CHAPTER 2

2.1K 119 37
                                    


Hazielle's POV

Tahimik lang ako habang nakaupo. Katabi ko si Hero na may ginagawa sa laptop niya. May kung ano siyang ginagalaw roon.

We're here at Trídyma's Lair right now. Pero Hero and Hera decided to change our hideout's name because Hazionn will be joining us.

We still don't get along. He's not talking and so I am. Hindi ako ang unang mag a-approach sa kaniya kung yon ang hinihintay niya. Nope. Bahala siya.

"Seriously Hazielle, you're still not having even a one word talk with Hazionn. Bakit? May problema ba?" tanong ni Hero.

Nagkibit balikat ako. "Ano namang pag uusapan namin? He's not talking too."

Nakita ko ang pagtawa niya ng bahagya.

"Wala talagang mangyayari kung walang isa sa inyo ang magpapaubaya at unang papansin. Hazionn's nice. Talk to him. He's feeling that he don't belong in our family. Huwag mo nang sungitan at snobbin."

Napairap ako, mentally. But what he said was right. It must've been hard for him to have no one by his side. Only his Mom who's now dead. Itanggi ko man o hindi, nakakaramdam ako ng connection kay Hazionn.

I can feel his sadness. It's affecting me also but I'm trying hard to let them see that I don't care at all.

"I will change our codenames. What would you like for a codename?" tanong ni Hero.

We're also changing our group name. We're not Trídyma anymore cause we're not just three, we're four.

Napaisip ako. I love my codename as Red Trí, do I need to change it? Hindi ba pwedeng yun na lang ulit?

"Hey everyone! Hero! Give Hazionn an access to the Lair," sabi ni Hera.

Pumasok sila ni Hazionn. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Parehong walang gustong unang bumitaw. Pareho rin naming binabato ng blankong tingin ang isa't isa.

"Come forward, Zionn. Itapat mo sa eye scanner ang mata mo. Scan the red one, ha. Your eyes' true color," sabi ni Hera at hinila si Hazionn papunta sa eye scanner.

Pareho na nga kami ng ugali, pati ba naman ang mata? Naalala ko pa noong magkalaban kaming dalawa sa gangster arena. Nag iinit ang ulo ko kapag naaalala ko yun. Tsk. Tinamaan niya ang pisngi ko. Siya ang unang nakatama sa akin doon at hindi ko matanggap yon.

"Minsan naiinggit ako, seeing your eyes and Hazielle's. I love my pink eyes but I find red eyes so cool!" sabi pa ni Hera.

Hero tsked. "Paano naman ako? I just have plain gray colored eyes."

"I wanted those gray eyes," singit ni Hazionn.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Huh? Bakit? Ayaw mo sa red?" tanong ni Hera.

Umiling si Hazionn. "When I was young, I can't go outside without wearing contact lens. My Dad won't let me come outside. Kaya minsan, Mom will make a way for me to enjoy what it's like to be outside and play."

"But I should've just stayed inside instead of playing. Everyone said that my eyes are like the eyes of a monster. Yung mga dapat kalaro ko, umiiwas sa akin kasi pang halimaw raw ang mga mata ko. Nagtataka ako dati bakit ba ganito ang kulay ng mata ko tapos yung sa iba, normal naman. Bakit naiiba yung sa'kin?"

Tinapik ni Hera ang balikat ni Hazionn. "Huwag kang mag alala. Hindi ka nag iisa sa mga taong may abnormal na mata. Mom, Hazielle, you and me have abnormal eyes. Yang si Hero normal kasi ampon yan."

Kumunot ang noo ni Hero. "Baka ikaw ang ampon. Tahimik kaming lahat, ikaw, hindi mapakali sa isang tabi hangga't walang isang salitang nasasabi."

Hindi siya pinansin ni Hera. "Malas natin kasi hindi na pwedeng maging normal ang kulay ng mata natin. What they did to Mom when she was still a child, napasa iyon sa atin."

Pantheras: The New Underground RulersWhere stories live. Discover now