Chapter 29

19 3 0
                                    

FIRE

Kinakabahan ako. Baket hindi niya ako sinagot? Nakatitig lang sya sa akin na blangko ang mukha. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Maya maya ay unti unting napunit sa masayang ngiti ang kanyang mga labi. Kasabay ng kislap sa kanyang mga mata.

Napatulala akong napatitig sa kanya. Alam kong gusto niya ako. Sya pa nga ang nanligaw at nagdeklara sa buong school ng  nararamdaman niya. Ngunit higit pa ito sa inaasahan ko.

Her aquablue eyes is now sparkling in happiness. Punong puno ng emosyon. Hindi pa man bumubuka ang kanyang bibig, marami ng nasabi ang kanyang mga mata.

Kitang kita ko ang nararamdaman niya. Her eyes speaks for her. An emotion that is mutual to what i feel.

Love.

Ang nakagulat sa akin ay kung gaano yun kasidhi.Kita ko kung gaano katindi ang kanyang nararamdaman.

Matinding pagmamahal. The kind of love that can kill. Im sure of that.

I was stunned.Alam kong ang pagmamahal ko sa kanya ay higit pa sa sarili ko. Pero nanliit ang tingin ko sa sarili ko ng mabasa ko sa mga mata niya ang lahat.

This young woman loves me deeply. So deep that she can hurt anyone who hurts me.So deep that she can forget and leave everything for me. So deep that she can and i know she can, kill anyone who wants me dead. So deep that she can sacrifice her life for me.

But no i won't let her do that. Nangako ako sa kanya na hindi na sya mag iisa sa lahat ng kanyang laban.

"I love you, baby. I love you very much. My fire, my blazing fire.Thank you for loving me back."

Inaasahan ko na ngunit iba pa rin talaga kapag narinig na. Tumulo ang mga luha ko sa tindi ng emosyon at niyakap ko sya ng mahigpit.

Mahal na mahal kita, babaing abo.

Kasabay ng pagpikit ko ay paghigpit rin ng yakap niya sa akin. Nakatulog kami sa couch ng magkatabi pagkatapos ng makabagbag damdaming pag uusap. Nagkwentuhan kami ng walang humpay tungkol sa kanyang mga karanasan. Sa lahat ng kanyang hirap marating lang ang tuktok na kinaroroonan niya ngayon.

Tumindi ang paghanga ko sa kanya. Napakarami niyang mahirap na pinagdaanan, ngunit heto sya sa tabi ko at masayang nagkukwento na para bang masayang panaginip ang lahat.

Nauna akong nagising at ng sulyapan ko ang aking wristwatch ay hapon na pala. Tulog na tulog pa rin si Ash na nakaunan sa braso ko at ang mga kamay niya ay nakapatong sa bewang ko.

Napangiti ako. Ang sarap gumising pag mukha niya ang namumulatan. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha. At natukso akong halikan sya.

Nanlaki ang mga mata ko ng gumanti sya ng halik.At agad na napalayo.

"Kanina pa gising no?"

Humagikhik sya.

"Opo, nararamdaman ko kasi ang tingin mo kaya nagising ako. Gusto mo na ba bumangon? Nagugutom ka na ba?" tanong niya habang sinusuklay ng kanyang mga daliri ang magulo kong buhok.

Hindi pa man ako nakakasagot ay humigpit na ang yakap niya sa akin and she buried her face on my neck.

" Ten minutes more. Cuddle me muna, baby please? "

Asus.. nagpapalambing lang pala ang babe ko. Sige, titiisin ko muna ang gutom ko.

Niyakap ko sya ng mas mahigpit na lalo namang isiniksik ang ulo sa leeg ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit at madilim na nang magising ako. Wala na si Ash sa tabi ko. Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa si Ash na may bitbit na tray ng pagkain.

Ash of FireWhere stories live. Discover now