Chapter 33

23 4 1
                                    

Ligh Travis dela Torre Luna
LIGHT

I only see him once or twice dahil madalas ay wala ako sa bahay at marami akong inaasikaso kasama na ang paghahanap sa taong matagal ko nang gustong makita.

Fire Decordova is a good looking young man. Alam kong lahat kami sa pamilya ay inoobserbahan ang mga galaw niya at masasabi kong mabuti syang tao.

He is a 'think before you speak' kind of man, im sure of that. Dahil kung hindi ay siguradong kung anu anu na ang narinig namin sa kanya umpisa pa lang.

Kaya hindi ako nagtataka kung paano at bakit hulog na hulog sa kanya ang bunso kong kapatid.

Looking at the young man right now na yakap yakap ng mga kaibigan,i felt happy and proud for our baby girl. He chose to love the right man.

Pananabik.

Pangungulila.

Pag-asam.

Pagmamahal.

Lahat yun ay kitang kita sa kanyang mga mata ng sulyapan niya kami. Alam ko kung sinong hinahanap niya kaya napangiti ako. Kaming lahat na malamang ay iisa ang nasa isip. Maya-maya nga ay tumakbo na sya palabas na hindi man lang kami binati.

Natawa na lang ako ng walang tunog.At nagpaalam na sa mga kasama ko.

Kailangan ko ng magpahinga. Ngayong naayos na ang gusot sa Blood Moon ay aayusin ko naman ang sarili kong gusot.

Aeron Windell dela Torre Luna
Aero

Nakangiti kong pinanood ang tuwang tuwang pagyayakapan ng magkaibigan kahit nakaalis na si Fire. Ako man ay natutuwa. Tapos na ang gusot. Wala ng dapat ikabahala ang mga kabataang ito.

Lalong lumaki ang paghanga ko kay baby Ash, sya ang nagplano ng lahat. Mula sa pagkakadakip ni Brixton Chonlatee at Ariel Segovia hanggang sa pinakamababang ranggo ng gang.

Lahat ay kami ay inaatasan niya ng kanya kanyang gawain. Bagaman magkakahiwalay na bansa ay hindi nagkulang si Ash sa pagsusupervise sa amin.

Aniya ay kailangang matapos namin ang trabaho smoothly and flawlessly. Uwing uwi na raw sya at miss na miss na niya ang boyfriend niya. Kaya lahat kami ay apektado sa nararamdaman niya. Kami ang napagbubuntunan niya ng frustrations niya. Ngunit dahil mahal na mahal namin sya ay sumusunod na lang kami ng tahimik.

Pati ang aming ama ay tahimik at walang salitang sinusunod ang utos niya.

Ayaw naming nagagalit siya dahil ibang magalit ang isang Natasha Luna. Walang sinasanto, walang kinikilala. Hanggang ngayon ay nasa katawan ni Kuya Light ang palatandaan ng kalupitan niya. At hindi namin alam ang dahilan kung bakit niya yun nagawa.

She is indeed an evil queen.

Tumayo na rin ako at umakyat sa kwarto para magpahinga. Bukas na bukas ay kailangan kong pumunta sa Isla del Luna kung saan naroon ang Evangelista twins.

Eavran Thrace dela Torre Luna
Earth

Sinundan ko ng tingin ang pag-akyat ni Kuya Light, ako man ay napapagod rin sa haba ng byahe namin galing Italy. Dagdagan pa ng  frustration dahil hindi ako pinayagan ni Ash na umalis ng wheelchair kahit alam kong magaling na ako.

Gusto ko na ring magpahinga at akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni Ice. Napabuntung hininga na lang ako sa inis at sinabing ihatid na lang ako sa kwarto ko.

Wala man siya rito ay siguradong makakarating sa kanya pag sinuway ko siya. At dalawa kami ni Ice na malalagot pag nagkataon.

Naiinis ako ngunit hindi ako nagagalit kay Ash. Naiinis ako sa sitwasyon ko. Nagagalit ako sa mga nangyari.

Ash of FireWhere stories live. Discover now