CHAPTER 7

1.8K 105 27
                                    

OMG! May nakakaalala pa ba sa akin huhu! Sorry sa super duper late update! Kinailangan ko po kasi talaga ng time to fix myself again at bumalik ulit sa pagsusulat. Nawala ako sa sarili ko nitong nakaraang linggo at wala talaga akong maisulat kahit anong pilit ko.

Pero baka ngayon, tuloy tuloy ang update again! Babawi ako, hehe! Yon lang! Thank you kung may naghihintay pa rin hanggang ngayon!

Happy reading!!!

⬇️⬇️⬇️

“STUDY well, Queen. Pakakasalan pa kita soon!” Napairap si Hera sa sinabi ni Zach.

Since medyo maaga aga pa siya ng 5 minutes, wala pa ang prof sa loob kaya tumambay muna siya sa labas ng room nila para samahan si Zach nang saglit pa. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaking to at kinakailangan agahan ang pasok para lang ihatid siya kahit saglit lang naman silang magkakasama.

But still, kinikilig pa rin siya. She knew Zach as someone who goes to school late. But looking at Zach now, Zach's 2 hour early before his first subject. He went to school early just for her.

For me...

Yiee, nginingiti-ngiti mo riyan Queen? Kilig ka ba sa akin? Aminin!” pang aasar pa ni Zach.

Agad na napalitan ng pagkangiwi ang ngiti niya at kumunot ang noo niya. Binigyan niya rin ng masamang tingin si Zach na nakangiting aso sa kaniya.

“Kapal mo! Magsisimula na class ko! Diyan ka na nga! No cutting, Dela Cruz ha! Malaman ko lang na mag cut ka ng classes, ibang parte ng katawan mo ang i-cu-cut ko sa'yo!” nagbabanta niyang sabi.

Noong highschool, madalas na nagcu-cutting talaga si Zach. Pero noong nag college at nang naging sila, hindi na ito muling nagcutting pa. Pero lagi niya pa ring pinapaalalahanan.

Ayaw niya rin kasing magkaproblema si Zach sa studies nito.

“Kunwari ka pang pabanta-banta lang Queen ah? Gusto mo lang makita eh, sus! No Queen! Bata pa ako!” sabi nito habang tila pinoprotektahan ang katawan na para bang may gagawin siyang masama.

Sinamaan niya ito lalo ng tingin at binatukan.

“Umayos ka na! Mauuna na ako.”

“Sige, Queen. Sumbong mo sa'kin kapag may sumubok umagaw sa'yo! Ako bahala, talunin muna nila ako, na impossibleng mangyari.”

Napairap si Hera at tumalikod na. Pero bago siya makaalis, pinigilan siya ni Zach sa braso at iniharap muli rito. Tapos ay binigyan siya nito nang mabilis na halik sa noo bago humiwalay.

"Bye, Queen."

"Landi mo, nasa school tayo!" pairap na sabi niya.

"Paki ko sa kanila?" baliwalang sagot ni Zach. "Sige na. Bye! I love you!"

Her heart skipped a beat before answering, “I love you too.”

Agad na ring pumasok si Hera matapos sumagot dahil namataan niya na ang prof na papalapit sa room nila. Sinilip niya mula sa bintana ng room si Zach na naabutan niyang may ngiti sa labing nakapamulsa na umalis sa tapat ng room nila.

.

Tumayo nang maayos si Hazielle at binalewala ang mga tingin na nakatutok sa kaniya. This is what she hate, being the center of attention. She just hates it. She prepare being on her own.

“Hazielle Zayne Smith-Mendoza,” pagpapakilala niya.

Her classmates started whispering. Napatiim bagang na lang siya at gusto na talagang maupo pero hindi niya magawa bilang respeto sa guro na nasa harap na wala pa namang sinasabing pwede na siyang maupo.

Pantheras: The New Underground RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon