Chapter 23

1.9K 100 7
                                    

"Councilors, we are looking forward to a solid reinforcement for the next council assembly!" pinal na pahayag ni Athrun.

Kampanteng isinandal ni Rajive ang likod sa backrest ng silya. Akala niya ay kailangan niyang mang-blackmail ng buong konseho para sa suporta. Ngunit tumiklop ang lower seat sa mandato ni Athrun at nakumbinsi sa determinasyon ni Vanissa. Hinawakan niya ang kamay ng asawa sa ilalim ng table at banayad na pinisil. Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

"I am sending additional information in your emails. Kindly check it out later," dagdag ni Vladimir.

"Manpower will be provided if you need more people to ripple her engagement to the community," Rheeva from the wide screen spoke as well with his royal authority.

Hindi magiging madali kapag aakyat na sila sa higher seat. Naroon ang matitigas na liderato ng konseho. Hindi basta nadadaan sa salita at mahirap tibagin. Maghahanap ang mga iyon ng katibayan na hindi masasayang ang tiwala at suportang ibibigay ng mga ito sa kanyang asawa.

Siguro ay hindi na masama ang babalang ikinalat niya sa network ng mga ito sa nakalipas na tatlong araw. Para saan pa at kontrolado niya ang security system? Kung bibitawan niya ang upgrading sa panahon ngayon na talamak ang hacking sa web, malalagay sa alanganin ang kayamanan ng bawat isang miyembro. Hindi siya sanay na ginagamit ang kanyang abilidad upang hawakan sa leeg ang sinuman ngunit ngayon ay gagawin niya para ibigay kay Vanissa ang tagumpay. Hindi niya hahayaang matahin ito ng angkan ng mga Avila.

"Adjourned!" anunsiyo ng chairman nang magkasundo ang bawat panig.

"Rajive, schedule a virtual meeting for tonight." Hinawakan ni Athrun ang kanyang balikat bago sila umahon sa kanya-kanyang upuan.

"Copy that, chairman."

"Vanissa, I am preparing a calendar of activities for you. Have sent it to headquarters for you to check when you lock in today to report. Tell me if you need some adjustments."

"I will, chairman. Thank you so much."

Pagdating sa labas ng conference hall ay humiwalay silang mag-asawa sa mga kapatid niyang may kanya-kanyang appointment na dadaluhan. Napansin niya ang panlalamig at pagpapawis ng kamay ni Vanissa. Late reaction marahil dahil sa pagsalang nito kanina roon sa meeting at ito pa ang naging sentro ng usapin.

"You will be okay, bunny, I promised." Kinabig niya ito at hinagkan sa noo.

"Alam ko, nandito ka kasi siyempre." Ngumiti ito ng matamis. "Saka nagtiwala sa akin ang chairman, hindi ko kayo bibiguin ng mga kapatid mo."

"That's my kind of girl," proud niyang sambit at pinisil ang pang-upo nito.

Jiego was observing them queitly. They are moving down to the lobby aboard one of the executive elevators. Binato niya ng sulyap ang lalaking halatang nag-aalala kay Vanissa. Kampante siya na magiging katuwang niya ito para sa proteksiyon ng asawa niya kaya tinanggap niya ang assignment nito. May panahon pa sila bago ang sunod na halalan. May oras pa para mapatibay ang pundasyon ng kandidatura ni Vanissa rito sa La Salvacion.

"Gusto mong kausapin natin ang mama mo bago ilunsad ang pagtakbo mo sa susunod na election?" tanong niya sa asawa.

"Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon. Baka iisipin lang niyang hinahamon ko siya. Sapat na muna sa akin na alam kong buhay siya at nasa iisang lugar kami. Maghihintay ako hanggang sa lubusang humupa ang galit niya sa akin."

Tumango siya. "Okay lang ba kung bisitahin ko siya minsan at kamustahin? Naipangako ko sa kuya mo na hindi ko papabayaan ang Mama mo."

"Oo naman! Natutuwa ako dahil malapit ang loob niya sa iyo."

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Where stories live. Discover now