08

233 23 0
                                    

“Happy Birthday!”




Gulat na gulat si Dani sa sigaw ko. Birthday niya kasi ngayon at sinurprise ko siya sa hara ng building naming. Dala-dala ang cake na binake ko para sa kaniya.




“Thank you Gabbie!” sabay yakap sa akin.




Binigay ko sa kanya iyong gift ko. It’s a gold necklace na inorder ko online at pina-customize na lang. Pinalagay ko ang pangalan niya na may heart shape. Tuwang tuwa naman siyang sinuot iyon.




“Thank you talaga Gabbie. I appreciate it.” She smiled at me.




Padating namin sa room ay binate ‘rin siya ng mga classmates namin. May nagbigay pa ng flowers at letters. Famous ‘rin kasi to eh dahil sa pagmomodel niya.




“Guys listen up!” she shouted. “Bukas may party ako sa isang club sa BGC. Punta kayo ah! Ang hindi pumunta, sasabunutan ko!”




Ngayong araw kasi iyong dinner with her family kasama ako dahil gusto ‘raw ni Tita Daisy na andun ako. Bukas naman ay iyong party niya with friends. Sigurado akong mapupuno naman ‘yun dahil madami si Dani na connection from other schools pati na ‘rin sa showbiz. Malaki talaga ang social circle niya!




“Thank you guys for all the greetings.” Si Dani habang nagvi-video para sa IG story niya. “I appreciate it y’all!”




Hinayaan ko na lang siya dahil it’s her day naman.




“Gabbie.” Pagtawag niya. “May napansin lang ako ah. Bakit hindi na kayo masyadong magkasama ni Kuya Uno. Hindi ka na ‘rin sumasama sa mga gig nila.”




I looked at her. Sasabihin ko ba sa kanya? Kahit naman chismosa tong bestfriend ko eh mapagkakatiwalaan naman.




Hindi na kami masyadong nagkikita ni Kuya Uno. Naging busy ako sa school at siya naman sa banda niya. Pero alam ko sa sarili ko na alam ko na ang dahilan. Siguro it’s the time to let go?



“I think I need to move on.” Sabi ko.




She held her chest looking shocked. Napahawak pa siya sa table na parang mahihimatay.




“Move on?” ulit niya. “Gaga ka! Eh wala naman kayo!”




“Kailan pa talaga ipa-mukha?!”




“Eh totoo naman eh!” she scoffed. “Pero bakit ba?”




I shrugged. Siguro tama na ‘to. He has his own life at ayoko nang dumagdag pa ‘dun. Iniisip ko na pwede siyang maging masaya sa piling ko…pero pwede naman sa iba. Maybe he always think that I’m just his younger brother.




Ayoko naman kasing pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Because in the end I don’t want to hurt myself for risking my love sa taong hindi naman ako mahal. Ang sakit…sobra!




“Yan na ba talaga gusto mo?” tanong ni Dani. “You know, hindi naman madali ‘yun. But if that’s what you want, then I support you.”




I smiled at him. I’m lucky that I have her. Jusko! Kahit chismosa pa!




Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa klase namin sa isang major class. Hindi ‘rin naman ako makapag-focus dahil iniisip ko ‘yung kanina.





Kaya ko ba? Siguro tama na nga ‘yun.




I don’t want to push myself further more because in the end, I don’t know if it’s the gonna be worth it. Perhaps it’s the right time? I have my insecurities that’s why hindi ako maka-amin. Nandun na ‘yung takot kaya di ko magawa. Maybe I should give up.




Through Days and NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon