CHAPTER 9

3K 119 165
                                    

HERA was busy doing her notes. She's listing down all the important notes of their lesson when someone interrupted her. It's their second day already. the

"So, you have a boyfriend?" her seatmate asked.

She rolled her eyes. "Ano namang paki mo?"

Ang malas ng school year na ito para sa kaniya. Halos karamihan sa subject niya, classmate niya itong Patay na Buhay na ito. Halos lahat tuloy ng subject niya, hindi maipinta ang mukha niya sa inis at asar.

"Wala lang. I didn't expected someone will — nevermind," hindi nito pagtutuloy sa sinabi nito.

Kumunot naman ang noo ni Hera. "Wait, are you supposed to insult me?" kunot noong tanong niya.

Tumaas ang parehong kilay ng lalaki. "No. Iyon ba sa tingin mo?"

"Ituloy mo ang sinabi mo, para matuloy ko rin ang pagsapak ko kung sakaling hindi ko magustuhan ang lalabas sa bibig mong yan."

Ngumisi si Patay na Buhay. "Nope."

Okay Hera, easy... wag nang patulan ang letseng gaya niya...

Pinilit ni Hera na magfocus sa sinusulat at hindi pansinin ang letseng kanina pa nambu-bwisit sa kaniya. Ayaw niyang ma-stress pero ang impossible yatang mangyari non lalo na kung palagi niyang makakasama sa iisang lugar itong si Dieron.

After doing her notes, nagpasalamat siya kahit papaano at hindi yata siya binuwisit pa ng patay na buhay na katabi niya dahil literal na nakapikit na itong habang mahinang humihilik pa.

Sana hindi na siya magising, bwisit siya!

Dahil tapos naman na siya at dahil on going pa rin ang subject niya na ito, may 15 mins pa sila, kinuha niya ang phone para patayin ang boredom niya. Tapos na kasi ang lesson nila for this subject at hinayaan na sila ng prof na gawin ang gusto nila hanggang sa ma-dismiss ang klase.

Pagbukas ng phone, bumungad sa kaniya ang chathead nilang magkakaibigan.

BITCHES

Stephie

Masyado naman kayong nagpaka-busy! Mall naman us this coming Saturday! I miss you all!

Kyla

Sana ol, nasa PH! Enjoy! ❤️

Kia

Here pa ako sa province! Pinatapon ako nila Mom and Dad to study here and learn the life here sa province! And guess what? I found a hot guy in the university I am studying! 😍😍😍

Christine

Sorry guys, busy with acads! I think, I'll pass for now. Marami akong ihahabol eh. Ang harot kasi ni Shawn, hindi tuloy ako nakakagawa. 😞

Hera replied to Christine

Isa ka rin kasing maharot. Sinisi mo pa si Shawn eh parehas naman kayo 😒

Christine replied to Hera

Wow, nakakahiya naman sayo! Maharot ka rin kay Zach, dzuh!

Kyla

@Xandra Clyde and I saw you pala! Who's that guy na kasama mo? You two look close, huh? Care to share, girl?

Napakunot ang noo ni Hera sa nabasa. Parehong nasa US sina Kyla at Clifford at doon din napagdesisyonan ni Xandra na ipagpatuloy ang college kaya hindi malabo na magkita-kita sila roon. Kasama ni Xandra at kambal na si Alec.

Biglang naalala ni Hera ang kapatid na si Hero. Nahihirapan dito si Hero sa Pinas dahil dinaramdam pa rin nito ang pag alis ni Xandra tapos maririnig niyang may kasama itong iba sa ibang bansa? Uminit bigla ang ulo ni Hera kahit pa sabihing kaibigan niya si Xandra.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pantheras: The New Underground RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon