noo. Mababaw ang bawat paghinga nito at halatang hirap itong hugutin iyon. He was intubated last night and he should be until today.

Hinaplos niya ang mga panga nito. Kahit kunti man lang sana ng lakas niya ay maipasa niya sa asawa upang kayanin nitong tumagal hanggang sa matapos ang seremonya. Nakaalalay sa kanila ang mga kapatid nito habang papunta sila sa altar kungsaan naghahanda na ang pari.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ