Chapter 23

35 5 3
                                    

    Dedicated to KDDK96

ASH

Nasasaktan ako sa nakikita kong pagkalito sa mga mata ni Fire. Bakas sa kanyang mga mata ang tiwala at pag asa na sasagutin ko ang kanyang mga katanungan. Ngunit hindi pa panahon, masyado pang maaga para malaman niya ang lahat.

Ang totoo ay natatakot ako. Matatanggap niya kaya ako.? Pag nalaman ba niya ang lahat ay makakalapit pa rin ako sa kanya? Makakapaglambing? Makakapagnakaw ng halik at yakap?

Alam kong matapang si Fire ngunit hindi ko maiwasang isipin na baka matakot siya sa akin o sa kaya kong gawin. Baka talikuran niya ako pag nakilala niya ang totoo kong pagkatao.Ang mga nagawa ko at mga balak gawin.

Kaya gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang totoo, nag dadalawang isip ako. Nagtatalo ang puso at isip ko.

Ang isip ko ay nagdidiktang sabihin na sa kaniya at ipaliwanag ang lahat habang maaga pa. Ngunit ang puso kong natatakot sa magiging konsekwensya ay sumasalungat sa aking isip.

Sa sandaling malaman niya ang totoo, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Hindi ko makakaya ang sakit pag tinalikuran niya ako. Isipin ko pa lang ay tila pinipiga na ang puso ko at nagdurugo sa sakit.

Oo, ganun na kalalim ang nararamdaman ko sa kanya sa loob lang ng maiksing panahon.

At alam ko. Nararamdaman ko, nakapasok na ako sa puso niya. Wala man syang bigkasin na mga salita. Wala man akong naririnig na malinaw na kompirmasyon, alam ko. Hindi pa sya handa. Ngunit ang damdamin at emosyon niya sa pamamagitan ng titig ng mga matang matalas tumingin, at mga simpleng ngiti at mumunting halakhak na musika sa aking pandinig. Lahat yun ay nakita ko, naramdaman ng aking puso.

At ayokong magbago ang lahat dahil lang sa aking  pagkatao.

Kaya naman hanggang kaya ko pang itago ang totoo ay gagawin ko wag lang syang lumayo sa akin.

Pinanatili ko ang blangko kong ekspresyon habang nakatingin lang sa kanya na ngayon ay tila lalong naguluhan sa mga sinabi ni Darren Lim.

Kailangan ko ng sariwang hangin,naninikip ang dibdib ko sa isiping tatalikuran ako ni Fire. Nilingon ko ang mga kapatid ko na isa isa nang nagtayuan at naglakad palabas.

Napataas ako ng kilay ng mapansin kong si Ice ay kay Claire dumiretso na tumayo din naman agad nang makitang papalapit ang lalaki.

Hahakbang na sana ito ng hawakan ni Lia na katabi niya sa upuan. Naalerto ako ng makitang pumiksi ng malakas si Claire.

Sobra naman yata sya magulat.

Hanggang sa parang bigla na lang itong nanigas at nawalan ng malay.

"Shit." at agad akong tumayo para sundan sya na sa kabutihang palad ay nasalo agad ng kapatid ko at nabuhat palabas ng kwarto.

Malapit na ako sa pinto ng may marealize ako.

Hindi naman siguro sya pababayaan ng kapatid ko.

Napangisi ako sa naisip. Ang mga titig sa kanya ni Ice, ganung ganun ang titig sa akin ni Fire. Alam na..

"What the fuck was that?" si Jack na takang taka.

Si Jin na natatawa na lang bagaman mukhang nag aalala rin ay tahimik lang. Himala.

"I think she has Haphephobia."

Kumunot ang noo ko, what?

"Ano kamo, Haphehaph.. phobia?. Anu yon?." si Jin na nakitanong na.Sumawsaw na lang rin, mali pa.

Ash of FireWhere stories live. Discover now