Chapter 2

61 3 0
                                    

FIRE

Papasok ang kotse ko sa gate ng school ng madaanan ng mata ko ang taong naglalakad na papasok din ng gate, base sa paglalakad ay babae ang hula ko.. mukhang bagong estudyante dahil hindi naka uniform.. nka-hoodie na black na nakasaklob pa nga sa ulo, medyo maluwag na ripped jeans at sneakers na black, may bag na nakasabit sa isang balikat.

"hmm.. fresh blood hah.. may bago na naman kaming laruan.." napapangiti pa ako sa naiisip ko..

Pagkapark ko ng kotse ko ay dumiretso na ako sa Dream room, na tambayan namin ng apat ko pang kaibigan pero namataan ko sa hallway yung babaeng nakita ko sa may gate, na palinga linga sa paligid na parang may hinahanap.. naglakad ako sa likuran niya at pasimple ko syang sinagi sa balikat at walang anumang naglakad, pasimple ko pa syang nilingon at hindi naman sya nakatingin saken kundi sa balikat niyang nasagi ko..

"Nakasalamin pala sya.. Hmp, Nerd.."

Dream Room

"Narinig niyo na ba ang bago?" si Jack
"May transferee daw, babaeng Nerd.."

"Really?. we have a new toy then.." si Jin.

"I saw her already.."

Lahat sila napatingin saken, naghihintay ng karugtong ng sasabihin ko

"A nerd indeed, ang kapal ng salamin niya at sya lang ang nakita kong estudyante dito na naglakad papasok"

"ohh, baka scholar?" si Kirr

"i think so, matutulog muna ako.. inaantok pa ko, kayo ba hindi? madaling araw na tayo nakauwi kagabi ahh.."

"matutulog din kami, kung sinu unang magising paki gising lahat para sabay sabay tayong mag lunch.." saad naman ni Dylan

At nagkanya kanya na kami ng pwesto, si Dylan sa sofa.. si Jack naman sa pinagdugtong na dalawang single couch, sina Kirr at Jin magkatabi sa inilatag na sofabed.. at dahil ako ang leader nila akin ang single bed.. Puyat na puyat kami dahil galing kami sa race ng nagdaang gabi, may laban si Jack kaya present kaming lahat. at gaya ng inaasahan panalo na naman.. si Jackson Brosnan ay mabilis na racer, kotse man o motor o kahit anung sasakyan na pangarera, wala pang nakakatalo sa kanya pero patuloy pa rin syang hinahamon ng iba, nililigawan na sumali sa professional race pero ayaw niya, laro lang kasi yun para sa kanya, si Kirr naman ay magaling sa dart, archery at target shooting, si Dylan ay magaling sa martial arts at alam kong kung sa pisikal na lakas din lang, maliban saken walang tatalo kay Dylan sa mga kakilala namin atleast .. bukod sa basketball at baseball ay magaling naman sumayaw si Jin.. ako naman ay billiards ang hilig pero kung ikukumpara sa mga bagay kung saan sila nag iexcel alam nilang matatalo ko sila kaya ako ang ginawa nilang leader.

Ako si Francis Ian Reeve Decordova, mas kilala sa pangalang Fire at pinangigilagan sa Dream High, because we are bullies, but not ordinary.. Bullies with capital B .. lahat ng napagtripan namin ay nagtransfer na at ang iba ay tuluyan ng nag drop out. Naalala ko ang babaeng binunggo ko sa hallway, napaismid ako..

"Tingnan natin kung hanggang kailan ka tatagal.."

Napaisip ako, mukhang mahina ang babaeng yun sa paningin niya, pero hindi man lang umaray o nagreklamo.. alam kong medyo napalakas ang pagsagi ko pero parang wala lang naman yun sa kanya, kung ibang babae yun malamang natumba na at umiyak sa sakit pero sya ni hindi man lang gumewang ang lakad!! Kakaiba!!! Nakakapagtaka!!!

Hanggang sa makatulog ako ay ang babaeng yun ang iniisip ko.

"Fire.. lets go.. lunch na".. boses ni Kirr na bahagya pang sinipa ang paa ko.

"Mauna na kayo, susunod ako". pupungas pungas na sabi ko sabay tingin sa suot na relo, 11:45 na pala.. at nakakaramdam na rin ako ng gutom.. ansarap ng tulog ko.. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush sa banyo at lumabas na.. Pag aari ng mga pamilya namin ang school nato, pero ang ama ni Dylan ang nagpapatakbo kaya me sarili kaming kwartong tambayan at walang teacher na nagrereklamo kahit hindi kami pumapasok sa klase.

Malapit nako sa cafeteria nang mapansin kong nakatingin lahat ng estudyante sa pila papauntang counter at nakita ko si

"Dylan?" hawak sa kamay si.. teka, si Nerd ??.. hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila pero ano to? hawak niya sa kamay si Nerd at alam kong masakit yun dahil sa dilim ng awra ni Dylan hindi imposibleng mananakit na talaga sya, nakita kong napangisi ang babae tiningnan siya ng diretso sa mata at parang walang anumang isa isang tinanggal ang mga daliri nito na mahigpit na nakahawak sa kamay nya!!!! ng hindi inaalis ang tingin sa mata ni Dylan!!!!napatingin sya sa kaibigan at nakita niyang napangibit ito ng bahagya.. What the hell??!!!! si Dylan, nasaktan ng isang babae sa simpleng pag angat lamang ng mga daliri sa kamay..??!!!! Pagkatapos ay lumagpas lang ito kay Dylan, umorder ng pagkain at diretsong umupo sa bakanteng table at sumubo ng sumubo na parang walang pakialam!! Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at bahagyang kumunot ang noo, tumuloy sa paglalakad at ng makalapit ng bahagya..

"thats enough.. let her eat in peace" sabi ko sa mga lalaki sa likuran niya at nagsialisan naman ang mga ito..parang wala naman narinig ang babae at tuloy lang sa pagkain..Dumiretso naman ako sa counter at umorder ng pagkain naming lima at lumapit na kami sa mesa namin na nagkataong nasa likuran ng babae. Naupo kaming hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya.

"wag niyo akong titigan, hindi ako makalunok.."

Naramdaman niya yun? Ako yata ang mapapalunok.. iba ibang reaksyon ang narinig ko sa mga kasama ko, lahat sila parang nagtaka rin na nramdaman kami ng babae.

"Ang talas naman ng babaeng ito.."

Nang makita kong tumayo na ang babae ay pinagbalingan ko si..

"Dylan, nakita ko parang nasaktan ka?"

"Anung parang? sobrang sakit.. hanep ang babaeng yun.. sa higpit ng hawak ko sa kanya parang hindi man lang sya nasaktan at natanggal niya ang kamay ko ng walang kahirap hirap .."

"wow.. kakaiba yun ahh.. sa lakas mong yan mukhang nalamangan ka niya".. nkangisi at nang-aasar na sabi ni Kirr.

"tumigil ka, Kirr" saway ko sa kanya. Pero ako man ay nagtataka, kakaiba yata ang lakas niya.

"Ito pa hah, kanina na lumaban siya ng tingin saken wala akong nabasa sa mga mata niya, walang emosyon, napansin ko rin na naka contacts sya" dagdag ni Dylan.

"Mwol?? baket nkaglasses pa sya?" sabad ni Jin
*mwol :what? *

"Yun nga nakakapagtaka ehh..

" Mukhang magiging masaya to.."nakangisi naman si Jack..

Ash of FireWhere stories live. Discover now