Chapter 28

20 4 1
                                    

FIRE

Ash was right, mas malapit nga ang sinasabi niyang Manor of Luna.Ilang minuto lang na pagmamaneho at pagliko ay nakarating na kami.

Kagaya sa unang bahay, napatda ako at humanga rin sa ikalawa. Kung ang dela Torre Mansion ay glass house, ang mansion ng mga Luna ay walang dudang Manor House.

It was a huge mansion made in old European style na alam mong ilang siglo na ang napagdaanan ngunit hindi maikakailang naroon pa rin ang ganda at tibay.

A huge gate in the entrance with the symbol of the Luna family on its middle , a dragon encircling the letter L and A long circular driveway that will lead you to the main door.

Sa gitna nang circular driveway ay mayroong fountain na ang disenyo ay isang batang babaeng may hawak na bilog na bagay na sumisimbolo sa buwan  na may nakasulat na Luna, mula sa bilog na bagay nagmumula ang tubig na umaagos pababa ng fountain.

The house may be in the old age but it doesn't look old. Matikas na matikas pa rin ang pagkakatayo nito, at sa palagay ko ay hindi nalalayo o halos magkapareho ang laki at lawak nito sa mansion ng mga dela Torre.

Her siblings were there already kasama ang aming mga kaibigan ng dumating kami.

Ang mga babae ay kababakasan ng pag aalala ang mga mukha, ganun din ang aking mga kaibigan maliban sa magkapatid na prenteng nakaupo lang sa tig isahang sofa.

Nang makalapit kami ay agad nagharap harap ang magkapatid at nag-usap na sila lang nakakarinig, tumayo ang dalawang lalaki sa pagkakaupo at naglakad patungo sa isang nakasaradong pinto.

Nang makapasok ang dalawa ay hinarap kami ni Ash.

"Hindi ligtas para sa inyo ang lumabas. Maaaring may nag aabang sa inyo, naghihintay lang ng tamang pagkakataon. Lalo na sa inyo, boys.." tukoy niya sa mga lalaki.

"Pare-pareho kayong only child, kaya automatic na tagapagmana kayo ng inyong mga magulang. Also Claire, na hinihintay ko pa ngayon ang report ng tao ko kung may mga kapatid pa. Your father is a philandering bastard before, baka hindi lang sa nanay mo sya nagkaanak. "

Tapos ay bumaling sya kay Lia.

" You have a brother, pero napakabata pa niya. The enemies are now tracing every footsteps of your father to find his heir. Kaya hindi ka rin nila maaaring makuha. They will surely use you as a human bait. But dont worry, my men is protecting your family."

Si Britney naman ang kanyang hinarap na tahimik lang na nakaupo.

" And Britney, i know you dont have any idea what is happening but please do not do anything stupid that will harm yourself. If you feel safe with Flame, then stick with him for all i care."

Pagkatapos niyang magsalita ay tumunog ang cellphone niya.

"Yes, Aero? Ano? What the hell?! Where are you exactly? Alright, hold on."

Hindi binibitiwan ang telepono at walang pasintabing tumalikod na lang si Ash sa mga kaharap ng may pagmamadali.

Ngunit hindi niya ako nakalimutan, sa pagtalikod niya ay agad niyang nahawakan ang kamay ko at hawak hawak ang kamay kong diretsong naglakad habang hawak pa rin ang cellphone sa kabilang kamay at kinakausap si Aero sa ibang lenggwaheng hindi ko maintindihan. Paiba iba ng punto, kung tama ang pagkakaintindi ko. Italian ang ginagamit niyang salita na maya maya ay sinisingitan niya ng German and Spanish.

Nakarating kami sa nakasaradong pinto, akmang bubuksan ko yun nang maunahan niya ko. Ang telepono ay inipit niya sa pagitan ng tenga at balikat para malibre amg kamay niya.

Ash of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon