18

192 13 0
                                    

“Pwede naman, and it suits you well.”





“Talaga?” excited kong tanong sa kanya. “O baka naman joke ‘yan? Scam ka!” turo ko sa mukha niya.





“Kailan ba ako nag-sinungaling sa’yo Gabbie, maliban sa pagtingin ko sa’yo dati?” balik niya na nakataas ang kilay.





I went silent. He smirked at me.





“What if… I become a model?” I asked him.





“It’s your choice babe. But I will always support you no matter what.” 




It warms my heart hearing that. After our peaceful breakfast ay umalis na ako dahil pupunta kami ni Dani sa mall para mamili ng school supplies. Next week na ang pasukan and I’m happy because it’s my final year in college! Yay!





“Trending pa ‘rin sa twitter!” Dani said. “Grabe talaga ang Paraiso.”





Nandito kami ngayon sa isang café sa isang mall kung saan kami bumili ng school supplies na gagamitin namin sa pasukan. Hindi pa ‘rin matanggal sa isip ko ang sinabi niya kanina. Bagay ‘raw sa akin?





“I wanted to try…” bulong ko.





“Try ang alin?” hindi ko inaasahan na maririnig pala ni Dani. “Hoy! Alin?!”





“Gusto ko i-try ‘yung …modeling.” I said to her.





Natigilan siya. She looked surprised when I said that to her.





“Talaga?!” she asked hysterically. “Girl! Support kita! Oh My God! I can imagine us walking together in a show Gabbie.”





I laughed at her remark. I wanted to try but I’m quite nervous. Maybe this is a step for me to know about myself. This is a new chapter of my life that I have to conquer.





“Tutulungan mo ko ah.” Sabi ko sa kanya.





“Girl! Sino pa baa ng tutulong sa’yo duh.” She snapped at me. “Model ako hello?!”





“Pero paano? What do I need to do? Magpa-kinis o kung ano man?”





“Okay naman na ‘yang mukha at katawan mo. Gumawa na lang tayo ng isang pang-malakasang portfolio mo para sure na matanggap ka!”




After that ay umuwi na ako. Uno is busy right now due to their rehearsals. Sabi niya, puno ang schedule nila ngayong week, pero they will work it out. Magaling naman si Miss Clara mag-handle sabi ng Daddy ni Dani. Isa pa, she’s super hands on lalo na sa mga ganitong bagay.





Habang nasa bahay ay natulog muna ako, hinihintay ko lang sina Mama dahil magtatanong ako ng opinion niya sa papasukin kong career. I was looking forward to it, especially kikita ako at alam kong makakatulong ako sa gastusin dito sa bahay. Makaka-ipon ‘rin ako para sa sarili ko. Sana talaga maging successful ‘to pero alam ko ‘rin na hindi madali but I will always trust the process.





“Ma, may itatanong lang po ako.” bigla naman tumigil si Mama sa pagkain.





“Ano naman ‘yun?” seryoso niyang tanong.





Lumunok ako at huminga ng malalim.





“Gusto ko po sanang i-try… maging model.” Sabi ko. “Tutulungan naman ako ni Dani. Try lang naman, kapag hindi nag-work…hindi ko ‘rin naman po itutuloy.”  Paliwanag ko.


Through Days and NightsWhere stories live. Discover now