16

210 15 1
                                    

“Malapit na pala Valentines!”




Excited na sigaw ni Dani habang naglalakad kami papunta ng Area 2. Tama naman siya dahil one week na lang bago mag-Febuary. That means Valentines is approaching as well as the event that every UP students look forward to.




The UP Fair. Yay!




“May ka-date ka niyan?” tanong ko sa kanya.




“Wala pa.” sagot niya. “Naghahanap pa ko sa Tinder ng ka-date. Sana meron akong mahanap!”




Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Naghahanap pa eh kay Samuel lang naman ng bagsak niyan. I smile at that thought.




“Ikaw, Gabbie?” tanong niya. “I’m sure Kuya Uno has a plan on his mind. Yun pa! E pagdating ata sa’yo, lahat pwede ‘nung magawa.”




“Hindi pa naman sure. Busy sila ngayon dahil may thesis ata sila.”




“Nasabi ‘rin sa’kin ni Samuel.” Sabi ni Dani.




Nagkatinginan kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na may namamagitan sa kanilang dalawa kaso todo deny pa. Parang mga tanga!  




Sa Longga Republic ni Dani na kumain. Nag-order lang ako ng longganisa from Ilocos tapos softdrinks. Si Dani naman ay longganisa from Bulacan tapos water lang dahil diet ‘raw siya. Habang kumakain kami ay muntik ng mabulunan si Dani. Mabilis kong ibinigay ‘yung tubig niya sa kanya.




“Dahan-dahan lang kasi.” Sabi ko sa kanya.




“Tingnan mo Gabbie oh!” nguso niya sa may likod ko.




Tiningnan ko naman at nakita ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Josh, ‘yung friendly basketball player na may kausap na isang lalaking naka-all white outfit. Mukhang med-student pero hindi taga-dito. Taga-UST dahil may nakalagay na logo. Todo tawa si Josh habang mukhang inis na inis ‘yung kasama niya.




“Sila ba?” tanong ni Dani.




“Ewan ko. Bakit ako tinatanong mo?!”




“Halata naman e. Kahit na mukhang inis na inis na ‘yung isa.”




I just shrugged. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa next class sa may Film Institute. Medyo malayo ‘yun kaya sumakay na lang kami ng Ikot Jeep. Mamaya ay may gig na naman uli sila Uno. Balita ko medyo malaki ‘yun dahil sa isang kilalalang bar ‘yun sa may Taguig. Sabi niya isasama niya ako dahil matagal na ‘rin ako na hindi nakakasama sa mga gig nila. Miss ko na ‘rin makita silang mag-perform.




“Alam mo Gabbie. Sayang ‘yung offer sa kanila ‘no?” tanong ni Dani.




Alam niya? Oh! Okay kay… Samuel.




“Oo, ako nga ‘rin medyo nanghihinayang. Malaking break sana ‘yun sa kanila.”




“Well, it’s their decision. Pero saying talaga eh, in demand pa naman ngayon ang mga musikero sa industriya.”




Tumango ako sa sinabi niya. Sayang talaga pero wala naman kaming magagawa dahil desisyon nila ‘yun. Ano kayang mangyayari kapag nakuha sila? Halos gabi na ‘rin natapos ang klase ko so I just texted Uno na sunduin na lang ako sa bahay.




“Wala pa si Mama?” tanong ko kay Gianne pagdating ko ng bahay.




“Wala pa Kuya.” Sagot niya. “Nag-overtime na naman ata.”




Through Days and NightsWhere stories live. Discover now