Chapter 16

31 2 0
                                    

   Dedicated to xherrymiletea

FIRE

Gone the girl who had just told me yesterday that she likes me.

Mula ng mahawakan niya ang cellphone niya ay hindi na niya ako tiningnan man lang. Nakatutok ang atensyon nito sa teleponong hawak at may sinusupil na ngiti sa mga labi.

Napabuga ako ng hangin. Akala ko ba gusto niya ako? Hindi naman siguro siya seryoso dahil ito nga at katabi nako at lahat nahawakan lang ang telepono ay mukhang nakalimutan nako.

Naiinis na sinulyapan ko siya. Nagtataka man ako sa sarili ko kung baket ako nagkakaganito ay ayoko muna mag conclude ng kung anu ano. Ayokong pangalanan ang emosyon na unti unting kumakain sa sistema ko hanggang hindi ako nakakasigurado.

Mula kanina pagpasok ko ay sa kanyang tabi ako dumiretso, nag aral rin ako kagabi gamit ang notes niya. Tahimik man sya sa pagkakaupo sa tabi ko ay alam kong natuwa sya sa naging resulta ng quiz ko dahil nakita ko ang pinipigil niyang ngiti ng makita ang papel ko.

Maya maya ay naramdaman ko syang tumayo,inimis ang mga gamit at basta na lang isinuksok sa bag at nagmamadaling umalis ng walang lingon likod.

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin, ganun din ang ginawa nina Dylan. Tapos ay nagkatinginan kami, iisa ang nasa isip.

Baket?

Sa ilang araw namin sa pagiging magkaklase, hindi sya ang tipong basta na lang mangdiditch ng class. Kaya hindi ko maiwasan na magtaka at mapaisip.

Nagmamadali sya pagkatapos niya mahawakan ang cellphone niya.May nangyari kaya?.

Emergency?

Gusto ko syang habulin, pero pinigilan ko ang sarili ko.Anong sasabihin ko sa kanya kung sakaling magtanong sya?

Ang emosyon na hindi ko mapangalanan, unti unti ng nagiging malinaw saken.

Ang sayang naramdaman ko nang makita ko syang ngumiti dahil sa mataas kong marka sa quiz, ang pagkayamot nang hindi niya ako pansinin kahit magkatabi lang kami, tuwa sa dibdib sa tuwing hahawakan niya ako at higit sa lahat nakakabading man at nakakabigla, kinilig ako nang sabihin niyang gusto niya ako.

Kunting konti na lang, isang kumpirmasyon na lang.

Naputol lang ang pag iisip ko nang pumasok na ang lecturer at nag umpisa ng magklase.

Dalawa pang boring na subject ang sumunod at natapos din ang penitensya ko. Napangiti ako ng maisip kong pag katabi ko si Ash ay hindi man lang ako naiinip o inaantok sa klase.

Wala sa sariling nilingon ko ang katabi kong upuan na bakante,baket ba hindi ko man lang naisip kunin man lang ang number niya. Haysss...

ASH

Nakasimangot lang ako na nakaupo sa single sofa sa penthouse ko habang tinitingnan ng masama ang limang lalaki na nakabalandra sa sala. Si Ice na nakaupo sa mahabang sofa katabi si Light, si Aero na nakasalampak sa sahig at nakasandal ang likod sa inuupuan kong sofa, si Earth na nakaupo sa tapat ko at ang walanghiyang nagtawag ng emergency na nakapangalumbaba ngayon sa center table na at nka indian sit sa sahig na  si Flame.

"Spill the tea, baby boy." i said

"Promise not to be mad?" tanong pa na may kasamang puppy eyes.

"Say it first then i'll decide."

Tumingin muna sya samin isa-isa at tumikhim nagsalita ng mahina habang yukong yuko.

"I met a girl."

Ash of FireKde žijí příběhy. Začni objevovat