CHAPTER 23 - LUCID

Start from the beginning
                                    

Pag kita ko sa pagmumukha ng lapastangang pa-epal...

"Tony?" walanjo, anong ginagawa dito ni Tony na ex ko 5 years ago na gangster wanabee?

Kinuha ni Tony ang kamay ko at hinila ako palayo. Akong si tanga, sumama naman. Lumingon ako pabalik sa abandonadong building pero hindi na iyon 'yung nakita ko.

Nasa skwelahan na ako...kami ni Tony.

Dinala ako ni Tony sa library. Walang tao dito, missing in action yung masungit na librarian na kung magbawal e mas maingay pa sa binabawal niya.

"Honey boo loves."

YUCCCKKKKK! KINILABUTAN BUO KONG PAGKATAO NG MARINIG KO YUNG ITINAWAG SA AKIN NI TONY!

Legit, nag taasan lahat ng balahibo ko sa katawan!

Honey boo loves 'yung tawagan namin nung magjowa pa kami. Arrghhh! Kadiri talaga! AYAW KO NG ALALAHANIN PA ANG MGA GANONG BAGAAAYYY!

ISA IYONG MASALIMUOT NA BANGUNGOT NG NAKARAAN!!

"Yes honey boo boo boo loves?" walanjo, ano 'to? Bakit sumasagot ako ng hindi ko naman ginugusto??????! At talagang nagpapa cute pa ako? Pakindat kindat pa ako dito?

Ang BOoBOo KO literal!

Tinapik ko ang bibig ko. Hoy, umayos ka bibig ha! Anong honey boo boo boo loves? Gusto mo boogboogin kita self?

"Ako lang magiging boyfriend mo habang buhay honey boo loves huh." unti unting lumapit ang mukha ni Tony sa mukha ko.

Kitang kita ng dalawang mata ko na pumikit sita at ngumuso ng pagkahaba haba.

"Oo naman honey boo boo boo loves, ikaw lang magiging boyfriend ko forever." sagot ko din daw tapos ngumuso din ako, yung mahabang mahaba para salubungin yung nguso ni Tony.

Susginoo! Bakit parang pamilyar ang scenario na'to?

"Are you trying to kiss me?"

Nandilat ako ng mata habang nakanguso ng mahaba kaharap si...

"AHHHHH!" sigaw ko sabay...

Isang suntok sa kanang mata ni Tony ang binigay ko. 'Yung suntok na hindi siya makakita sa loob ng isang linggo!

Walanjo, bakit unang unang bubungad sa umaga ko e si Tony pa? Akala ko nananaginip ako! Bakit nandito siya sa Marchese? Bakit nandito siya sa kwarto ni Gali?

AT BAKIT KATABI KO SIYA SA KAMA?????

"ARGGH! WHY THE HELL DID YOU PUNCH -AARH!"

Nagising ako sa katotohanan na hindi pala si Tony 'yung namimilipit sa sakit ngayon dahil sa matang nasuntok ko. Narealize ko din na hindi si Tony ang katabi ko sa pagkakahiga kundi si....

Si....

Si...

"SIR EASTON"

"SIR OK LANG PO BA KAYO?"

"SIR ANG MATA NIYO!"

Sampong maid ni Gali ang nagpapanic na lumapit ng marinig ang sigaw ni Easton.

"DON'T JUST STAND THERE! GET ME A PACK OF ICE!" singhal niya sa mga maid.

Nagpulasan naman lahat ng mga sinigawan niya kaya naiwan nanaman kaming dalawa dito.

Hinanap ng mata ko si Gali. Asan siya? Asan si Gali? Kaylangan ko siya sa mga ganitong panahon at pagkakataon.

Kaylangan ko ng human shield sa galit ni Easton Isprikiton!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now