Kabanata 1 - [Warmth]

Start from the beginning
                                    

Binalot kami ng katahimikan matapos noon.

Nahabag ako doon. Hindi ko pa man nakikilala si Mio ay sigurado akong mabait ito. I agree na Mio deserve a life. Ang sabi sa akin ni Linus ay may girlfriend daw itong naiwan noon. Ang mas masakit ay iniwan nya ito at hanggang ngayon daw ay mahal parin ito. Hindi man daw ito sabihin ni Mio ay ramdam ni Linus ang pangungulila ng kanyang kapatid.

Nais ni Linus na bumawi pero hindi nya alam kung paano. He could find the girl but Mio dosen't want to tell her name.

"So...makikilala kona pala sya sa wakas." Basag ko sa katahimikan. "Sa tingin mo magkakasundo kami?"

"Of course. Ikaw pa. Halos lahat ay kaya mong pakisamahan. At mabait ang kapatid ko nagsungit nga lang nitong mga nakaraang taon." Tumawa sya pero may bahid yun ng pangungulila.

Hindi ako komportableng malungkot si Linus. I always want him to be jolly and playful that's why I diverted the topic.

"Love, gusto mong mag-grocery tayo? I mean sure akong may food doon pero I want to buy some snacks habang nasa biyahe."

"Sure, Love."

"Uhmm ito na ba susuotin natin? Hindi ba tayo magpapalit?"

"No need naman na siguro." Nakapambahay lang kasi kami. Hindi nya ako pinapayagang umalis ng ganito lang ang suot. Buti nalang pumayag sya ngayon. Nakakatamad kayang magbihis. "Mabilis lang tayo kasi wala pa tayong naeempake." We chuckled at that.

Oo nga noh. Bukas na pala ang alis namin pero wala pa kaming nakahandang damit.

Umalis na kami agad sakay ang kanyang sasakyan. Nakita kong nasa garahe na din ang sasakyan ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto bago sya pumasok sa sasakyan.

Agad kaming nakarating sa pinakamalapit na grocery store. Siya ang tagatulak ng cart samantalang ako naman ang taga kuha.

Bumili kami ng snacks gaya ng chips, crackers, chocolates, at hindi mawawala ang paborito kong banana chips. Buti nalang meron dito. Pumunta din kami sa drinks section at kumuha ng maiinom.

"Anong gusto mo? Coke or Sprite?" Tanong ko sa kanya.

"Yung coke nalang akin." Agad ko namang nilagay yun sa cart. Sa kanayang likod ay may nahagilap ako. Agad ko syang tinawag para makita nya din ang napakacute na eksena.

"Linus, tignan mo yun ohh ang cute diba?" Tinuro ko sa kanya yug kinaroroonan ng dalawang bata. Masaya silang naglalaro sa cart. Ang batang babae ay nakasakay lang samantalang ang batang lalaki naman ang nagtutulak.

The scene is so adorable.

"Don't tell me gusto mong gumaya." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hmpp hindi ko naman sasabihin." Tinawanan nya ako.

"Hoy ang laki mo na. Pero kung gusto ng bebe ko... pagbibigyan ko naman." Sinambit nya iyon ng may nakakalokong ngiti. Napaka talaga nitong lalaking toh. Hindi ko alam kung kikiligin ako o maaasar.

"Heh ewan ko sayo. Tara na nga." Muli kong sinulyapan ang dalawang bata bago tumuloy sa cashier para magbayad.

"Ako na dyan, Love. Sumakay kana sa loob." Puna nya ng bubuhatin kona sana ang isa sa bag na pinamili namin.

"Okay." Hindi na ako umangal dahil wala din namang sense kung pag-aawayan pa namin yun.

Dumaretso na ako sa sasakyan at ilang minuto lang ay nasa loob na din si Linus. As usual, we turned on the radio and jammed with the music.

Ng makarating kami sa bahay ay agad kaming dumaretso sa paghahanda ng mga daldalhin namin. Mas naunang natapos mag-empake si Linus kaya tinulungan nya ako.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now