Chapter 21

26 4 2
                                    

Dedicated to babylynaraman

ASH

"Everyone, let's welcome our beloved Administrator Mr. Darren Lim and his beautiful wife Mrs. Acezielyn Lim." dinig kong sabi ng emcee at nagpalakpakan na ang mga tao sa gym, ang mga mata'y nakatuon sa dalawang taong paakyat na sa platform.

Dylan hissed a little trying to hide it in. But i notice it as well as Flame, simple kaming nagtinginan at sabay na tumingin ng pa simple rin kay Dylan.

"And our new assistant Administrator, Ian Cedrick dela Torre.. let's all welcome him with a big round of applause.Jusko!. pwede ba ako mag enrol dito, pangako sisipagan ko pumasok araw araw kung makikita ko naman palagi si Mr. dela Torre.Mala-adonis. Tao ka pa ba? "pang - ookray ng baklang emcee.

Natawa na lang kaming lahat sa harapang pamumuri ng emcee kay Ice.

Hindi ko alam na pupunta pala sya at assistant administrator pa?. Wala syang nababanggit samin o baka saken lang?

I look at Flame at tinaasan ko sya ng kilay i gave him the 'do you know about this?' look.

He just shrugged his shoulders.

Tinawag ng emcee si Mr.Lim, ang ama ni Dylan na syang administrator ng eskwelahan. Pagkatapos nitong magbigay ng ilang salita na hindi ko rin naman halos naintindihan ay si Ice naman ang tinawag at pinagsalita.

Gusto ko syang asarin, seryosong seryoso ang loko. Kala mo di makabasag pinggan. Well, may pagkasuplado naman talaga ang yelong yan.

Matapos itong magsalita ay pinapili ito ng emcee para sa Face of the Night.

Si Fire ang napili sa mga lalaki as expected, nang tumayo ito ay tilian ang mga babae kasabay ng masigabong palakpakan.

Babae naman ang susunod na pipiliin, hinuli ko ang mga mata ni Ice at pinaningkitan sya ng tingin.Alam kong magsasayaw ang parehang mapipili bilang official na panimula ng party.

Ayusin mong pumili hah.. baka masapak kita ng hard.

"And for our Face of the Night, the Lady in black with red hair and blue eyes.. what's your name, beautiful lady?"

Tilian na naman ang mga babae, sila pa ang kinikilig.

"Ay, halika dito bebe dali." tawag saken ng emcee kaya tumayo naman ako at lumapit.

"Anung pangalan mo, bebe?"

"Natasha."

"You have a pretty name, it suits you." si Ice na ngiting ngiti saken. Pinigil ko ang sarili kong ikutan sya ng mata.

Tulad nang nakasanayan, magsasayaw ang dalawang nanalong Faces of the Night. Kaya naman, heto kami ngayon ni Fire sa gitna at gumagalaw lang ng bahagya kasabay nang malamyos na tugtugin.

Nakatingin lang sya saken ng seryoso at tikom na tikom ang bibig.

"Galit ka ba?" i asked.

"No."

"Anong problema?" tanong ko ulit.

"I dont like that guy." bugnot niyang sabi.

"Hah? Sino?" Sino na naman ba ang nambwisit sa lalaking apoy nato at ako mismo ang sasapak.

"Wag kang maang maangan.. that Ian Cedrick whatever guy. Ngiting ngiti sayo at pinuri ka pa, at mukhang gustong gusto mo  naman." singhal niya at bahagyang dumiin ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

Natawa ako bigla, so nagseselos sya? Na naman? Napaka-seloso buti na lang gwapo.

" Oh, tumatawa ka na naman.. sya ba naiisip mo?. Umayos ka hah, sasapakin ko talaga yun. "

Ash of FireWhere stories live. Discover now