04

277 26 1
                                    

“Kamusta kayo ‘nung kalandian mo?”





Tanong ko kay Dani habang nagre-review kami sa may batibot, harapan ng Mass Communication building. Hindi ko kasi sila masyadong makita na magkasama e. Kala ko ba seryoso silang dalawa?




“Alin ‘dun?” tanong niya.





Wow?! So marami? Grabe ‘tong babaeng ‘to!





“Yung kasama natin ‘dun sa Korean Resto!”





“Ah ‘yun! Hindi ko alam. Nawalan na ‘rin kami ng connection ‘nun.” She shrugged





I guess that’s how relationship works nowadays…I guess? 





Kami kaya ni Kuya Uno? Paano kapag naging kami? Ano kayang mga gagawin namin? Mga pag-uusapan? Aabot kaya kami sa anniversary o hanggang monthsary lang kami? Ano ba ‘yan! Dapat hindi ako nag-iisip ng mga ganyang bagay! Ang imposible naman!





“What’s up lodicakes!” sigaw ni Samuel palapit samin.






Nasa likod niya si Kuya Uno na nakatingin sa kin. Kumalabog agad ang puso ko. Ang bilis ng tibok! Naka-pamulsa siya habang naglalakad at nasa likod ang gitara. Umupo sila sa harapan namin.





“Andito naman ang istorbo.” Bulong di Dani, pero narinig namin.





“Wow, talaga? Sino?” si Samuel, halatang nang-iinis.





“Ikaw!” si Dani. “Bakit ba kayo nandito?”





Ang ingay talaga ng dalawang ‘to! Kala mo mga bata! Minsan nakaka-rindi na ‘rin ‘tong mag-away. 





“May plano ba kayo para sa Undas Break?” biglang tanong ni Samuel.





Oo nga ‘no! Malapit na pala Undas Break. Sa tingin ko nasa bahay lang ako niyan. Wala naman akong mapupuntahan dahil wala naman akong pera! Hindi naman kami mayaman!





“Uh, sa bahay lang siguro.” Sagot ko.





“Sakto!” nagulat kami sa sigaw ni Samuel. “Sama na kayo samin!”





“San naman ‘yan? Another katarantaduhan na naman ba ‘yan?” si Dani kaya naman napasimangor si Samuel.





“May gimik kasing naisip si lodicakes.” Sabay tingin kay Kuya Uno. “Gusto niya pumunta ng beach, para relaxing.”





Na-excite ako sa sinabi niya…pero wala pala kong pera. Minsan lang kami makapunta ng beach. Tuwing reunion ng pamilya o kaya naman libreng paligo tuwing summer ng barangay.





“Do you want to join us?” tanong ni Kuya Uno. “My treat.”





“Oh my God! Gabbie, sama na tayo para naman maipakita ko ‘tong katawan ko.” Excited na sabi ni Dani.






“Okay. Magpapaalam muna ko.” Sabi ko.





Napangiti naman si Kuya Uno. Gwapo talaga!





“Pagkatapos ng finals! Excited na tuloy ako!” si Samuel. “Pero bago yan…”





May inilabas si Samuel at Kuya Uno na papel. They are smirking. Ano naman kaya ‘to? Binigay nila samin at napakunot naman ang noo namin ni Dani.

Through Days and NightsWhere stories live. Discover now