"I know. Nasanay lang talaga ako na palagi kitang kasama. Hindi ko na 'ata kaya na malayo sayo," sabi niya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa batok ko.

Napabuga ako ng hangin. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakasalikop para yakapin ako.

"Magtiis ka na lang muna, Kalyx."

"Hindi ko alam kung kaya ko," malungkot na sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero biglang may kumatok sa bintana ng kotse ni Kalyx. Yung mama iyon na sinabihan kong kapag dumating na yung Bus papuntang Batangas ay katukin niya yung bintana ng kotse ni Kalyx. Nandiyan na siguro ang Bus.

Pinakawalan ako ni Kalyx. Bumalik ako sa upuan ko at binaba yung bintana.

"Nandiyan na po yung Bus," sabi ni Kuya.

"Ahh...sige po Kuya. Salamat!"

Ngumiti lang yung Kuya sa akin bago umalis. Itinaas ko muli yung bintana. Tumingin ako kay Kalyx at nginitian siya. Ngumiti rin siya sa akin pero halatang napilitan lang.

"Tulungan mo ako bitbitin yung gamit ko?" Nag-aalangang sabi ko. Tumango siya tapos lumabas na kami ng kotse niya.

Nilabas namin yung mga gamit ko na nasa likod ng kotse niya tapos naglakad na kami papunta sa Bus na papuntang Batangas. Aalis na daw ang Bus kaya hindi na pwede si Kalyx sa loob kaya hanggang sa labas lang siya.

Binigay niya sa akin yung isa ko pang bag na hawak niya. Ngumiti ako sa kanya. "Bye," aniya ko, medyo nalulungkot. Niyakap ko siya tapos agad din akong humiwalay dahil nasa public place kami, ang daming tao! Nakakahiya.

"See you in two weeks!" Sabi ko.

"Yeah... See you in two weeks. Don't forget to call me," pagpapaalala niya.

"I won't," sabi ko bago umakyat na ng bus.

Sa pinakadulo ako ng bus umupo. Sa lapag ko na lang nilagay yung dalawa kong bag. Nasa may tabi ako ng bintana kaya natatanaw ko si Kalyx sa may labas. Nginitian ko siya, ngumiti naman siya pabalik. Kinuha niya yung cellphone niya at nagtipa, mayamaya lang ay biglang nagvibrate yung cellphone ko. Pagkuha ko sa cellphone ko nakita kong nag-DM siya sa akin sa instagram.

kalyxalmendras: i miss you already:(

hiroyourhero: ang oa ha

kalyxalmendras: haha but i mean it

hiroyourhero: sus

Pagkasend ng reply ko ay bigla ng umandar ang bus. Napatingin ako kay Kalyx at kinawayan siya. Kumaway din siya sa akin.

kalyxalmendras: see you in two weeks. I love you

hiroyourhero:i love you too

Lumarga na ang bus kaya umayos na ako ng upo ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang may tatlong katao akong katabi. Hindi ko na sila pinagabalahan pa ng oras, nanood na lang ako ng mga videos sa tiktok para pampalipas ng oras.


Almost 2 hours ang biyahe. Sa public market ng Sto.Thomas, Batangas ako bumaba. Nag-abang ako doon ng jeep papuntang Tanauan, Batangas naman at pagkarating ko ng Tanauan ay naglakad naman ako papunta sa paradahan ng jeep kung saan sumakay na naman ako papunta naman sa lugar namin: sa Talisay, Batangas.

Halos isang oras na naman ang biyahe. Nang makita ko na yung kanto namin ay pumara na ako at bumaba. Abot langit ang ngiti ko ng makita ko sina Mama at Happy na hinihintay pala ako.

Agad na tumakbo sa akin si Happy. "Kuya!"

Niyakap ko siya nang sobrang higpit. "Ugh! Namiss kita, Bunso!" Tapos lumapit naman si Mama. "Ma!" Humiwalay ako kay Happy at si Mama naman ang niyakap.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now