15

205 13 3
                                    

“So…saan na naman tayo pupunta?”



Tanong ko kay Uno habang nagda-drive siya kung saan man kami pupunta. Kaninang umaga ay sabi niya ay aalis kami para sa tour na binook niya, kaso cancelled ‘raw kaya kami na lang ang pupunta sa tourist spot na ‘yun. Babalik pa ‘rin naman kami sa Cabin Resorts dahil hindi pa naman kami nagcheck-out.



“We will hike and you’ll like it.” He said to me.



I just nodded at him. Ngayon ko lang narealized na malapit na pala Christmas. Tatlong araw na lang ay pasko na and it’s our first year to celebrate Christmas as a couple. The thought makes me feel giddy at some point.



“Nga pala.” Tawag ko sa kanya. “Anong gusto mong gift this Christmas?”



“Ikaw.” He answered. “It’s obvious Gabbie na ikaw ang gusto kong regalo.”



“Grabe ka kung bumanat ‘no?” tanong ko sa kanya. “Nasasabi mo na  yan dahil tayo na.” I said like it was the truth…talaga naman!



“Magaling naman talaga akong bumanat.” He answered with so much confidence. “Gusto mo, banatan kita diyan eh.”



That sounded wrong! Oh My God! My virgin ears!



Bigla niyang nahinto ang kotse niya sa daan. We looked at each other…looking shocked! His face looks like he’d done something wrong. Ako naman ay ramdam ko ang init ng pisngi ko. Umiwas na lang ako ng tingin at siya naman ay tumikhim.



“M-mag-drive ka na lang.”



“Okay.”



The drive was short dahil malapit lang naman. Nasa harapan kami ngayon ng isang barangay hall para sa safety check na gagawin bago umakyat ng Bundok. Marami kaming kasama na puro ‘rin turista. Yung iba tingin ng tingin kay Uno!



Pagkatapos ‘nun ay nagsimula na kaming umakyat sa Mt. Manalmon. Medyo matirik ang daan kaya naman todo alalay si Uno sa ‘kin  dahil medyo lampa ako. Hindi ako kagaya niya na parang isang Adonis personified ang katawan.




“Nakakapagod naman.” I pouted.



“You know what Gabbie…” he whispered. “You look cute when you’re tired.”



“I know. Small things.” I joked.



“That’s why I’ll always make you tired.” He said. “No, I’m just kidding.” Bawi niya.



Nagpahinga kami sa kalagitnaan ng pag-akyat. Some tourist would take pictures of the scenery. The place was so beautiful after all. Halos apat na oras ‘rin kaming umakyat hanggang sa marating naming ang tuktok.



“Wow!” I uttered.



“It so beautiful ‘right?” Uno asked.



“Yeah, it is. Thank you for bringing me here.” I said with a genuine smile.



“My pleasure babe.”



Pinuntahan ‘rin namin ang falls na matatagpuan pa ‘rin sa bundok. The water was clear, sobrang lakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig mula sa talon. May balsa ‘rin na pwedeng gamitin. Mabuti na lang at nagdala si Uno ng DLSR para sa pictures. We took some pictures at naligo na ‘rin. Gusto kong bumalik dito kapag naging successful na ‘ko balang araw. Kapag successful na kami pareho.



Through Days and NightsWhere stories live. Discover now